Chapter 12

62 2 0
                                    

Chapter 12

Siera Pov.

Natapos kaming kumaing tatlo at napagdesisyunan naming umupo sa sala. Si Hades at Calix ay umiinom ng alak tapos ako naman ay nagcecellphone lang.

*you have one message from Samantha Deogracia*

Agad kong tiningnan ang message ko at nagtext nga si Sam sakin.

Sam: bes natanong mo na si Hades? *smiley emoticon*

Me: ay oo nga pala hehe. Tatanungin ko na.

Inoff ko na ang cellphone ko at tiningnan muna si Hades.

"Hades." tawag ko sa kaniya kaya agad naman siyang napabaling sakin.

"What is it love?" tanong niya sakin.

Love? Yieeeee tinawag niya akong love hehehe.

"Naks love. Sanaol love." natatawa namang usal ni Calix at tumigsim ng alak.

"Gawa tayo baby, Hades." sabi ko kaya biglang naibuga ni Calix ang tinigsim niyang alak at nanlalaki naman ang mata ni Hades na nakatingin sakin.

"A-alam mo ba yung sinasabi mo love?" nauutal na tanong sakin ni Hades.

"Oo naman, sinabi na sakin ni Sam ang kailangan kong gawin hehe."

"Hindi biro ang gumawa ng baby."

"Hindi naman ako nagbibiro eh." nakanguso kong sabi.

"W-wag muna tayo ngayon gumawa ng baby love. H-hindi naman ako nagmamadaling magkaanak."

Paluhod akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"Pero gusto ko na ng baby." pagpupumilit ko pa.

"Saka na tayo gumawa ng baby kapag maayos na ang lahat." malumanay na sabi niya.

"Sige, si Calix nalang muna ang isasama ko gumawa ng baby."

Naibuga ulit ni Calix ang alak na nasa loob ng bibig niya at gulat na gulat na tiningnan ako.

"Jusko Siera pinapaikli mo ang buhay ko."

"Ayaw mo rin? Gagawa lang naman tayo ng baby eh." nakangusong sabi ko at umupo sa lapag.

"Siera, you're not allowed to ask someone else to make a baby with you. It's me or no one love."

"Ayaw mo naman eh kaya si Calix nalang."

"Kinginang mahabagin, aalis na ako rito baka mapapaaga ang burol ko." usal ni Calix at umalis na.

"Let's go." yaya sakin ni Hades kaya agad ko siyang tiningnan.

"Saan tayo pupunta?"

"Sa kwarto."

"Anong gagawin natin don?"

"Gagawa tayo ng baby, Siera."

That's My Wife!Where stories live. Discover now