The Abyss

14.9K 1.1K 163
                                    

"He who fights with monsters might take care lest he thereby become a monster

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"He who fights with monsters might take care lest he thereby become a monster. And if you gaze for long into an abyss, the abyss gazes also into you." - Nietzsche

.

MARIING ipinikit ni Zenith ang mga mata. As soon as they landed back in the Philippines, his friends took him to the nearest hospital. Bagaman simpleng cut lamang ang nangyari sa kanya ay tila lumala iyon paglapag nila. According to the doctor that checked on him, it was due to the air pressure during the flight. Medyo malalim ang sugat niya sa tagiliran. Sa kabila ng suggestion ng mga kaibigan na manatili muna sila ng ilang araw sa Japan para kahit paano'y paghilumin ang mga sugat niya ay hindi siya nakinig sa mga ito. Ayaw niyang mag-alala na naman ang nobya sa long absence niya. Nangako siya rito na hindi na magiging gaya ng dati ang relasyon nila. At pinatutunayan lamang niya ang ipinangako rito.

Sa unang araw pa lamang niya sa ospital ay kaagad ng nagsulputan ang mga kaibigan niya. Maliban kay Callous. They talked on facetime, though. At nang makita nito ang kalagayan niya ay umiling-iling lang ito sa kanya, showing his displeasure.

And as usual, maingay na naman ang kanyang hospital suite sa presensya ng isang Scythe de Asis. Na kahit siya ang ibinibida sa mga nangyari ay hindi niya maramdamang bida dahil panay kakulitan nito ang nangingibabaw.

"Kung naroroon kayo, para kayong nanood ng live action scene ni Battōsai. Hindi ko akalaing gano'n pala kalupit itong kaibigan natin sa sword fight. Sa totoo lang nangangatal na ang ngala-ngala ko no'n sa takot. Parang 'yong climax ng laban ni Luke Skywalker at Darth Vader."

"Naroon ka na kay Kenshin Himura lumipat ka pa ng Star Wars," pakli ni Venom.

"'Yon kasi talaga 'yong tumatak na makapigil-hiningang sword fight sa utak ko from childhood," katwiran ni Scythe. "As I was saying, our friend here is a force to reckon with. Huwag niyo lang ihaharap kay Doc niya, kasi ligwak."

Malakas na nagtawanan ang mga kaibigan nila.

Inis na dinampot ni Zenith ang isang unan sa tabi niya at ibinato kay Scythe. Walang anumang sinalo lang nito iyon. Kahit kelan talaga, bida-bida ang ungas.

"I'm glad you're all safe," ani Torment.     

Alam niya ang concern nito nang lumipad sila patungong Japan. Winston Tanaka after all is not just an ordinary Jap. At kung may isang bagay na nagpakampante rito, iyon ay ang kaalamang may injury ang isang binti ni Tanaka. And yes, he took advantage of that fact when he attacked him and bury the katana into his throat.

Before they flew to Japan inaasahan na nilang makikilala kaagad sila ni Tanaka base pa lamang sa impormasyon nila nang magpa-book ng silid sa hostel na pagmamay-ari nito. They didn't use faked documents or disguises to hide their real identity. So more or less inaasahan na nila ang mga sumunod na kaganapan doon. Pagpasok pa lamang nila ng ookupahing silid ay napansin na nila ni Scythe ang ilang hidden camera sa silid. Ngunit umakto lamang silang kaswal at normal na parang walang kakaiba sa paligid. When Scythe casually throw the information about the missing guests he knew it was a bait to lure their target. At hindi naman sila nabigo.  

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriWhere stories live. Discover now