I won't give up

14.9K 1K 156
                                    

DON Umberto Adduci is one sly fox

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

DON Umberto Adduci is one sly fox. Hindi ito basta-bastang nakikipag-negosasyon sa mga taong hindi nito lubusang kilala. Lalung-lalo na kung ang taong kausap nito ay isang estranghero. And that being said, any communication both incoming and outgoing is being monitored. Kung paanong dumaan si Tor sa mabusising screening bago ito nakapasok na bodyguard para sa manugang ni Adduci ay halos ganoon din ang pinagdaanan ni Zenith. Siya at si Callous ay nagpapanggap na mga big bosses ng isang prostitution ring that also links to child pornography. They're using borrowed identity. Ang original na nagmamay-ari ng identidad na ginagamit nila ay matagal ng inuuod sa ilalim ng lupa.

For the past years Don Umberto Adduci have long invested in legitimate businesses--using as base of operations and a means of laundering money from all of his illegal activities. Ngunit ang isang bagay na hindi nawawala rito at tila hindi nito kayang maihiwalay sa bulok na pagkatao ay ang labis nitong pagkahumaling sa child pornography that features little boys. At ang kahinaang iyon ng lalaki ang ibig nilang puntiryahin upang mapabagsak ito.

Pero kasabihan nga, ang magnanakaw ay galit sa kapwa nito magnanakaw. Kahit gaano pa kapulido ang pagkaka-plantsa ni Qaid sa mga identity nila ni Callous bilang mga child predators ay palaging may puwang ang pagdududa. At sa buong panahon ng pananatili nila sa Italy, hindi man regular na nakikipagkita sa kanila ang kilabot na Mafioso ay alam nilang may nagmamanman sa bawat kilos nila. Which means even their telecommunications were bugged. Maaari iyong magawaan ng paraan ni Qaid upang maikubli ang anumang outgoing calls but Tor didn't want to risk it. Ayaw nitong magkaroon ng anumang butas ang kanilang mga plano. Komokontra man ang kalooban niya ay wala rin siyang nagawa kundi ang sumang-ayon. Alam niyang lahat silang magkakaibigan ay nakahandang isugal ang lahat para sa tagumpay ng pagpapabagsak nila sa utak ng pagpatay sa kanilang mga magulang. They all wanted him to pay for all the horrible things he did to their parents.

Habang nakahiga at matamang pinagmamasdan ang nahihimbing na nobya ay napaisip na naman si Zenith. Was it all worth it? Hurting the first woman he ever loved for the sake of their revenge?

Tumaas ang isa niyang kamay at buong ingat na hinaplos ang pisngi nito. Sa malamlam na liwanag na nagmumula sa night lamp ay pinagmasdan niya ang maamong mukha ng nobya. Pero kung anong amo ng mukha nito kapag tulog ay siya namang kabaliktaran kapag ito'y nagalit.

Naramdaman niya ang tila pagsikip ng kanyang dibdib. Is she really going to break up with him? It was all his fault. Dapat bago siya umalis ay tinawagan niya ito. Hindi niya naman kasi inaasahang hindi na siya magkakaroon pa ng pagkakataong matawagan ito. Their every move were being monitored. One wrong move from them could also put the people around them in jeopardy, especially their loved ones.

"I'm sorry for hurting you," he whispered softly. "But please, please... don't break up with me. I love you so much, sweetheart..."

Maingat niya itong dinampian ng halik sa noo. Pagkuwa'y pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pagtitig dito habang ito'y mahimbing na natutulog. He wanted to pull her close and hugged her tight. God, how he missed her. Ngunit pinili niyang makuntento na lamang na titigan ito habang natutulog. Mahirap na, baka maalimpungatan ito at bigla na namang umigkas ang kamao.

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriOnde as histórias ganham vida. Descobre agora