Chapter 30: New Beginning

8 4 0
                                    

Nathan's Point of View

Ambilis ng panahon, mamaya ay bagong taon na at panibagong buhay ang nag-iintay sa akin, kung nandito lang sana si Bryan kasama ko sana siya ngayon na titingin ng magagandang fireworks  mamaya, kamusta kana kaya hubby? I miss you so much! Sana gising kana ngayon kung hindi man sooner or later makakauwi kana dito at makakasama kita muli.

"Handa na ba kayo mamaya? Hahaha madami tayong paputok dito hahah!." -Dreilan

"Kaabang-abang naman Dreilan wiihh!! Oh nangiti si Baby Joshua hahahah!"

"Ohh ang baby ko!! Excited nadin sa pafireworks ng daddy!!." ani Dreilan at nilalaro-laro niya pa si Baby Joshua

12:00am.....

Nagsimula na ang malakas na hiyawan, ingay ng mga paputok at torotot sa kalsada, ang saya naman na maskait sa tenga hahhaha! Tinitignan ko naman ang mga makukulay na fireworks sa itaas, kay gaganda nilang pagmasdan. Tinignan ko naman si Baby Joshua na tila naiingayan nadin kaya naman kinuha ko na muna siya kay tita.

"Tita? Ipapasok ko po muna si Joshua!! Naiingayan eh!."

"Sige Ian! Ikaw na muna bahala kay baby!! Kay Tito Ian ka muna daw." ani Tita at nang makuha ko si Joshua ay nagtungo na muna kami sa kwarto ko at inihiga ko naman dun si Baby Joshua, kumuha ako ng dede dahil baka nagugutom na siya at tinanggap naman niya hahaha, ang cute niya, ang pula ng pisnge at labi niya, if only I given a chance na magkaanak pero parang impossible. Muli ko na namang naalala ang sinabi sa akin ni Bryan noon na pwedeng kaming mag-ampon or kumuha ng surrogate mother para magka-anak which is possible!

"Baby Joshua! Look oh! Ito yung singsing na binigay sa akin ni Tito Bryan mo! Maganda ba baby? Sayang noh! Umalis na si tito, hindi tayo nakapag bonding together, yung tayong tatlo lang, pero don't worry baby pag-uwi ni tito ipapasyal ka namin!." sambit ko habang hinahaplos ng dahan-dahan ang ulo ni Baby Joshua "Sobrang dami nangyari sa amin Baby, alam mo ba na pinaglaban pa ako ni Tito Bryan mo sa mga magulang niya dahil mahal niya ako, sana nga yun din ginawa ko eh edi sama nandito pa si tito mo! Kaya ikaw Baby Joshua, pag-laki mo at dumating ka na sa tamang edad ipaglaban mo yung taong mamahalin mo kung sino man siya! Hhaha alam kong hindi mo pa ako naiintindihan pero kapag nagka-isip kana marerealize mo ang bagay-bagay at muli kong ipapaalala sayo ang mga sinabi ko sayo! I love you Baby Joshua!!."

"Ano ba yan? Pati sa bata nagdadrama ka hahahah." ani Dreilan nang pumasok siya sa kwarto ko

"Bakit ba? Pakealam mo? Hahahah wag ka tutulad sa Daddy mo ah Joshua!! Marupok yan hahaha alam mo ba na ex ko ang daddy mo? Ay? Bwahahha ampangit pakinggan!."

"Sus!! Ako pa marupok? Ikaw nga diyan tong hindi makamove on kay Bryan!."

"Dahil babalik siya noh! Kaya hindi ako magmomove-on sa kanya hahah!."

"Bahala ka! Akin na nga si Baby Joshua! Baka di ko mamalayan sinisiraan mo na ako sa anak ko hahaha!."

"Hindi ah! Baliw ka haha." ani Dreilan at binuhat na niya si Baby Joshua at lumabas na ng kwarto ko. Humiga na ako kwarto ko, nagpahinga ng kaunti at tumingin sa mga star na nakadikit sa ceiling, pinatay ko ang ilaw para mas makita ko ang pagka-glow in the dark niya at gumanda na ang paligid ng kwarto ko na amoy strawberry nadin hahaha, gantong-ganto ang amoy ng room namin ni Bry sa dorm, favorite niya talaga ang strawberry kaya sa tuwing nakakaamoy ako ng scent nito naaalala ko siya, woaahh!! I miss a lot about him, I miss his perfect face, his 5'11 height, his perfect body, ang moreno niyang kulay, lahat-lahat. Argghhh!! Umuwi kana kasi hubby nababaliw na ako dito hahaha. Makalipas ang ilang minutong pagmumuni ko ay di ko namalayan na nakatulog na pala ako

Love, The Way You Are: A Rainbow's Love StoryWhere stories live. Discover now