Chapter 22: Forgiving

6 3 0
                                    

Bryan's Point of View

"Doc? Kamusta po si Ian?." sambit ko sa doctor matapos niya tignan si Ian na hanggang ngayon ay tulog padin

"Okay na siya, pero advice ko lang na patignan niyo siya bukas sa optical clinic dahil baka sa mata ang problema kung bakit siya nawalan ng malay!." sambit ng doctor at umalis na siya, saktong paglabas ng doctor ay dumating nadin ang mga magulang ni Ian

"Kamusta si Ian?" ani Tito Rodolfo

"Ano ba naman kasing ginawa niyo jusko po! Anong sabi ng doctor?" -Tita Minerva

"I'm sorry po tito at tita? Pero okay na naman po si Ian, pero patignan daw po siya sa optical dahil baka sa mata ang problema niya!."

"Sinasabi ko na nga ba eh!"

"Bakit po tita?."

"Sensitive ang mga mata ni Nathan, kaya siya nakasalamin, delikado magabukan o madumihan ang loob ng mata niya!."-Tito Rodolfo

"Ano pong mangyayari sa mata ni Nathan kapag nangyari yun?."

"Maaari siyang mabulag Bryan! Kaya sana kapag kasama mo siya mag-ingat kayo!."

"Kaya ganun nalang ang takot ko noon nang macomatose siya akala ko mas lumala ang diperensya ng cornea niya pero salamat naman at hindi siy nawalan ng paningin paggising niya!." ani Tita Minerva, maka-ilang saglit pa ay naggising narin si Ian

"Anak ano nararamdaman mo? Kamusta ka?."-Tito Rodolfo

"Ano ba kasing pinaggagawa mo Ian!"-Tita Minerva

"I'm sorry po napagod lang po siguro ako! Pero okay na po ako Pa'? Tita? Wala na po kayong dapat alalahanin!." -Ian

"Pero bukas na bukas papatignan kita sa optical baka kung napano na ang mga mata mo nagkakaintindihan ba tayo? Dun na pati kayo sa apartment namin ikaw din Bry kung gusto mo!."-Tita Minerva

"Okay lang po tita wala pong problema!"

"Oo nga pala anak uuwi si Dreilan! Kasama ang anak nila ni Reign dito sa Manila, okay lang ba yun sayo?."-Tito Rodolfo

"Okay lang po Pa' gusto ko din po makita pamangkin ko, alam kong hindi ko kapatid si Reign pero minahal ko naman siya noon at walang kasalanan ang bata sa pag-aaway namin!."-Ian

"Sobrang bait mo anak! Mana ka sa iyong ina! " ani Tito at hinaplos ang buhok ni Ian

"Pero Tita? Papa? Bry? Umuwi na po tayo ayoko na magstay pa dito! 2 weeks na akong natulog dito noon kaya sawa nako hahaha!."

"Sabagay haha okay ka na ba?"

"Opo tita okay na po ako!."

"Sige ako na magbabayad ng bill sa baba! Kaya mag-ayos na kayo!" sambit ni Tito at umalis nadin siya sa E.R kaya naman bumangon nadin si Ian at sumunod na kami kay Tito sa baba habang inaalalayan ko siya

"I'm sorry hubby!." bulong ko sa kanya

"Wala kang kasalanan hubby, so don't say sorry!."

Love, The Way You Are: A Rainbow's Love StoryWhere stories live. Discover now