Chapter 37: Moving On

6 4 0
                                    

Bryan's Point of View


Kinabukasan.....

"Salamat sa paghatid Bryan, sana kahit konti may naalala ka na at kung wala man, handa akong maghintay kahit gaano katagal!." ani Nathan nang maka-uwi na kami ng Manila at nandito kami ngayon sa labas ng bahay nila


"I'm engage Nathan!! Sa tingin ko naman alam mo na yun, I'm sorry! Sabihin na natin na mahal kita, minahal kita noon pero paano kita muling mamahalin kung wala akong natatandaang minahal kita? Ang tanging naaalala ko lang si Sigrid ang mahal ko!." nakita ko namang may luha na sa kanyang mata


"Bakit mo ako hinalikan kagabi? Alam kong mahal mo ako Bryan hindi mo lang ako maalala, please! Ako nalang ulit!."


"Nadala lang ako kaya ko naggawang halikan ka, walang ibig sabihin ang mga bagay na yun kaya wag kang marupok!." sambit ko at bigla naman niya akong nasampal sa pisnge habang iiling-iling siyang nakatingin sa akin


"I'm sorry pero sana maintindihan mo ako! Si Sigrid lang ang naaalala ko hindi ikaw, si Sigrid lang ang naaalala kong minahal ko, kung meron man akong nararamdaman sayo siguro awa nalang Nathan!."


"Umalis kana Bryan!." sambit niya at tumalikod naman siya sa akin at pinunasan ang kanyang mga luha


"I'm sorry!."


"Please Bryan! Leave!." sambit niya bago siya pumasok sa bahay nila


"I'm sorry Nathan! Ginawa ko ang lahat para maalala ka pero hindi talaga, I'm sorry!." sambit ko sa aking isip bago tuluyang sumakay ng kotse at umalis.

Nang makarating ako sa mansion at nakapasok, ang masamang tingin ni mommy, daddy at Sigrid ang bumungad sa akin, dali-daling lumapit sa akin sa Sigrid at sinampal ako


"How dare you!! Kasama mo for the whole day si Nathan, kahapon? Tapos ngayon ka lang umuwi at huwag mong itatanggi yan dahil sinabi sa akin ni Evelyn na inexcuse mo siya sa trabaho at saan kayo galing huh!!?." pasinghal niyang sabi

"Bakit hindi mo sinabi sa amin na nagtatrabaho pala ang lalaking yun sa Empire!!." -Daddy

"For God sake!! Alisin mo siya sa trabaho!."

"Wait? Bakit parang galit na galit kayo kay Nathan? Dahil ba naging boyfriend ko siya noon! At Oo magkasama kami kahapon dahil gusto ko maungkat ang nakaraan ko na mukhang alam niyo pero hindi niyo sinabi sa akin!."

"Dahil kahit sabihin namin hindi mo rin malalaman dahil wala ka ngang matandaan! Tandaan mo Bryan engage ka kay Sigrid ng 4 years! At next month na ang kasal niyo!." -Daddy

"Wala naman magbabago daddy, I made a promise at tutuparin ko yun, and besides hindi ko maalala ang nakaraan namin ni Nathan kaya paano ko siya babalikan kung si Sigrid ang na-iisip at mahal ko?."

Love, The Way You Are: A Rainbow's Love StoryWhere stories live. Discover now