Chapter 52

7.1K 176 4
                                    

A/N: Dito na po papasok yung ibang scene na nasa book 1 :) may revelations na magaganap :D..

VOTE/FAN/COMMENT! ♥♥♥

=======================================================

Lyrica’s POV

“A-ano bang sinasabi mo Lyrica? H-hindi ko maintindihan.” Wika ni Lance. Bakas din sa mga mukha nila ang pagkagulat dahil sa sinabi ko.

“What I’m saying that your girlfriend here is our real enemy.” Sagot ko. Hinarap ko ulit si Verdandi at nakayuko lang siya.

“P-paano mo naman nasabi yan?” tanong ni Miyu.

“Simple lang. Because of this.” Ipinakita ko sa kanila yung bracelet na may nakasabit na tatlong pegasus. “From the word FRELIA itself, it is the place where pegasus and humans are living together. It was only a myth, but they use it as the name of their clan.” Binalingan ko si Verdandi. Nakayuko pa rin siya at hindi nagsasalita.

“How did I found out? Yung jigsaw puzzle na pinadala mo sakin. Bukod sa mga letrang nakalagay doon ay may iba pa. Sa una ay hindi talaga mahahalata, pero pag binasa mo ng kahit anong likido ang puzzle ay may lalabas na pattern ng pegasus. Ayun ang gumulo sa isip ko kung anong kinalaman ng pegasus at frelia sa pamilya ninyo that’s why I gave you this bracelet. At sayo na rin mismo nanggaling na kaya mahilig ka sa pegasus ay dahil simbolo ito ng pamilya niyo.” Binulsa ko yung bracelet at tinitigan ulit siya.

“At isa pa, si Bellerophon ay isang greek hero na nakasakay sa pegasus di ba? Isa din yun sa dahilan kung bakit mahilig ka doon.” Ngumisi ako. “Kahapon ko lang nalaman ang totoo mong pangalan. And I find it weird dahil babae ka pero Bellerophon ang pinangalan sayo. You hate that name that’s why you change your it to Verdandi right?”

Nilingon ko si Ate Yuna. Nakangiti din siya ng nakakaloko habang nakatingin kay Verdandi. “I looked for some informations about you pero wala akong nakita. Noong una ay akala ko sira ang system na ginagamit ko, but then I realized that maybe you’re not using your real name that’s why I did some research. From the basic informations na nakuha ko, hindi totoong nasa ibang bansa ang mga magulang mo dahil patay na sila.” Tinignan ako ni Ate Yuna.

Noong unang pag uusap namin ni Verdandi ay sinabi niya na nasa ibang bansa ang mga magulang niya, pero nung napag usapan namin siya ni Lance, sinabi niya dito na patay na ang mga magulang niya kaya naguluhan ako. And now I know the truth.

“And you studied in London. Sa tulong ng isang tauhan ko ay ipinahanap ko sa kanya kung saang eskwelahan ka nagaral at pumunta ako doon. Itinanong ko kung meron silang estudyante na Verdandi Azcueta ang pangalan pero wala daw. Using my skills, hinack ko ang system ng school na yun at tinignan ang year book ng mga estudyante and something caught my attention. There is a picture of a lady but her name is Bellerophon and not Verdandi. Kaya doon ko din nalaman ang totoong pangalan mo. Nung pumunta ka dito sa pilipinas at saka mo pinalitan ang pangalan mo from Bellerophon Mariano to Verdandi Azcueta.”

Return of the Heiress (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon