Chapter 23

7.6K 201 5
                                    

Lyrica's POV


10 minutes na ang nakakalipas nung umalis si Lance.  Nagwawalis ako sa sala nung may napansin ako.


"Cellphone ni Lance to ha."


Pinindot ko yun at nakita ko na may missed calls sa kanya si Cliff. Nagmadali akong mag ayos at umalis agad ng bahay.


Hindi naman nagtagal ay nakarating agad ako sa kumpanya nila.


"Good morning Miss Lyrica."


"Maam Lyrica mabuti naman po at nabisita kayo dito."


Yan ang bungad sa akin ng mga empleyado. Dati kasi dinadala ako ni Lance dito o kaya kasama ako ni Ninang pag nasa bahay sila at maghahatid ng lunch kay Lance.


Nginitian ko lang sila. Hindi talaga ako sanay na tinatawag na 'Maam' o 'Miss'.


"Hi Alex!" bati ko sa secretary ni Lance. Ngumiti naman siya sa akin.


"Maam Lyrica, kayo ho pala."


"Nasaan si Lance?"


"Pupuntahan daw po muna niya si Sir Cliff bago siya pumasok." sagot niya.


Ang sabi niya ay ihahatid niya ako kaya pumayag ako. Mabuti na lang at wala yung tatlong babaeng may sanib dun kaya matiwasay akong makakapunta sa resto.


Pinagbuksan ako ni Alex ng pinto.  "Thank you."


Sabay kaming pumasok sa loob. Nasa tapat na kami ng pinto ng office ni Cliff nung may marinig kami.


"What the hell Cliff!"


Nagtinginan kami ni Alex at parehas kaming walang ideya kung anong meron kaya minabuti kong pumasok at nag paiwan naman si Alex sa labas.


Lahat sila ay nakatingin sa akin.


"Lyrica? What are you doing here?"


Nilapitan ako ni Lance. Yung kaninang nakabusangot niyang mukha ay biglang lumambot nung nakita niya ako.


"Uhmm.. naiwan mo kasi yung phone mo." sabi ko at nginitian siya.


Ngumiti naman siya at kinuha yung phone. "Thanks." inakbayan niya ako.


Ngayon ko lang napansin yung babaeng naghilamos ng pulbos dahil sa puti ng mukha niya.


"Sino siya Lance?" bulong ko.


"I'm Angelica. But call me Angel." she smiled. Deep inside I snort. Halatang fake yung ngiti niya. Nahawa na ata ako kay Miyu sa pagiging observant pag dating sa kilos ng mga tao.


"I'm Lance ---" Lance cut her off.


"An old friend of mine." balewalang sagot ni Lance kaya tumango tango na lang ako.


"Lyrica." tipid na pakilala ko.


"Nice to meet you Lyrica. Is it okay to invite you guys on a lunch? My treat." sabi nung Angel. I don't want to be rude lalo na't kaibigan pala siya ni Lance kaya pumayag ako.


**


"Where do you want to eat?"


tanong sakin ni Lance. Na-excite ako bigla.

"Sa joll--"


"On a japanese restaurant. I heard na masarap ang pagkain nila doon." sagot bigla ni Angel.


Return of the Heiress (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon