Family

13.9K 1.1K 152
                                    

before you proceed with the new update, I have an announcement to make. for pre-order na po ang Lust Trilogy. see the book mock-up below (meaning, hindi pa po iyan ang official bookcover). limited copies only. for more details, send me a DM or private message. mas mabilis po akong mag-reply sa private message😅 😅 sa comment box kasi matatakpan 'yan ng iba.

para naman po sa mga nagtatanong kung may available copy pa ako ng The Billionaire's Trilogy self-pub, message niyo lang ako and I'll see if we can work something out😘😘😘

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

para naman po sa mga nagtatanong kung may available copy pa ako ng The Billionaire's Trilogy self-pub, message niyo lang ako and I'll see if we can work something out😘😘😘

special note. I am the sole distributor of my self-pub works. wala po siya sa mga bookstores. for interested buyers, you can get in touch with me.


RAMDAM ni Zenith ang pagpapawis ng kanyang mga palad. Maging ang sikmura niya ay parang biglang nangasim. His heartbeat escalates. Pinaalalahanan ni Zenith ang sarili na tao lamang din ang makakaharap niya. His been dodging bullets and dealing with monsters for as long as he could remember. Ngunit iyong pakiramdam na literal na nagbubungguan ang mga tuhod niya ay hindi pa nangyari sa kanya kahit na kailan maliban sa mga sandaling iyon.

Fuck, he muttered to himself.

Convoy sila ni Odi. Ito sa kotse nito at siya sa kanyang Agusta.Hindi siya sigurado kung alin ang mas nagpapakabog nang husto sa dibdib niya. Ang nalalapit na pakikipagharap sa tatay ni Mariz o ang kasagutan nito sa impormasyong kailangan niya? Kung may choice rin lang siya ay hindi niya gugustuhing sa ganoong sitwasyon sila magkakilala ng heneral. Dahil ano na lamang ang iisipin nito sa kanya? Nanligaw siya at naging nobya si Mariz nang hindi man lang sila nagkakaharap nang personal. What would he think about him?

Mula sa national road ay pumasok sila sa isang tila mas makipot at pribadong kalsada. Ilang sandali pa at natanaw ni Zenith ang pagbusina ni Odi sa harapan ng isang pantay-taong gate. Dahan-dahan siyang nag-menor ng takbo. Saglit lamang ay nakita niyang bumukas iyon. Odi rolled down his car window at kinausap ang malaking lalaki na siyang nagbukas ng gate. Agad iyong nakilala ni Zenith. Ang lalaki ay walang iba kundi ang bodyguard slash driver ng heneral.

Nang tumingin ang lalaki sa kinaroroonan ni Zenith ay kaagad na naunawaan ng binata na marahil ay sinabi rito ni Odi na may kasama ito. Nang umusad ang kotse sa unahan niya ay sumunod na rin siya. Umibis ito ng kotse nito. Siya naman ay hinubad ang suot na helmet bago bumaba sa kanyang bike.

Pahapyaw niyang inilibot ang tingin sa paligid. The house looks like one of those traditional old houses from the Spanish era. Dalawang palapag iyon at mukhang ilang henerasyon na ang nanirahan doon. Kung hindi siya nagkakamali ay nagmula sa isang mayamang angkan si General Andrade. His parents were both well-off and came from old money. Pero sa kabila niyon ay tila matipid sa pananalapi ang heneral. Iyong ibang may mataas na posisyon sa sandatahan, koronel pa lamang ay mayroon ng mga luxury cars at kaliwa't kanan na ang sinusuportahang mistress. General Andrade, however, surprises him. Dalawang sasakyan lamang ang nakita niya sa garahe, an old Ford pick-up truck at ang service car nito na nakita niya noong gabing iniligtas niya ito. Ikatlo roon ang sasakyan ni Odi na kadarating lamang.

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriWhere stories live. Discover now