Chapter 32

93 2 0
                                    

Chapter 32

Siera Pov.

Pagkaalis ni Crizanta ay agad akong hinarap ni Hades na may ngiti sa labi niya.

"Bakit ka pumunta rito love?" agad na tanong niya sakin.

Hehehe gusto ko sana siyang isurprise kanina kaso huhuhu bwesit si Criza.

"Charaaan." pinakita ko sa kanya ang lunch box na dala ko.

"Ano yan?"

"Lunch box hehe."

"I know that's lunch box, bakit ka may dala niyan?"

"Baka dahil gusto kong hampasin sa ulo si Crizanta gamit 'to?"

"Love?"

"Joki joki lang hehe. Tumawag sakin si Calix tapos sabi niya hindi ka pa raw kumakain kaya nagluto ako."

"Yeah, hindi pa nga ako kumakain at dahil nandito ka may iba akong gustong kainin."

"Ano yun?"

"You, i want to eat you love."

"Hala? Aswang ka?"

"No love."

"Sinapian ka ng kaluluwang aswang? Huhu espirito ng aswang lumayas ka sa katawan ni Hades huhu."

Pinagkrus ko ang dalawang daliri ko at lumayo ng bahagya sa kanya.

"What? No. Hindi ako aswang at walang sumanib sakin."

"Eh bakit gusto mo akong kainin?"

"I mean, i want to make a baby with you again love."

"Pwede ba gumawa ng baby sa opisina?"

"Of course, kahit saan pwedeng gumawa ng baby."

"Edi doon nalang tayo gumawa ng baby sa mall niyo."

Napalunok siya at tumingin sakin na para bang hindi makapaniwala.

Huhu mas masaya kasi kapag maraming tao eh.

Bumuntong hininga nalang siya at kinuha ang lunch box sa kamay ko.

"Pwedeng gawin kahit saan basta walang tao love." sabi niya pa at niyaya ako papunta sa sofa.

"Binyagan natin ang opisina ko." dagdag niya pa.

"Kung ganon tawagin natin si father."

"Ang cute ng pagiging inosente mo mahal ko." usal niya at hinalikan ako sa labi.

Dahan dahan lang ang paghalik niya hanggang sa maupo ako sa sofa. Tinukod niya ang isang kamay niya sa sandalan at ang isa naman ay naglalakbay sa katawan ko.

"BOSSSS— oh shit fucking bold."

Napatigil siya sa ginagawa niya at inis na binalingan si Calix na ngayon ay nakatayo malapit sa pintuan.

"DAMN YOU ALVAREZ, THIS IS YOUR FUCKING SECOND TIME. I'LL GOING TO KILL YOU FUCKING ASSH0LE." galit na galit na sigaw ni Hades at binunot ang baril na nasa likuran niya at tinutok yun kay Calix.

"Huhu sorry na boss, hindi ko naman alam na gumagawa kayo ng milagro eh. Spare my life boss." tarantang sabi ni Calix at nagtago sa likod ng pinto.

"Bakit ka ba nagagalit?" takang tanong ko sa kaniya.

"Dahil kapag nabibitin ako sumasakit ang puson ko love."

"Hala? Nireregla ka love?" gulat na tanong ko.

Huhu wala namang nireregla na lalaki ah? bakit si Hades nireregla?

"What? No. Sumasakit ang puson ko kasi hindi ko mailabas ang gusto kong ilabas." kunot noo niyang sabi.

Akala ko nireregla siya, ganon kasi kapag nireregla ako masakit puson ko.

"Ano ba ang gusto mong ilabas love?" inosenteng tanong ko sa kaniya.

"A fucking sperm." tipid na sagot niya at binalingan na naman si Calix.

"Give me one fucking acceptable reason, Alvarez." pananakot niya ulit kay Calix.

"Gusto ko pang mag asawa boss. Patawarin mo na ako, Montreal. Gusto ko pang mag asawa." tugon naman ni Calix habang nakadungaw sa pinto.

"Fuck you, kapag inulit mo pa ito ililibing kita sa puntod ng lola mo."

"Hindi ko na uulitin huhu, promise cross my heart i don't want to die."

Binalik ni Hades ang baril niya sa likuran niya at pumasok naman ng tuluyan si Calix sa loob ng opisina.

"Anong sasabihin mo?" agad na tanong ni Hades kay Calix.

"Magkakaroon ng party ang Mafia at Mobster organization sa susunod na buwan. Tanging mga leader lang ng mga clan sa dalawang organisasyon ang pwedeng dumalo. Kailangang maging maingat tayo dahil hindi imposibleng magkagulo." lintaya ni Calix pero nanatili lang akong tahimik dahil may iniisip ako.

"Kung ganon hindi nalang dadalo si Siera sa party."

"Hindi pwede, Hades. Si Siera ang mas inaasahan ng lahat na dumalo. Siya ang pinuno ng organisasyon kaya siya lang ang dapat na makipag usap sa pinuno ng kabilang organisasyon."

Nagpatuloy pa ang pag uusap nila pero parang wala na akong maintindihan at marinig. May bumabagabag sa isip ko at dahilan yun para hindi ko matuon sa pag uusap nila ang atensiyon ko.

Kinalabit ako ni Hades kaya agad akong napabalik sa wisyo.

"Are you okay?" takang tanong niya sakin.

"May iniisip lang ako."

"What is it?"

"Yung regla ko."

"Ha?" sabay na tanong ni Hades at Calix.

"Huhu nilayasan ako ng regla ko, love." naiiyak na sabi ko.

"What do you mean, love?" malumanay na tanong sakin ni Hades.

"Mahigit isang buwan na akong hindi dinadatnan."

That's My Wife!Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz