Chapter 44: Finding You

6 4 0
                                    

[Seeing you is the most precious thing that happened in my life, without you? I never thought that the earth was beautiful cause you are my world.]

~Love, The Way You Are~

Bryan's Point of View

"I remember anything about myself, my relationship to Ian!." tugon ko kay Mom and Dad na naka-upo sa sala, at napatayo naman sila sa aking isinambit at ipinakita ko sa kanila ang kwintas.

"Right mom? Hindi sana ako iiwan ni Ian kung hindi mo siya kina-usap?." at natahimik naman si mommy

"I'm sorry son!."-Mommy

"Alam namin na sobra na ang ginawa namin sayo, sa inyo ni Nathan!." -Daddy

"Anak? I'm sorry and I promised na hahayaan na namin kayo!" -Mommy

"Kung hindi ba namatay si Sigrid? Tatanggapin niyo kami? Pero sana nga mom and dad, mahal na mahal ko si Nathan sana naman hayaan niyo na akong maging masaya kasama siya nakikiusap ako hayaan niyo na kami!." hindi ko na mapigilang maluha, nilapitan naman ako ni mommy at hinawakan ang aking kamay.

"Patawarin mo kami ng daddy mo anak, sana mapatawad din kami ni Nathan sa lahat ng ginawa namin sa kanya, hahayaan na namin kayo maging maligaya anak! Hahayaan na namin kayong magmahalan ni Nathan!." sambit ni mommy at niyakap niya ako na tinugunan ko naman.

"Pupuntahan ko siya sa kanila!." sambit ko nang kumawala ako sa pagkakayakap niya sakin.

"Sige anak! Balikan mo na siya! Balikan mo na ang taong labis mong minamahal! Hindi ka na namin pipigilan!." -Daddy

"Thank You Dad! I have to go!." sambit ko at tumakbo na ako palabas ng bahay, mabuti at nasa labas pa ang kotse ko kaya pinaandar ko na ito para puntahan si Nathan "Wait for me hubby? Sana hindi pa huli ang lahat para sa atin, I'll be there!."

"Nathan?? Hubby??." sigaw ko nang makarating ako sa kanilang apartment, pero mukhang walang tao dahil naka-lock ang gate ng bahay.

"Ahhh! Excuse me? Kilala niyo po ba ang nakatira dito?." tanong ko sa isang babae na dumaan sa tapat ng bahay.

"Ahh sina Aling Minerva! Kaya lang umalis na sila diyan noong isang linggo pa!."

"Po? Saan na po sila ngayon nakatira?."

"Ang pagkakaalam ko nasa probinsya na sila, sa Laguna ata yun!."

"Alam niyo po ba kung saan sa Laguna?."

"Naku! Hindi ehh pasensya na!."

"Ahh ganun po ba! Sige po salamat!." sambit ko bago umalis yung babae.

"What should I do now? Ang laki ng Laguna saan ko hahanapin si Ian?." sambit ko sa aking sarili, hindi ko naman siya matawagan dahil nakita ko noon na tinapon niya ang kanyang sim nang tumawag ako sa kanya. Agad ko namang nakuha ang kwintas sa aking bulsa. "Noong bata si Kuya Ryan, nakuha niya ang kwintas na ito sa Laguna, which means, yung rest house namin sa Laguna ay may possibility na malapit si Ian sa lugar na iyon?." agad ko namang tinawagan si mommy para alamin kung saan sa Laguna

[Hello? Mom?]

[Kamusta anak? Nahanap mo na ba si Ian?]

Love, The Way You Are: A Rainbow's Love StoryOù les histoires vivent. Découvrez maintenant