Chapter 28: Encumbrance

5 4 0
                                    

Nathan's Point of View

Dalawang araw na ang nakakalipas, hindi ko alam kung tutupad pa ba sa usapan si Sigrid, halos pinuntahan ko na ang lahat ng hospital sa Manila, hindi ko padin mahanap si Bryan.

"Baka naman inaasikaso pa nila ang mga document anak! Huminahon ka nga!." -Tita Minerva

"Dalawang araw ko ng hindi nakikita si Bryan at kailangan niya ako tita, bakit ba kasi hanggang ngayon hindi parin tumatawag si Sigrid baka kung ano na nangyari kay Bryan!."

"Tawagan mo lang siya ng tawagan anak!" sa muling pagkakataon ay tinawagan ko ang number ni Sigrid, and finally sinagot na niya

[Akala ko naman hindi mo na sasagutin ang tawag ko, dalawang araw na ako naghihintay kung nandito nadin ba sa Manila si Bryan!]

[Relax okay? Nandito na siya! Actually kararating lang namin, gagawa ako ng paraan para mabisita mo siya]

[Kung ganun saang hospital?]

[Nandito kami ngayon sa fairview, Sa Villena Hospital]

[Okay pupunta na ako diyan!]

[Wait? Tawagan mo ko pag nasa labas kana ng hospital nandito si tito at tita kaya mahirapan ka makapasok and besides may dalawang guard na nagbabantay dito!]

[Okay sige!]

End call....

"Nakakainis! Bakit ba hindi nila ko hayaang dalawin si Bryan, bakit kailangan ko pang gumawa ng paraan para lang makita ang boyfriend ko!."

"Akala ko ba hiniwalayan mo na siya?" -Papa

"Oo papa pero nangako ako na babalikan ko siya sa oras na maggising na siya at wala na akong pakealam kung magalit sa akin ang magulang niya as long as mahal ko siya at mahal niya ako! Sige po Pa' aalis na muna ako!."

"Gusto mo ba samahan kita Ian?." -Dreilan

"No need Drei, salamat!." sambit ko at agad na akong lumabas ng apartment

Pagkalabas ko naman, agad akong naghanap ng taxi at mabuti nalang ay may dumadaan.

After 30 minutes nandito na ako sa labas ng hospital kung saan nandito si Bryan, kaya naman tinawagan ko na si Sigrid

[Hello Sigrid? Nandito na ako sa labas?]

[Okay dumiretso ka na sa chapel, wag ka ng pumunta ng lobby para magtanong, basta nasa 3rd Floor, Room 034 si Bryan! Basta sa chapel nalang tayo magkita nasa 2nd floor yun!]

[Sige papunta na ako salamat Sigrid!]

End call....

Pagkapasok ko ng hospital agad akong sumakay ng elevator papunta ng 2nd floor, tulad ng sabi ni Sigrid ay sa chapel daw kami magkita. Nang makarating ako sa chapel, pinagdasal ko muli si Bryan.

"Panginoon? Muli ay nakaluhod ako ngayon sa inyong harapan para ipanalangin ang kaligtasan ng boyfriend ko, Panginoon sana po maging maayos na ang lahat, wag na wag niyo pong pababayaan si Bryan, alam ko pong hindi pa niya oras kaya kayo lang po ang tanging magliligtas sa kanya at maraming salamat po! Amen." umupo naman ako saglit at makalipas ang ilang oras ay dumating nadin si Sigrid

Love, The Way You Are: A Rainbow's Love StoryNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ