Special Chapter

10.7K 187 20
                                    

Hi! :) tinatadtad ako ng msg sa inbox ko na special chapter eh kaya gagawa ako. hahaha isa lang ah! pasensya na kung may typos naka mobile lang po ako..




Miyu's POV



"Dahan dahan lang Miyu. Ayan.." inaalalayan ako ni Verdandi maupo. Galing kami sa garden para magpahangin dahil ang init init dito sa loob ng bahay umiinit din ulo ko kay Lyndon.



"Gusto mo ba ng water? Or kahit ano na gusto ni baby?" tanong ni Verdandi.



"No. I'm fine na. Thank you." nginitian ko siya at hinimas ang tiyan kong malaki. Sumimple ako ng tingin sa kanya at napansin kong nakatulala na naman siya "Something wrong?" tanong ko.



Siya naman ang umiling iling. "Wala naman. Naiinggit lang ako sayo." kinuha ko ang kamay niya at ipinatong sa tiyan ko. Nakangiti naman siya habang hinahawakan ito.



Lumalala na ang sakit ni Verdandi but then, ayaw niya mag paconfine sa ospital. Same reason kung bakit hindi sila pwede magkaroon ng anak.



"Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip."



"Edi wag ka mag isip."



"Sira ulo ka Lance."



Pumasok na yung asawa kong kinabubwisitan ko. Kung dati si Lance ngayon si Lyndon naman.



"Hi pumpkin." humalik si Lance kay Verdandi at yumakap dito.



"Hello sa asawa kong magan—-"



"Tigil tigilan mo ko Lyndon! Baka di kita matancha!" asik ko sa kanya. Napasimangot naman siya at umupo na lang sa couch.



"Anong pinag uusapan niyo ni Lyndon?"



"Wala naman. Tungkol kay Lyrica lang at Gray." sagot ni Lance sa asawa.



"Bakit? May problema ba sila?" tanong ko.



"Wala naman. Pero kasi..." di na naituloy ni Lance ang sasabihin nya dahil sumingit si Lyndon.




"Sabi ni Gray wala naman daw nangyari sa honeymoon nila ni Lyrica. Ewan ko ba sa dalawang yun. Nag pingpong lang ata."

Return of the Heiress (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon