Chapter 14 part 2

7.9K 202 1
                                    

Yuto's POV


"Yuto tulog pa rin ba si Gray?" tanong ni Yuna pag pasok niya ng pinto.


"Oo. At mukhang ayos naman na siya." sagot ko sa kakambal ko. Umupo siya sa tabi nila Miyu at Seige na mahimbing ang tulog.


"Kuya Yuto. Sa tingin mo sila din ang may gawa nito kay Gray?"


Nilingon ko si Lyndon na nakaupo sa kabilang side ng kama ni Gray.


"Sa tingin ko oo. Kilala tayo ng mga kalaban kaya hindi din imposible na sa atin mangyari to."


Tinitigan ko ulit si Gray na nakahiga at natutulog sa hospital bed. Huminga ako ng malalim. Kung hindi siguro kami dumating ni Yuna malamang wala na si Gray ngayon.


Flashback....


Nasa hideout kami ni Yuna. Tinitignan namin ang mga monitor kung saan ay nakalagay ang mga pangalan nila. Yes nila, as in sila Tita Yuri, Tito Seth, our mom and dad, sila Lyndon, Miyu, Seige at Gray kasama ang mga magulang nila.


Each of them had a tracking device. Para in case na may mangyaring masama sa kanila, madali namin malalaman. Of course except for Lyrica, malayo na kasi siya sa amin. And I miss my baby so much. For Yuna and me, siya ang bunsong kapatid namin since iisang anak lang naman siya ni Tita Yuri. But I call her baby.


"Yuto." bumalik ako sa katawang lupa ko nung tinawag ako ni Yuna.


"What is it?"


"Tingin ko may mali kay Gray."


Tinignan ko yung monitor ni Gray. She's right, may mali talaga. Huminto kasi yung icon niya in the middle of the road.


*phone rings*


Tinignan ko agad si Yuna nung mag ring ang phone niya.


"It's Gray."


Tinanguan ko lang siya, senyas na sagutin niya ang phone. Ni- loudspeaker niya para marinig ko.


Halos manigas ako sa kinauupuan ko nung makarinig ako ng putok ng baril. Hindi nagsasalita si Gray sa kabilang linya, ibig sabihin ay tumawag lang siya para ipaalam sa amin na nasa panganib siya. Agad naman kaming umalis ni Yuna.


"Nasan siya?" tanong ko habang nag da-drive.


Naaaninag ko sa peripheral vision ko na binuksan niya ang phone niya. Hinahanap niya siguro yung lokasyon ni Gray.


"Sa West road. 80km ang layo nun mula dito sa pwesto natin."


Binilisan ko ang pagmamaneho ko. Halos dasalan ko na lahat ng santo, wag lang may mangyaring masama kay Gray. Sa kanilang apat mas magaling si Gray, pero gaya nang utos sa amin ni Tito Seth, hindi kami basta basta pwedeng kumilos ng walang pahintulot dahil pwede itong magsimula ng gulo sa aming mga mafia o mas kilala bilang Mafia War.


Nag aayos na si Yuna ng sniping gun at apat na hand gun. Nilagay niya sa gun pocket ko yung dalawa at ganun din sa kanya. Malayo pa lang kami ay nakikita na namin ang ginagawa nila kay Gray.


"Yuna!" tawag ko sa kanya.


Nakaluhod si Gray at duguan ang mukha at katawan. Hawak siya ng dalawang lalaki at may isa pang lalaki ang nasa harap niya na may hawak na baril at nakatutok sa ulo ni Gray.


Binuksan ni Yuna ang bintana at pumorma. Kinalabit niya ang gatilyo at kitang kita ko kung paano tamaan sa ulo yung lalaking may hawak na baril.


Dalawang beses niya pa kinalabit yung gatilyo at yung dalawang lalaki na may hawak kay Gray naman ang tumumba.


Agad bumalik si Yuna at hinagis sa backseat yung sniping gun at kinuha ang dalawang hand gun.


Pagkahinto namin ay agad na bumaba si Yuna at pinaputukan yung iba pang lalaki. I did the same.


"Aahh!"


"Ackk!"


"Urgh!"


"Mga walang hiya kayo!" sigaw ni Yuna.


Patay na lahat ng kalaban namin pero itong si Yuna, tinatadtad niya ng bala yung lalaking may hawak kanina ng baril na nakatutok sa ulo ni Gray.


"Yuna stop. Tapos na, patay na silang lahat." pigil ko sa kanya. Huminto naman siya at yumuko. Nilapitan namin si Gray.


"Oh no, Yuto dalhin natin sa ospital! Humihina na yung tibok ng puso niya!"


Yuna is crying while holding Gray's hand. Nasa backseat sila at nakapatong ang ulo ni Gray sa mga binti niya.


"Yuto, bilisan mo! Si Gray!" humahagulgol na wika niya. Tinignan ko sila sa rear view mirror at ayaw tumigil sa pag agos yung dugo sa ulo ni Gray.


Sa aming dalawa, siya yung praning at tarantahin. She worries a lot when it comes to the four them.


End of Flashback...


Lumapit ako sa kakambal ko at tinabihan siya.


"You okay?" tanong ko.


Tumango siya at pilit na ngumiti. "Yeah." isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.


"There's only one thing to do now."


Tumingin sila ni Lyndon sa akin. "Ano yun Kuya?"


"Wait for the Heiress to come back."

----

ehem.. :)

nahati po sa dalawa yung chapter 14 kasi hindi kaya ng phone kapag mahaba.. gets nyo ba? hehehe

naka phone lng ksi aq at hanggang ngayon wala pa rin kaming keyboard. (peace po)

pasensya na din po sa typos T.T

Return of the Heiress (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon