Chapter 21: Ryan's Past

4 3 0
                                    

Bryan's Point of View

Kinabukasan...

Nauna akong gumising kay Nathan, kaya agad kong kinuha and cellphone ko para kausapin si Froilan. Ayoko sabihin kay Ian na hindi na maganda ang lagay ko sa pamilya ko, ayoko maglihim sa kanya pero ayoko mag-alala pa siya sa akin kaya mas pinili ko nalang na ilihim ito.

Agad akong nagtungo sa labas para hindi marinig ni Ian ang pag-uusap namin ni Froilan

[Hello? Froilan]

[Dude? Musta? Napatawag ka? Grabe di kana mareach pare may concert kana hahaha! Sayang at di ako nakapunta dun pero congrats dude!]

[Salamat dude! Gusto ko sana humingi ng favor sayo!]

[No problem dude! Ano yun?]

[Dude! Baka naman mabigyan mo ako ng work sa kahit anong business mo anything gagawin ko kailangan ko lang talaga ngayon]

[Bakit? Dude, don't tell me?]

[Oo dude! Tinakwil nako ni Daddy at wala ng laman yung bank accounts ko dahil kinuha niya na! Para yun sa taong mahal ko kaya hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko!]

[Sabi ko naman kasi sayo dude! Alam mo naman noon pa na ikakasal ka kay Sigrid bakit di mo nalang sundin ang tradisyon natin? Pumayag kana sa sinasabi ni tito!]

[No!! Aanuhin ko marangyang buhay kung mawawala sa akin si Ian? Sige salamat nalang kung ayaw mo akong tulungan pero hindi mo ako mapipilit sa bagay na ayokong gawin]

[Hindi naman sa ganun dude! Ang sakin lang para hindi mo na kailangan pa magtrabaho diba? Paano ka makakapag-aral niyan panigurado hindi ka na din libre sa St. Benedict?]

[Kaya nga kailangan ko ng trabaho dude! Matutulungan mo ba ako? Please! Wala na akong pera kaya kailangan ko ito!]

[Kaya naman kita tulungan dude pero sa hotel may vacant job dun pero house cleaner or janitor ang available hindi kita maipasok sa department dahil masyado ng maraming employee!]

[Okay na sa akin ang house cleaner dude! Please magsusubmit ako ng resume after class ko mamaya, kapag umalis nadin si Ian papuntang work pupunta ko diyan sa hotel!]

[Sure dude! Pero sigurado ka na ba? Ang pamilya mo nag-iintay padin sa desisyon mo!]

[Enough Froilan! Wag mo na ako pilitin please! Pero salamat dude sige see yoy later nalang bye!]

End call...

"Akala ko ba ok kayo ng family mo?." agad akong nagulat nang magsalita si Ian sa likuran ko

"Hubby?."

"Ano? Sabihin mo sa akin ang totoo Bryan? Bakit ka naghahanap ng trabaho?."

"Dahil tinakwil ako ng magulang ko dahil pinaglaban kita Ian!."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin to? Akala ko ba no secrets?."

Love, The Way You Are: A Rainbow's Love StoryWhere stories live. Discover now