Chapter 2

18.1K 365 5
                                    

After few years....

 

"Maraming salamat po, Miss Anna mauna na po kami, wag po kayo mag alala kakausapin ko po siya"

Nakanguso lang ako habang kausap ni Kuya Yuto si Miss Anna, ang Principal slash Guidance Councelor ng university namin.

"Sige, maraming salamat din"

Pagtapos  nun ay hinatak na ko ni Kuya Yuto papuntang sasakyan.

Tahimik lang kami habang siya ang nagda.drive. Hindi talaga ako sanay ng ganito kami kaya ako na ang bumasag ng katahimikan.

"Kuya, I'm sorry" tapos nagyuko ako ng ulo.

Ihininto ni kuya ang sasakyan at bumuntong hininga. Ginulo niya ang buhok ko.

"Ok na saken yun Lyrica, eh paano si Tita Yuri?"

Nagpunas ako ng luha ko. Ang pinaka ayoko sa lahat ay yung magagalit sa akin si mama. I know kapag nalaman niya itong ginawa ko madidisappoint siya sa akin. Wala naman akong issue kay papa kasi konting sermon lang yun maya maya lalambingin na ako nun.

"Can we please not to tell it to her?" pansusumamo ko.

"You know we can't do that Lyrica. Ayaw ni Tita na may tinatago sa kanya"

Yumuko na lang ulit ako habang nagpatuloy naman si Kuya sa pag da.drive.

.

.

.

.

Pumasok kami ni Kuya sa loob ng mansyon. Kapag ganitong oras nasa garden si mama o kaya ay nasa kusina.

"Let's go Lyrica" hawak ni kuya ang kamay ko habang naglalakad kami papuntang kusina.

I look at my mom. Kung titignan mukha lang kaming kapatid. Ni wala nga kahit isang bakas na tumatanda na si mama dahil makinis pa rin ang mukha niya. Parang forever 18 na siya. Madalas nga pag nagpupunta siya sa school ayaw maniwala ng mga kaklase ko na siya ang nanay ko.

"Oh anak, bat ang aga mo umuwi?" nakangiting bati sakin ni mama. Somehow, yung pagtawag niya sa akin ng anak, nakabawas sa nerbyos ko.

"Kasi ma --" nagyuko na lang ulit ako ng ulo. Di ko talaga kaya sabihin kay mama.

Naramdaman ko na lang na pinunasan ni mama ang pisngi ko. Umiiyak na pala ako?

"Yuto, tumawag kanina si Ate Bianca. Pinapasundo ata si Yuna" malambing nawika ni mama kay Kuya.

"Ok po" Kuya Yuto kiss her cheek before leaving.

"Tell me anak, ano na naman ginawa mo?" nakangiti pa rin si mama na para bang sinasabi niya na maiintindihan niya kung anu man yun.

Magsasalita na sana ako nung bumukas ulit yung pinto.

"Good afternoon to my queen and princess" lumapit sa amin si papa at hinalikan ako sa noo. Tapos ay niyakap niya si mama at hinalikan ang pisngi niya.

"Seth! mamaya na ha. May pinag uusapan pa kami ng anak mo" saway ni mama. Kumalas naman sa kanya si papa at hinarap din ako.

"What is it my princess?" kunot noong tanong ni papa.

Nagyuko ulit ako ng ulo "Kasi ma, pa... napaaway na naman ako eh"

"Sino?" sabay na tanong nila.

Napasimangot ako bago sumagot "Edi yung bf po ni Miyu"

Parehas silang nagkamot ng ulo. "Haay si Miyu talaga.. bat kasi ang daming boyfriend" reklamo ni mama.

"Ang mabuti pa ipahanda mo na yung bill sa ospital. Babayaran ko na hangga't maaga." natatawang sagot ni papa.

"Hindi niyo po ako pagagalitan?" nagtatakang tanong ko.

"Sanay na kami" sagot nila pareho "Pero anak, you should learn from your mistakes. Hindi porket ayos na sa amin ng papa mo, palagi mong gagawin yun. Hindi kita pinalaking ganyan anak." dugtong pa ni mama.

I'm overwhelmed dahil sa sinabi ni mama. Lumapit ako sa kanila at niyakap sila.

"Thanks mom, dad. I love you." I whisper and kiss their cheeks.

"We love you too anak. Sige na hinahanap ka na ng mga kaibigan mo. Oras na ng duty niyo." tapos ay kinindatan ako ni papa pag kasabi niya nun.

Nagtataka naman ang mukha ni mama kaya bago pa man siya magtanong ay tumakbo na ako paakyat ng kwarto ko at kinuha si Blaze. Pagtapos nun ay agad akong pumunta sa park.

"Ate Lyrica!" patakbong lumapit sa akin si Miyu at yumakap. "Am suri! Kasalanan ko kung bakit kayo nag away ni Matt" tinutukoy niya ay yung bf niya na inaway ko kanina.

"Wala yun. So ano game na?" tanong ko sa iba pa naming kaibigan. Nandito na din sila Lyndon, Gray at Seige.

"Game!" sigaw nila.

Humarap kami sa field. Isa itong skateboard field at si Blaze, siya lang naman ang crystal blue kong skate board. This was dad's gift nung nag 18 ako. Hindi alam ni mama na pinagawa to ni papa para sa akin dahil babae daw ako.

Parehas kami ni Miyu na natutong mag skate board dahil libangan din to nila Lyndon, Gray at Seige nung mga bata pa kami. At since  kami palagi ang magkakasama, nahawaan nila kami.

Miyu's POV

 

I look at Ate Lyrica while she's at the field. I like calling her ate even I'm 2 years older than her. Kahit kasi nung mga bata pa lang kami, pag nasasaktan ako, umiiyak lang ako at siya ang mag papatahan sa akin. Pag umaaway sa akin, pinag tatanggol niya ako samantalang ako ay umiiyak lang.

I know it is my job to protect her, but this isn't yet the right time. She's still innocent on what she really is. I guess Tita Yuri and Tito Seth are not yet ready to tell her the truth. Sino ba naman kasing magulang ang papayag na pumasok sa magulong mundo ang anak nila?

When my dad told me my role in their world, halos magulantang ang mundo ko. Mom cried that whole night saying how sorry she was, but I can't blame them . It runs in our family.

"Pagod ka na agad?" tanong sa akin ni Lyndon pagkaupo niya sa tabi ko. Iniabot ko sa kanya yung towel at isang bote ng mineral water.

Kung sa ibang tao, mapagkakamalan na mag syota kami. But for us, normal lang ang treatment namin dahil magkakapatid na rin ang turingan namin.

"Oo eh, kakagaling ko lang din kasi sa gym." sagot ko sa kanya.

"Ate penge din tubig!" inabutan ko din ng tubig si Seige pag lapit niya sa amin. Seige is only 16 years old pero siya ang pinaka smart  sa amin.

"Wala atang kapaguran yung dalawa eh."

Lumingon ako sa tinutukoy ni Lyndon. It's Lyrica and Gray. Like Lyndon and I, mapagkakamalan mo din silang mag jowa but the truth is they treat each other like siblings. Lyrica always say that she want to have a brother, apparently Tita Yuri don't want to bear a child anymore.

She have, well--we have Kuya Yuto but he's always not around. Busy kasi siya sa company nila, kaya si Gray ang madalas kasama  ni Lyrica. They love each other so much, but not like lovers.

If you' ll look at Gray.. he is too damn cute! Every girls in our campus admires him. Campus crush kaya yan, kaso ayaw niya. He hates attraction. Maraming nagkakagusto sa kanya pero dedma lang siya. Naka focus lang siya sa amin.

Mabait si Gray, masipag, charming, tahimik at minsan lang makitawa  sa amin pero manhid at saksakan ng sungit! Manhid kasi babae na mismo ang lumalapit sa kanya pero nilalayuan niya. Saksakan ng sungit kasi kapag hindi niya kilala inii.snob niya at sinusungitan.

Tumingin ulit ako kay Lyrica. I am afraid for her. Kasi kapag nalaman nya ang totoo pwedeng mabago ang buhay niya at pagtingin niya sa amin.

Sa aming lahat, siya ang pinaka importante ang gagampanan na tungkulin.

Return of the Heiress (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon