Chapter 27

8.5K 180 4
                                    

Lyrica’s POV

 

 

“Kuya may gusto ka pa ba kainin?” tanong ko kay Kuya Yuto at inilagay sa lamesa yung tasa ng lugaw.

“Wala na baby?” then he smile.

Kahapon lang nagising si kuya kaya masayang masaya talaga ako. 3 weeks siyang nacomatose, ang akala ko nga di na siya gigising eh kasi nag flat line din siya kahapon.

“Ate Lyrica, you should rest na. Kahapon ka pa walang tulog, kami na ang bahala kay Kuya Yuto.” Sabi sa akin ni Miyu na maga ang mga mata, ang reason? Nag away na naman sila ni Matthew Dela Monte.

Tulad ng sinabi niya, naiwan siya sa ospital kasama sila Seige at Lyndon. Si Gray kasi may inaasikaso daw pero babalik din siya mamayang hapon kasabay sila Tita Bianca.

Habang naglalakad sa hallway ay napaisip ako. Pakiramdam ko kasi ako talaga ang hinahabol nung mga lalaking gumawa nun kay kuya Yuto. Hindi ko nga lang alam kung bakit. Yung nangyari nun kay Gray, hindi ko rin masabi kung aksidente o hindi, pero isa lang ang nasa isip ko ngayon. Kailangan ko ng kumilos at alamin ang lahat ng nangyayari, as I’ve said before, kung ayaw nila sabihin sa akin edi ako ang gagawa ng paraan para malaman ang totoo.

Hindi ko na kasi kaya kung may mapapahamak na naman na isa sa mga taong mahal ko. Kung ako talaga ang kailangan ng mga yun, then fine! Haharapin ko sila – but once I learn the truth! Hindi ako dapat magpadalos dalos.

Napabuntong hininga ako nung maalala ko si Lance. These past few days, napapansin ko kasi na may problema siya pero ayaw niyang sabihin sa akin. I know malaki na nga yung problema ko pero gusto ko pa din malaman kng ano yung problema niya, kami na nga lang ang magkasama sa bahay tapos hahayaan ko pa siyang mag isa?

Hindi kasi ako yung tipo ng tao na ‘Problema mo solohin mo’ mas gusto ko kasi yung sinasabihan ako ng problema nila at magbigay ng kaunting solusyon kahit sarili kong problema di ko maayos. Ang gulo nuh?

“Lance?” tawag ko sa kanya pagdating ko sa bahay. Nandun kasi yung kotse niya sa labas kaya ibig sabihin umuwi siya o hindi siya pumasok.

Walang sumasagot kaya pinuntahan ko siya sa kwarto niya.

“Lance!” sigaw ko nung nakita ko siyang nakahiga sa sahig habang nakasuot pa ng 3 piece suit niya.

“Huy! Ok ka lang ba? Gumising ka Lance!”

Hinawakan ko ang noo niya at halos mapamura ako. Inaapoy siya ng lagnat! Hindi ko alam kung saan ko nakuha yung lakas ko dahil nagawa ko siyang buhatin at ihiga sa kama niya. Pinatay ko agad ang aircon at pumunta sa kusina para kumuha ng bimpo at maligamgam na tubig tapos bumalik din ako sa tabi niya.

Return of the Heiress (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon