First Storm

13.6K 926 118
                                    

NARAMDAMAN ni Zenith ang pagguhit ng matinding kirot sa kanyang punong-braso kasabay halos ng pag-alingawngaw ng dalawang putok

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

NARAMDAMAN ni Zenith ang pagguhit ng matinding kirot sa kanyang punong-braso kasabay halos ng pag-alingawngaw ng dalawang putok. Paglingon niya ay nakita niya ang leader ng bandidong grupo na halos humiwalay na ang kamay mula sa palapulsuhan. Halos nakatitiyak siyang ang ulo niya ang puntirya nito. Pero malas lang nito dahil mabilis ang bantay sa likuran niya.

"'You okay?" tanong ni Callous.

"Yah," he pulled his gun and shoot the enemy between his eyes. Tahimik siyang napamura nang makaramdam ng kirot. Mukhang pansamantala niyang hindi magagamit ang kanang kamay. Lalo at pakiramdam niya ay nakabaon doon ang bala. "God damn it."

"Let's pack up. Cleaners are on the way," ani Ferocious.

Isa-isa ng naglabasan mula sa pinagkukublihan ang kanyang mga kaibigan. Pagkuwa'y nagkanya-kanyang tinungo na nila ang kanilang mga sasakyan.

"Masakit?" ani Scythe.

"Gusto mong subukan?" itinutok ni Zenith ang hawak na hand gun dito.

"Tsk, nagtatanong lang, eh."

"Can you drive your bike with that wound?" tanong ni Vengeance.

Tinantiya ni Zenith ang sarili. Kumikirot ang sugat niya at ramdam niya ang nakabaong bala kaya halos triple ang sakit.

"I'll take you to Dr. Celestino," ani Callous. Kinuha nito ang sariling scarf at itinali sa braso ni Zenith upang maampat ang pagdurugo niyon.

"Bakit naman kay Dr. Celestino pa?" ani Thorn. "Naririyan naman si Doc Mariz, di ba, Zee? Tiyak may kasama pang kiss, pantanggal aray."

"At paano niyang ipapaliwanag kung paano siyang nabaril?" tanong ni Venom.

"Oh, right."

"I'll drive your bike, give me your key," ani Ferocious.

Kinuha ni Zenith ang susi sa side pocket ng kanyang camouflage at inihagis dito.

"Thanks, bro."

"Let's go."

"'Yong tauhan ni General, baka puwedeng ipa-asikaso niyo na rin kay Khali. He seemed like a good man. At mukhang ayaw pang iwan kanina ni General Andrade."

"Sasabihin ko kay Khali," ani Ferocious.

"Thanks again."

"Message us later, okay?" ani Menace.

"Noted."

Iyon lang at naghiwa-hiwalay na sila.

Sa kabilang dako ay natutop ni Mariz ang tapat ng dibdib. Sa kung anong dahilan ay biglang tumahip iyon. Then she felt a knot in her stomach. Nagtaka siya at saglit na pinakiramdaman ang sarili. Pagtayo niya ay hindi sinasadyang natabig niya ang kanyang glass tumbler. Maang na napatingin siya roon. Hindi siya mapamahiing tao. But for some reason si Zenith kaagad ang naisip niya. It's been a while since the last time they saw each other. Their only means of communication is thru cellphone. At madalas pa nga ay nagmamadali ito na para bang isiningit lamang ang pagtawag sa kanya. Bagay na gusto na niyang ipagtampo rito. She missed him.

The Untouchables Series Book 1 Zenith FujimoriWhere stories live. Discover now