Chapter 33

49 1 0
                                    

Chapter 33

Calix Pov.

Agad kaming pumunta sa hospital nong malaman namin ni Hades na hindi pa dinadatnan si Siera. Kanina pa siya hindi mapakali sa kinauupuan niya habang hinihintay namin ang doctor na nagtest kay Siera.

"How's my daughter?"

Agad kaming napatayo ni Hades at nagbigay galang sa daddy ni Siera na kakarating lang kasama si Samantha, si Mira, si Uncle Ben, si Mary at ang ibang myembro ng Orion Clan.

Taena? Ano 'to party?

"How's my daughter, Montreal?" pag uulit na tanong ng daddy ni Siera.

"Kasama niya pa po ang doctor, dad." tugon naman ni Hades.

Sabay sabay kaming napalingon sa pinto ng kwartong pinasukan ni Siera at ng doctor.

Gulat na gulat ang doctor na napatingin sa aming lahat.

Sino bang hindi? Buong angkan ng Orion Clan ang pumunta dito.

"L-lahat ba kayo relatives ni Siera Montreal?" nauutal na tanong ng doctor.

Tumango ang lahat na mas ikinalaki pa ng mata ng doctor.

"S-sino yung asawa?" tanong ulit ng doctor.

"Ako." tugon ni Hades at pumunta sa harap ng doctor.

"Isang buwan ng buntis ang asawa niyo, Mr. Montreal. Pwede bang ipaliwanag mo sa kaniya yun? Dahil akala niya nilayasan siya ng menstruation niya kaya iyak nang iyak kanina pa at hindi ko makausap ng maayos." sabi ng doctor.

Agad kong kinagat ang pang ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko.

"Buntis ang anak ko? May apo na ako?" paniniguro ng daddy ni Siera.

"Pwede rin pong kapatid niyo nalang kung di pa kayo ready maging lolo hehe." napatingin kaming lahat kay Samantha dahil sa sinabi niyang yun.

"Joke lang eh, serious niyo naman."

Napailing nalang ako at bumaling sa doctor na hanggang ngayon ay sinusuri niya parin ang lahat ng tao dito sa hallway ng hospital.

"Hindi naman masilan ang pagbubuntis ni Siera, katunayan ay napakahigpit ng kapit ng bata sa sinapupunan niya. Pero sana iwasan niyong gumawa ng ikaka-stress niya. Natural ang pagiging emosyonal sa isang buntis. Mood swing ang tawag dun, iwasan niyo rin muna ang pagkakaroon ng sexual intercourse ng asawa mo Mr. Montreal dahil pwedeng mapahamak yung bata. Maiwan ko na kayo." paliwanag ng doctor at umalis na.

Tangina may mabuting dulot naman pala ang pagsulpot ko tuwing gagawa sila ng milagro. Dapat ka magpasalamat sakin, Montreal.

Agad na pumasok si Hades sa loob ng kwarto kung saan naroon si Siera. Inalalayan niya itong lumabas at humarap sa buong Orion Clan.

Kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao dito peste.

"Congratulations." bati ni Uncle Ben kay Siera at Hades.

Yung iba ay nagsilapitan din sa mag asawa at kinamayan si Hades.

"Masaya ba sila kasi nilayasan ako ng regla ko, Hades?" naiiyak na tanong ni Siera kaya ang lahat ay nagpipigil ng matinding tawa.

"N-no love, masaya sila kasi nakagawa na tayo ng baby. Hindi ka magkakaroon ng menstruation sa loob ng siyam na buwan kasi meron ng baby sa loob ng tiyan mo." pagpapaliwanag ni Hades sa asawa.

"Ibig sabihin hindi ako nilayasan ng regla ko?" nakangusong tanong ni Siera.

"Hindi, hindi yun gagawin ng regla mo love."

Tanginang katangahan 'toooo....

"Kailangan muna maging sekreto ang pagbubuntis ni Siera. Hindi maganda ang lagay ng Mafia Organization ngayon dahil sa pangengealam ng Mobster Organization. Kailangan muna nating makipagkasundo sa kanila na walang gulong magaganap sa pagitan ng dalawang organisasyon. Isang buwan mula ngayon bago ganapin ang kasunduan ng dalawang panig." anunsiyo ng daddy ni Siera.

Agad nagsitanguan ang lahat ng myembro ng Orion Clan dahil sang ayon sila sa sinabi ng daddy ni Siera.

"Montreal, hindi isang buhay lang ang kailangan mong protektahan. Kapag napahamak ang anak at apo ko o kahit isa man lang sa kanila, malalagot ka sa buong organisasyon." kaswal na sabi ng daddy ni Siera.

"Naiintindihan k-" hindi natapos ni Hades ang sasabihin niya ng magsalita si Siera.

"He can protect us. He's not a Mafia Lord for nothing."

That's My Wife!Donde viven las historias. Descúbrelo ahora