Chapter 18

8.2K 222 6
                                    

Lance's POV

Hanggang ngayon sinusungitan pa din ako ni Lyrica. Haay kakaiba talaga araw ng mga babae pag may you-know. Napailing na lang ako at sinundan si Verdandi sa paglalakad.

Gaya nga ng sabi ko nun, maayos na kaming dalawa, naging mag kaibigan din kami. Nagyaya nga siya mag mall ngayon, tatanggi sana ako dahil ayoko iwan mag isa si Lyrica sa bahay pero ayun, isang matinding pagdadabog ang inabot ko sa kanya. Hindi niya daw ako kakausapin pag di ko sinamahan si Verdandi.

"Lance, anong maganda?"

Nilingon ko si Verdandi na may hawak na dalawang damit. Yung nasa kanan blouse na black at yung sa kaliwa sleeveless na puti.

"Dunno, wala kasi akong alam sa damit ng mga babae. But if Lyrica is here she'll choose the black one." I chuckled. "Lyrica loves black."

That's true. Lahat ng makita niyang magandang damit kapag hindi kulay black hindi niya bibilhin kahit gustong gusto niya.

Tumalikod na si Verdandi at pumunta sa fitting room. Bahala siya kung ano pipiliin niya.

Sa labas nitong shop ay may napansin ako. Nilingon ko muna si Verdandi bago lumabas ng shop. Lumapit ako sa isang stand, puro ipit ang nandito. Napansin ko kasi yung kumpol ng ipit na puro kulay black. Napangiti ako dahil naalala ko na naman si Lyrica.

"Ate magkano po?" tanong ko sa tindera at ipinakita sa kanya yung mga ipit.

"Bente yan kuya pero para sayo sampu na lang."

Tinitigan ko yung mga ipit. Simple lang naman style niya, plastic at pa twirl siya na kulay black tapos kahit hilahin mo siya maya maya babalik din siya sa dati. Aish! ang hirap ipaliwanag mga babae lang makakaintindi ng sinasabi ko.

Nagbayad na ako kay ate at tinitigan ulit yung ipit.

"Ui! para sakin ba yan? ang sweet mo naman!" sabi ni Verdandi na nasa likod ko na pala.

"Sorry ah. Pero para kay Lyrica to eh."

"Ahh, ganun ba?" sagot niya.

For a second, parang nakita ko na dumilim yung mukha niya pero pag kurap ko ay wala naman. Namamalit mata lang siguro ako.

Nagyaya din siya umuwi pagtapos niya mamili at hindi naman ako tumutol dahil kanina ko pa gustong gusto umuwi.

Pag park ko sa labas ng bahay namin ay agad akong lumabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay.

"Lyrica!" sigaw ko.

"Kitchen!"

Agad akong pumunta sa kusina. "I have something for--- ano nangyari sayo?"

Return of the Heiress (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon