Chapter 40

7.6K 179 6
                                    

Gray’s POV

“Gray oh, say ahh.”

“Ahh.”

“Ang takaw mo kumain. Kung sa bagay limang araw kang tulog.” Nakangiting wika ni Lyrica at nagbalat ulit ng mansanas.

Hinawakan ko ang mukha niya at pinaharap siya sa akin. Kinurot ko ng pisngi niya.

“Bakit ang payat mo?” tanong ko sa kanya. Napanguso naman siya. Sumampa siya sa kama at tinabihan ako.

“Hindi ako makatulog ng maayos. Nag alala ako ng sobra sayo kaya binantayan na lang kita magdamag.” Paliwanag niya.

Hinila ko siya para yakapin at hindi naman siya pumiglas.

“Anong ginawa nila sayo?” seryosong tanong niya habang nakayakap pa din sakin.

Ayoko na sanang ikwento sa kanya pero alam kong kukulitin niya lang ako.

Flashback...

Sinundan ko yung mga lalaki hanggang sa makarating kami sa parking lot. Sana bumalik agad si Lyndon para may kasama si Lance sa loob. Hindi kasi ako nakakasiguro, baka may mga kasamahan pa ang mga taong to sa loob.

“Anong kailangan niyo?” tanong ko sa kanila nung huminto kami sa paglalakad.

“Si Lance talaga ang kailangan namin, pero sa tingin ko mas matutuwa ang boss namin kapag ikaw ang dinala namin sa kanya.” Nakangising sagot niya.

“At kapag hindi ka sumunod sa amin, mamamatay ang asawa mo.” Sabi nung kasama niyang lalaki.

Binuksan naman ng isa pang lalaki yung laptop niya. Mas lalo akong kinabahan sa nakita ko. Nakatapat sa isang bintana si Lyrica habang kausap niya sila Tito.

“May sniper kaming nakaabang doon, at sa oras na tumanggi ka...” itinaas nung lalaki yung daliri niya sa ulo niya. “Bang.. bye bye Lyrica.”

Wala akong ibang nagawa kundi ang pumayag sa gusto nila. Matapos ang dalawang araw ay nakipagkita ako sa kanila. Natatakot ako sa maaaring mangyari sa akin pero mas natatakot ako sa kay nilang gawin kay Lyrica.

Return of the Heiress (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon