Chapter 16

8.7K 215 3
                                    

Lyrica's POV

"Thank you Maam! Please come again!" pinilit kong ngumiti kahit sa loob ko ay malungkot ako.

"Lyrica, mag pahinga ka muna." nilingon ko si Cliff na nasa likuran ko pala.

"Uh.. Oo sige." ngumiti siya atsaka umalis.

"Hmp. Landi."

Tinignan ko si Veronica habang naglalampaso siya ng sahig. Wala ako sa mood makipag inisan kaya umalis na lang ako.

"Ang kapal." narinig ko naman si Sara at Rita na nagbubulungan din.

Seriously? What's wrong with them?

Nag paalam ako kay Cliff na maaga ako uuwi at pumayag naman siya. Hindi ako makapag trabaho ng maayos dahil iniisip ko si Gray.

Nagtext ako kay Lance na pupunta ako sa ospital dahil baka sunduin niya ako pero hindi siya sumasagot.

Again, hinanda ko ang sarili ko. Pumasok ako sa isang kwarto kung nasaan si Gray at nakita ko siya na ganun pa rin ang itsura. Hindi pa rin siya nagigising.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya.

"Gray, please wake up."

Ipinatong ko ang ulo ko sa dibdib niya. Napangiti ako nung narinig ko ang normal na tibok ng puso niya. I touch his face. May mga sugat pa rin ang mukha niya, may benda yung ulo niya at naka suot siya ng oxygen mask. Naka cast din yung kaliwang braso niya.

Mula sa dibdib niya ay kinuha ko yung kwintas na suot niya. Ako ang nag regalo sa kanya nito noong nakaraang birthday niya. Malaking bilog lang naman yun at may nakalagay na letter G sa gitna.

Nangunot ang noo ko nung mapansin kong yupi yung gitna. Di ba binugbog lang naman siya? Anong nangyari sa kwintas niya?

I just shrug and close my eyes. Please Gray. Please wake up. I'm silently crying until I fell asleep.

**

"Lyrica."

Nagmulat ako nung narinig ko ang pagtawag sa pangalan ko. Nakatulog pala ako sa dibdib ni Gray. Nilibot ko ang tingin ko at dun ko nakita sila Miyu, Lyndon at Seige na nakatayo sa likod ko. Nag pout ako.

"Ate Lyrica, sorry."

Pag si Seige na ang nag sorry, wala na akong magawa. I just can't resist him. Makita mo ba naman yung cute niyang mukha na malungkot hindi ka pa tatablan ng charms niya?

I sighed.

"Lyrica, kaya hindi namin agad sayo sinabi kasi baka hanapin mo yung gumawa nito kay Gray at gantihan mo." paliwanag ni Lyndon kaya sinamaan ko siya ng tingin. Bakit niya alam?!

"We are just concerned ate Lyrica, ayaw naman namin na mapasama ka. We know you love Gray, pero kung gagawin mo nga yung sinasabi ni Lyndon, kahit si Gray siguradong magagalit. Kaya sorry na." pati si Miyu ay naka pout na din.

"Haay, okay! Suko na ako. Hindi ko rin naman kayang magalit sa inyo ng matagal." sagot ko sa kanila.

Ngumiti naman sila at niyakap ako. Maya maya pa ay naramdaman ko na may humawak sa kamay ko.

"Gray?!"

Half open lang yung mata niya at kahit naka oxygen mask siya ay kitang kita ko yung pagpipilit niya na ngumiti.

Bigla ko siyang nayakap ng mahigpit. Narinig ko pa nga yung daing niya nung naipit ko yung braso niya na may cast.

"Ay sorry." nilingon ko sila. Miyu and Seige cried and hug him habang si Lyndon naman ay nakatingin lang kay Gray habang hawak ang kanang kamay nito.

Return of the Heiress (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon