Meron lang talagang isang malaking ISTORBO at 'yun ang best friend ko. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, I like her. Not Rica, but Zavy, hanggang matalik na kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay kay Rica, nothing more.

We're friends since, elementary. Our parents thought that me and her are destined to be lovers, but NO. Hanggang best friend lang. Pero, feel ko naman na may feelings si Rica para sa'kin, halata naman sa mga mata niya eh

MONDAY, ito ang araw na nadagdagan ang hope ko na the feeling is mutual. I was stunned earlier, watching her walking in the hallway. Nakasuot siya ng two-colored polo, ang isa ay mint green at ang isa naman ay light blue sa kaliwa na may chest pocket na may design na sakura flower. Nagsuot din siya ng white knee length shorts, old green na sneakers. Ang medyas naman niya ay black naman ay stripes sa cuff nito. In short COOL.

Ang galing niya talagang pumorma. Kahit nga siguro basahan ipasuot mo sa kanya, parang damit na isasalang sa runway eh. Minsan nga, sinasabi ko sa sarili ko. Totoo ba talaga siya? Ang mga taong gaya niya?

Tinanggal ko ang pagkakayakap sa akin ng best friend ko. Mahirap na baka may makakita, bigya na naman ng malisya. At lalo na ngayon na may power na ng technology, hays naku. Mga utak pa naman ng mga tao ngayon. Kung meron man.

"What do you want, Rica?" May bahid na inis na tanong ko. Bigla bigla kasing nangyayakap. Pano nalang kun may makakita? Edi issue na naman? At medyo, lumayo-layo na ako sa kanya kasi feeling ko lapit ako nang lapit kay Rica, layo naman nang layo si Zavy sa'kin, na AYAW NA AYAW KO.

Ayaw ko rin na magselos si Zavier, alam niyo na mahal na ata ako non.

Pinagtagpo niya ang dulo ng hintuturo niya na parang bata at nagsway-sway. Minsan, pinaghihinalaan kong buang 'tong best friend ko. Sa totoo lang ha.

"Gusto ko lang na mag-lunch kasama ka." She flashed a smile. Maganda si Rica, petite, medyo morena, small thin lips, long black hair at matangos na ilong. But even though she's beautiful, she can't make my heart race like Zavy does.

Makita ko palang sa Zavy, kahit na wala siyang ginagawa ay ang lakas ng tibok ng puso ko. Nagiging blurred lahat at siya lang ang nakikita ko. Kapag titignan niya 'ko, feeling ko kailangan kong maging sobrang gwapo sa paningin niya.

Feeling ko, I need to be perfect for her to look at me 'Yung tipong, ang liit liit mo kapag nagkatabi kayo, manliliit ka talaga sa sarili mo.

When I hear her voice, I want to put it on my music library, make it my ring tone and alarm tone. I want to hear her voice all day, all night, 'yung tipong gusto ko nalang siyang magsalita minu-minuto.

Pero, malabo 'yun. Pinaglihi ata 'yun sa bato eh, ang tahi-tahimik! 'Di kaya napapanis ang laway niya?

"Please?" Kumapit siya sa kaliwang braso ko at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Bumuntong hininga ako. Kulit talaga, pano ko kaya naging kaibigan 'to? Pano ko 'to natanggap?

May magagawa pa ba ako?

"Okay, let's go." Naglakad na kami patungong cafeteria. As usual, a lot of students are talking about us. Kung bakit ang clingy ng babaeng 'to sa'kin, pinagpalit ko na ba raw si Zavy. Hell no! I'm not that smart but I'm not that dumb to let someone like her go.

Nakita ko ang table nila Zavy na kasama ang mga kaibigan niya at kaibigan ko pati na rin ang ULUPONG na si Eugene. Bakit ba lagi nalang siyang nandun sa tabi ni Zavy? Nagpapacute pa mukha namang unggoy.

Tinignan ko si Rica at inaya, "Dun tayo!" Sabay turo dun sa kinaroroonan nila. Masaya silang kumakain habang, si Zavy ay may hawak na cellphone.

"Hi guys!" Bati ko sa kanila sabay hila ng upuan para kay Rica at para na rin sa'kin. May dalawa pa kasing bakante. Umupo na kaming dalawa kaya lang, tumayo ulit si Rica at ngumiti.

"Hello!" tapos nag-bow siya. "I'm Rica, Rica—" but Kiara cut her off.

Inirapan siya nito at sininghalan. "Duh!"

Her eyes looked at Rica from head to toe like she's the most disgusting thing she ever saw. "We already know you bitch!"

Pansin ko ang mga matang titig na titig kay Rica. Si Zavy. Pagkatapos ay bumulong siya sa katabi niyang si Celian. Napatango-tango naman ito, napansin ni Rica ang pagbulong ni Zavy kay Celian, kaya napa-tsk siya.

"Hah!" Singhal niya. "Why are you whispering about me, huh?!" sabah cross arms. Shet, 'wag kang ganyan Rica! 'Di mo alam kung sino yang binabangga mo! Naku talaga naman oh!

"You!" Turo niya kay Zavy. Lord, help.

'Di makapaniwalang tinuro ni Zavy ang sarili gamit ang hintuturo.

"Yes you!"

***

Thanks for reading 🖤

PRES.

She's My Boyish GirlWhere stories live. Discover now