Chapter 36: Time With You(Part 2)

4 4 0
                                    

Bryan's Point of View


Pagkatapos ng aming tanghalian, nagtungo kami ni Nathan dito sa Manila bay park, pero maganda at sariwa ang hangin dito kaya nagustuhan ko din.


"Dito tayo pumupunta kapag sinusundo mo ako sa trabaho ko sa restobar noon, tapos kumakain tayo sa night market ng isaw hahaha I remember, diring-diri ka noon at ayaw mo kumain nun pero napilit kita haha!."


"Talaga? May ganung pangyayari sa atin?."


"Oo kaya, mga masasayang ala-ala na hinding-hindi ko makakalimutan!." sambit niya habang nakatingin sa malayo


"Its ready 1pm, baka gusto mo na pumunta sa Empire!."


"Ahh Nathan? Can you please! Do me a favor, last thing?."


"Hmmm? Ano yun?."


"Pwede mo ba akong dalhin sa sinasabi mong lugar kung saan ako naaksidente?."


"Huh? Sigurado ka? Sa batangas pa yun, kaya baka gabihin tayo sa pag-uwi!."


"May dala naman akong kotse ehh! Please! Gusto ko makita yun!."


"Pero malayo yun baka hanapin ka ng mga magulang mo pati narin si Sigrid!." Oo nga pala hindi ko sila matawagan or what dahil naiwan ko ang cellphone ko sa office pero alam ko na pipigilan ako ng mga yun kaya hindi nalang din ako magpapaalam


"Please!! I want to know all about my past, to us!! Kaya sana pagbigyan mo ako!." huminga muna siya ng malalim bago nagsalita


"Okay fine tatawagan ko lang sina papa para magpaalam!." sambit niya at kinuha na niya ang cellphone at tumalikod pa sa akin kaya ako pinagmasdan ko muna ang malawak na bay na may mga yacht sa paligid. "Bry? Halika na pinayagan na ako, pero saglit lang tayo baka gabihin tayo masyado pauwi!."


"Okay!." sambit ko at nauna ng maglakad si Nathan at sumunod naman ako sa kanya.


"Hindi ka ba magpapaalam sa mga magulang mo?" ani Nathan na nasa kalagitnaan na kami ng byahe


"I forgot my phone!."


"Pwede ka naman humiram sakin?."


"No need! Baka sumunod pa sila sa batangas!."


"Okay!." at hindi na siya nagtanong pa, makalipas ang ilang minuto nakita kong tulog na siya, hindi ko naman siya matingnan ng ayos dahil nagmamaneho ako ng sasakyan

Love, The Way You Are: A Rainbow's Love StoryKde žijí příběhy. Začni objevovat