Chapter 36

8.9K 191 9
                                    

Lyrica’s POV

Wala akong magawa nung umagang yun dahil lahat ng tao sa bahay puro busy. Naisipan ko munang dumaan sa restaurant nila Cliff para makamusta siya.

Pagpasok ko pa lang ay masamang hangin na agad ang bumungad sa akin.

“Anong ginagawa ng isang leech na kagaya mo dito?” bungad sa akin ni Veronica.

“At sinong may sabi sa inyo na pwede kayong umasal ng ganyan sa isang bisita?” sagot ko sa kanya.

“Ang kapal din ng mukha mo noh? Bigla ka na lang aalis ng wala kang paalam kay Sir Cliff tapos babalik ka dito na parang akala mo kung sino ka?” Sara hissed.

“Ano bang problema niyo ha?” inis na tanong ko sa kanila.

“Ikaw ang problema namin b*tch! Napaka landi mo! Kung hindi si Sir Lance ang lalandiin mo si Sir Cliff at Sir Matt naman!” sigaw sa akin ni Rita at hinila ang buhok. I told you already right? Only my mom touches my hair.

Marahas kong tinanggal ang kamay niya at tinulak siya. Marami ng nakatingin sa amin pero wala akong pakielam. Mabait ako pero wag na wag nilang uubusin ang pasensya ko.

Mula sa likod nila ay nakita ko si Cliff na kalalabas lang ng office at nakakunot ang noo. Nung malaman niya ang nangyari ay sumandal lang siya sa pader at nag cross arms.

“Ang sama mo!” akmang sasampalin ako ni Sara pero hinawakan ko ang kamay niya at sinampal ng malakas. Nakita ko naman na nagdugo yung labi niya.

Isang sampal din ang dumapo sa pisngi ko. Lumingon ako at nakita ko si Veronica na masama ang tingin sa akin. “Malandi ka na nga masama pa ang ugali mo!”

“Seriously? Sampal ba yun?” sarcastic na tanong ko. Suntok ang palagi kong nararanasan kaya hindi ako masyadong nasaktan sa sampal niya. Sasampalin niya sana ulit ako pero naunahan ko siya. Sinabi ko dati na makakaganti din ako sa kanila at ito na nga yun. Hindi ako makakapayag na tapak tapakan na lang ng kung sino lalo na ng mga walang kwentang babae na saksakan ng kainggitan sa katawan ang tatapak sa akin.

Mula sa peripheral vision ko ay may nakita akong limang kotse na pumarada sa gilid. Salamin kasi yung dinding ng resto kaya makikita mo yung nasa labas.

“Kikilalanin niyo kung sino ang kinakalaban ninyo bago kayo magbuhat ng kamay. At kung sa tingin ninyo ay hindi niyo naman kaya ang taong yun, ay itikom niyo yang mga bibig ninyo.” Gigil na gigil ako sa kanila.

Return of the Heiress (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon