Chapter 18: Revelation

4 3 0
                                    

Nathan's Point of View

{Flashback}

"Good evening hubby!."

"Pasensya kana at di ako masyadong nakakadalaw sayo this past few weeks ah! Masyado kasing naging busy sa school pati sa concert, hubby? bukas na ang concert natin, gising kana hubby! Miss na miss ko na ang mapungay mong mata, ang matatamis mong ngiti, miss ko na ang lahat sayo hubby! 2 weeks ka ng nadito habang 2 weeks nadin akong nag-aabang at nagdarasal na sana gumising kana!."

"Sabi nila balang-araw darating ang iyong tanging hinihiling, At noong dumating ang aking panalangin ,Ay hindi na maikubli."

"hubby? Alam kong naririnig mo ako! Diba ramdam mo na hindi ako okay hubby? At ikaw lang ang magpapabalik ng dating ako hubby kaya gising kana!"

" Ang pag-asang nahanap ko sa 'yong mga mata, At ang takot kong sakali mang ika'y mawawala. At ngayon, nandiyan ka na, Di mapaliwanag ang nadarama. Handa ako sa walang hanggan, Di paaasahin, 'di ka sasaktan. Mula noon hanggang ngayon

Ikaw at ako."

"Halika muna kain muna tayo!." -Tita Minerva

"Sige po tita, busog pa po ako! Una na po pati ako, gawa ng concert bukas!."

"Naku! Oo nga pala! Pasensya kana baka hindi kami makarating!." -Tita Minerva

"Okay lang po tita, I understand. Sige po kayo na po muna ang bahala kay Nathan!."

"Sige iho magingat ka sa pag-uwi ahh! At goodluck sa concert!."

"Salamat po tita sige po!."

Lahat ng iyan naririnig kong sinabi ni Bryan nang kausapin niya ako at nang makaalis siya agad kong naigalaw ang aking mga daliri at unti-unti kong binuksan ang aking mga mata

"Nathan? Jusko anak gising kana!! Nurse!! Nursee!." ani Tita Minerva at lumabas siya ng kwarto para tumawag ng nurse, bigla namang naggising si Papa at lumapit siya sa akin

"P-Pa?." mahina kong sabi

"Anak! Salamat sa Diyos! Patawarin mo ako sa mga kasalanan ko sayo!." ani Papa at kita kong umiiyak siya, dahan-dahan ko namang hinawakan ang pisnge niya, hindi ako makapaniwala na tinawag akong anak ni papa after 19 years

"I love you Pa!." mahina kong sambit sa kanya at pagkatapos ay dumating na ang mga nurse para icheck ako

After a minutes...

"Okay na ang vitals niya at nakita na namin ang CT scan niya wala naman kaming nakitang fractures sa kanyang utak!." ani ng doctor

"Salamat naman doc! Kung ganun okay na ang anak ko?." -Rodolfo

"Oo pero kailangan niya ng pahinga, at pwede niyo nadin siya pakainin. Sige mauuna na ho ako!." sambitng doctor at lumabas na siya ng kwarto

"Anak mabuti gising kana! Nagugutom ka ba alika umupo ka dahan-dahan lang ah!." ani Papa at inalalayan niya ako maka-upo sa aking higaan

Love, The Way You Are: A Rainbow's Love StoryWhere stories live. Discover now