Chapter 25

9.6K 206 3
                                    

Lyndon's POV

Ilang beses na akong napapalunok dahil sa sobrang kaba. Nagkatinginan kami ni Miyu at napanguso siya bago ulit yumuko.

"I'll ask you one more time."

Napalunok na naman ako. Para kaming nasa hot seat na apat pero nakatayo kami. Sa kanan ko si Gray, sa kaliwa ko naman si Miyu at sa tabi niya si Seige.

Nakaupo naman sila Ate Yuna at Kuya Yuto sa harap namin katabi nila sila Tita Yuri at Tito Seth. Sa likod naman nila ay nakatayo Si mama at papa. Tita Lila at Tito Anthony, Tita Kate at Tito Caleb, Tita Lilia at si Tito Violet.

Naka dekwatro si Ate Yuna habang naka cross arms at nakataas ang kilay.

"Bakit hindi niyo sinasabi sa amin na nakikipagkita kayo kay Lyrica? Di ba pinagbawalan kayo? Mas lalong mapapahamak si Lyrica dahil sa pakikipagkita niyo sa kanya. Nakalimutan niyo na ba? Kilala ksyo ng mga kalaban, what if they found out kung nasaan si Lyrica?!"

The four of us flinch. Kapag si Ate Yuna kasi ang nanenermon, takot talaga kaming apat. Mabait si Ate Yuna, but you will never like her other side.

"We're sorry ate." napayuko kaming apat.

"Yuna, it's okay." it was Tita Yuri. Hinawakan niya ang kamay ni Ate Yuna at nginitian ito. Tumayo muna siya pero nananatili lang sa pwesto niya.

"Wala na tayong magagawa tungkol dyan. Nangyari na e. I know you can't resist to see my daughter." tumingala kaming apat.

"From now on, you are free to go to her. But, please be careful."

Ngumiti kami.  Ang bait talaga ni Tita! Tumayo na din si Tito Seth.

"We will let her know about our family business. But we'll take it slowly para hindi siya mabigla. And I want the four of you to guide and help her. Alam kong mahihirapan siyang intindihin, kaya please. Wag niyo siyang pababayaan."

Pinaalis na kami ni Tito. Yes! we can see her at hindi na namin kailangan pang magtago sa kanila. Bago pa man din kami lumabas ng bahay ay may tumawag samin.

"Wait."

Tumalikod kami at nakita namin si Ate Yuna at Kuya Yuto.

Return of the Heiress (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon