Chapter 54

9.4K 209 2
                                    

Sorry kung sabaw tong chapter na to hahaha.. ieedit ko pa naman to :) kaso baka kapag natapos ko na hanggang epilogue.. may iilang idea na kasi ako at baka makalimutan ko kasi kapag hindi ko nilagay dito.. kaya ayan pinost ko muna hehe :) 2 more chapters to go!

Gray’s POV

“Ok ka lang ba?” hindi ko alam kung pang ilang beses ko ng tinatanong yan kay Lyrica. Tumango lang siya. Dinaplisan siya ng bala sa braso pero namumutla na agad siya sa sakit. I can’t do anything about it, lalo na mamaya dahil hindi lang yan ang pwede niyang makuha.

Kung pwede nga lang ay sa bahay na lang siya dahil sa totoo lang ayokong nakikita siyang nasasaktan. Bilang lalaki at boyfriend niya, mas gusto ko na ako ang gagawa nito para sa kanya, pero alam kong labas ang relasyon namin pag dating dito. Tulad na lang ng mga magulang namin. Alam nilang nasa panganib ang bawat isa pero wala naman silang magagawa dahil parte sila ng clan.

“Papa bilisan niyo po.” Pakiusap niya kay Tito Seth.

Hindi rin naman namin aakalain na susugurin nila yung hideout gaya ng pagsugod namin sa kanila. Nag aalala din ako kila Cliff at Angel pati sa mga tauhan namin pero alam kong mas nag aalala si Lyrica. Hangga’t maaari nga ay ayaw niyang may masaktan sa mga tauhan niya kaya kakaunti lang ang pinasama niya sa amin.

Nung napansin ko na malapit na kami sa hideout ay inayos ko na yung mga baril ko. Pag baba namin sa sasakyan ay tumambad samin yung main door na wasak.

“Sa tingin niyo ayos lang sila sa baba?” tanong ni Lyndon.

“Sila Angel at Cliff? Nasan sila?” tanong naman ni Lance.

“Hindi ko alam, pero sana maayos lang sila.” Pagkasabi nun ni Lyrica ay sumakay na kami sa elevator pababa. Alam kong galit na galit na siya ngayon dahil nanlilisik ang mga mata niya.

Hinawakan ko ng mahigpit ang mga baril ko. Sa oras na magbukas itong elevator, alam kong may mga nakaabang na agad samin na panganib.

Nang bumukas ito ay ganun na lang ang pagkabigla namin dahil ang daming patay na nakahandusay sa sahig, pero hindi sila ang mga tauhan ni Lyrica. Lumabas kami at unang hinanap sila Angel at Cliff.

“Nasaan na sila?” tanong agad ni Lyrica kay Charlie. Isa din siyang Caporegime tulad ko.

“N-nasa pinakataas po nitong hideout. D-dinala sila ng mga kalaban doon.” Bigla na lang siyang natumba.

“Charlie! Ayos ka lang?” may tama siya sa bewang. Dinala namin siya sa laboratory. Doon ay natagpuan namin ang iba pa na sugatan din.

Return of the Heiress (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon