Chapter 40: Hidden Love

7 4 0
                                    

Nathan's Point of View

Kinabukasan......

Nandito lang ako ngayon sa bahay, mabuti narin siguro na umalis na ako sa Empire dahil parati ko lang nakikita si Bryan dun at mas lalo ko lamang siyang minamahal.

"Mabuti narin na nandito ka anak para naman makapag-pahinga ka!."

"I'm sorry pa umalis na ako sa trabaho, pero may ipon naman ako sa bank accounts ko noong nagtatrabaho ako kay Ate Athena, siguro sa susunod na araw nalang ako maghahanap ng panibago!."

"Wag mo ng alalahanin yun anak, may trabaho din naman ako sa carwash kaya medyo kasya naman sa atin ang kinikita ko!."

"Next week pala Papa, Tita, Ian. Pupunta ulit kaming Laguna ni Drei baka gusto mo muna sumama sa amin lan para makapag-bakasyon ka?."-Ate Reign

"Hindi na muna siguro ate, dito nalang muna ako, pupunta pala ko sa restobar mamaya baka madatnan ko si Kiel!."

"Oo nga pala! Kahapon pang hindi nagpapakita dito yun." -Tita Minerva

"Nasigawan ko siya kahapon, kaya siya umalis sa hospital ng maaga para sugurin si Bryan sa company nila, nadatnan kong may dugo sa labi si Bry that's why I assume na sinuntok ni Kiel si Bry kaya nagalit ako sa kanya!."

"Tss. Mas kinampihan mo pa yung ex mong bangag kesa sa kaibigan mo!." -Drei

"Nye!!!." sambit ko sa kanya

"Alam mo mahal ka nung kaibigan mong yun! Nanligaw sayo dati yun diba? Hindi mo ba talaga siya minahal?." -Ate Reign

"Hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya!! Baby Joshua come here!!." tawag ko kay Joshua na nakaupo sa mga binti ni Drei at pumunta naman siya sa akin at umupo sa sala katabi ko.

"Are you okay tito?." tanong niya sa akin at ginulo ko naman ang kanyang buhok, ang cute niya talaga!!

"Hahaha Oo naman!."

"Bakit ka po pinapagalitan nila Mommy at Daddy?."

"Matigas ang ulo kasi niyang tito mo tss..!"-Drei

"Hindi baby! Wag ka maniwala sa Daddy mo! Aalis ka ulit next week, masaya ba sa Laguna?."

"Opo Tito Ian lalo na kapag kasama ka!."

"Next time baka pumunta ko dun, para dalawin ang cute kong pamangkin!." at hinalikan ko siya sa noo

"Oh sige mauuna na ako sa inyo!." sambit ni Papa

"Ingat Pa'."-Reign

"Nathan? Kumalma ka diyan! Bantayan niyo yan baka mawalan na naman ng malay!." sambit ni Papa bago umalis

"Opo hahaha hindi na po ako iiyak!."

"Tss. Puro sabi di naman kayang gawin!."-Drei

"Ang sungit mo Dreilan!! Hahaha!."

Matapos ang aming pag-uusap, nagtungo na ako sa kwarto upang kumuha ng tuwalya at magtungo sa c.r para maligo. Pupuntahan ko si Kiel, kailangan kong humingi ng apology sa naggawa ko alam kong mali, alam kong gusto niya akong protektahan.

Love, The Way You Are: A Rainbow's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon