Chapter 7: Gift

8 3 0
                                    

Bryan's Point of View

Bigla akong napabangon sa aking kinahihigaan nang biglang magring ang aking cellphone, kaya naman kinusot-kusot ko ang aking mata bago ko kinuha ang aking cellphone para sagutin ang tawag.

[Hello?]

[Hi kuya I miss you!!]

[Oh Stacey! Kamusta? namiss kita ahh bunso! Kamusta kayo diyan?]

[Okay naman kami kuya, si Mommy kahit papaano ay nakakamove on na sa nangyari kay Kuya Ryan!]

[Mabuti naman kung ganun! Wala rin naman maggagawa si Mommy kung parati siyang magmumuk-mok sa kwarto, ikaw ba Stacey musta kayo diyan? Basta mag-aral ka ng mabuti diyan sa New York ah!]

[Oo naman kuya!! Huhuhu I miss you kuya, I hope we can visit there in the Philippines, I want to hug you brother, dapat kasi sumama ka nalang dito o kaya naman sa bahay ka nalang natin nagstay para di ka na nagdorm pa]

[Alam mo naman bunso! Gusto ko maging independent, at ikamusta mo nalang din ako kela Mom and Dad ahh!]

[Ohh sige na kuya bye bye!! Magpeprepared pa ako para sa school, it's saturday kaya may pasok pa kami, I love you kuya ingat ka parati diyan]

[Sige na bunso! I love you too ingat ka palagi diyan, kayo nila mom and dad, I hope to see you soon bye!]

Endcall

"Ahmm! Sino kausap mo Bry?." sambit ni Ian nang matapos kong kausapin ang kapatid ko kaya naman tumingin naman ako sa kanya at ngumiti

"Ahh si Stacey kapatid ko! Mahal na mahal ko yun! At ayoko mawala siya, siguro tama na yung nangyari kay Kuya noon masyado akong nasaktan sa pagkawala niya!." sambit ko at di ko din naman naiwasang malungkot ng maalala ko ang nangyari sa kanya

"Oo nga pala ano ba yung buong nangyari sa kuya mo? Nakwento mo sakin noon, nararamdaman mo ang pamilya ng taong nagcommit ng suicide? So nagpakamatay ba yung kuya mo?." -Ian

"Unfortunately? Yes! Dahil sa walang kwentang babae na sinaktan lang siya, kaya ganun nalang ang takot ko noong nakita kitang tatalon sa rooftop, naalala ko yung nangyari kay Kuya noon, nasaksihan ko din yun sapagkat nandoon ako nung tumalon siya pero wala manlang akong naggawa, kaya ganun nalang din ang papursige kong iligtas ka sa kamatayan, baka sakaling maggawa ko yung hindi ko naggawa kay kuya noon." hindi ko na napigilan pang maluha habang nagkukuwento ako. Nakita ko naman ang lungkot sa mga mata ni Ian kaya nilapitan niya ako at niyakap

"Again, I apologize to you then, when I tried to commit suicide, I didn't know that you had a painful past, I'm sorry if I was still upset and because of that you remember what happened to your brother again." sambit ni Ian, kaya naman hinawakan ko ang dalawang pisnge niya at iniharap ko sa akin

"You don't have to apologize Ian, parati ko naman naaalala yun, close na close ko kasi si Kuya, at mahal na mahal ko siya kahit na 3years ago na ang nakakalipas!."

"Alam mo naiinggit ako sayo Bry!." -Ian

"Bakit naman?."

"Answerte mo na may kuya kang nagmahal sayo at maswerte ang kuya mo na may kapatid siya na tulad mo, mas lalong maswerte si Stacey dahil mahal na mahal mo siya, ansaya siguro maging parte ng pamilya mo! Sana lahat ng pamilya masaya at totoong nagmamahalan!" -Ian

Love, The Way You Are: A Rainbow's Love StoryWhere stories live. Discover now