Chapter 4

14.2K 315 4
                                    

Lyrica's POV

 

 

Nasaan na naman kaya to si Gray? Wala na nga yung tatlo pati ba naman siya wala?

"Attention students" tumingin ako sa stage kung nasan ang principal namin. Nasa school grounds kami kasi may special announcement daw siya.

"This coming friday, we will be having our Acquaintance party. And of course, you will celebrate with your date or special someone. Then before the closing ceremony, we will choose a partner and give them a special prize."

Nagkamot na lang ako ng ulo. Sa pagkakaalam ko JS Prom yun di ba? kung sa bagay college kasi kami, pero bakit kailangan pa ng ka date? Haay, si papa na naman pasimuno nito.

Pagkatapos ng announcement ay dinismiss na rin ang lahat ng klase para makapaghanda. Wednesday na kasi at ewan ko ba kay papa bakit ngayon lang nag announce ng ganun.

Naglakadlakad ulit ako. Aakyat na sana ako ng 4th floor nung makarinig ako ng tilian.

"Please! ikaw na lang ka date ko!"

"Hindi noh! ako unang nag yaya sa kanya di ba Gray?"

Patuloy lang sila sa ingay at pagyaya nila kay Gray. Pumasok ako sa classroom kung nasan sila.

At huli kang kulay abo ka!

Lahat sila nakatingin sa akin. Tumaas ang kanang kilay ko. Mahigit sampung babae ang nakapalibot kay Gray.

"A-ahh, sorry girls. Nandyan na pala ang babe ko." Lumapit sa akin si Gray at hinalikan ang pisngi ko.

Mukha naman pinagsakluban ng langit at lupa yung mga babae bago tuluyang isara ni Gray ang pinto.

"Baliw ka bakit mo ko hinalikan sa pisngi?" asar na tanong ko sa kanya sabay hampas sa balikat niya.

"Sorry, ang hirap nila takasan eh" sabi niya sabay ngumiti. Inirapan ko na lang siya at naglakad palayo.

**

"Narinig niyo ba yung announcement kanina?" tanong ko sa kanila

Return of the Heiress (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon