BEKS 35: New Found Friends

188 12 1
                                    

Kailee's POV

Kasalukuyan akong nasa classroom dahil may pasok kami ngayon, ganoon din si Evo. Katabi ko ngayon si Belle at Kim dahil sila pa lang naman ang close ko kaya sa kanila muna ako sasama at makikipag-usap.

"Sa tingin mo Kai may papasok na kaya na prof?" Tanong ni Belle sa akin habang kumakain.

"Di ko din sure eh, pero feel ko wala kasi kakasimula palang ng pasukan eh." Sagot ko naman dito.

"Belle san mo pala nabili iyang kinakain mo?" Tanong ni Kim.

"Sa lagoon teh, mura lang kaya bumili ka na kung nagugutom ka." Sagot naman nito.

Napagpasiyahan na naming tatlo na bumaba para nadin kumain kahit na medyo busog pa ako dahil nag-aalmusal naman talaga kami ni Evo bago pumasok ng klase.

Pagdating namin sa sinasabing lagoon ay di ko maiwasang mamangha dahil andaming nagtitinda dito at sadyang puro mumurahin lang ang pagkain nila dito kaya swak sa budget mo lalo na kung nagtitipid ka ng pera.

Habang nakapila kami sa isang stall ay kinalabit ako ni Kim at inaabot sa akin ang isang inumin kaya binigyan ko siya ng isang nagtatakang tingin.

"Kuhain mo na treat ko yan sa'yo hihi" galanteng saad niya. Hindi na din ako tumutol at kinuha ito sa kaniya, sayang naman kung tanggihan ko kasi libre na nga eh.

"Baka naman mahal to ah?" Tanong ko a kaniya.

"15php lang yan teh kaya okay lang" Nagulat din ako kasi ang mura na ng inumin na'to compare sa ibang mga inumin sa labas ng school. Mura na nga masarap pa.

Pagkatapos naming bumili ay napagpasiyahan na naming bumalik sa classroom para doon nalang kumain. Nagulat kami dahil may mga nakaupo na sa mga puwesto namin kanina.

Hindi kami agad pumasok bagkus nag-usap muna kami kung anong gagawing approach sa kanila since kaklase naman namin sila. Si Kim gusto niyang kamj nalang ang lumipat ng upuan pero itong si Belle ay gustong ipaglaban na doon kami nakaupo mula kanina pa.

Kaya napagpasiyahan naming sundin si Belle pero sabihan sila in a nice way.

"Hello classmates, kararating niyo lang ba ngayon?" Tanong ni Belle.

"Yes po, bakit po?" Sagot ng babaeng morena. Mukhang mabait naman sila puwera lang sa nakabusangot na babaeng may salamin.

"Kasi guys dito kami nakaupo dito kanina, bumili lang kami ng pagkain sa lagoon kanina." Paliwanag ni Belle.

"Ahh ganoon ba? Sige lipat nalang kami dito sa harappara magkakalapit lang din tayo. Ako pala si Brian" pakilala nito. Infairness pogi siya kahit medyo payat.

Kinakabahan talaga ako kanina kasi akala ko baka biglang magkaroon ng tensyon pero naging instant way pa iyon para lumawak ang circle of friends namin.

Si Lane yung babaeng morena, Si Jenelle yung babaeng may nunal, si Jazzmin yung kulot at si Seola naman yung may salamin. Akala ko nga mataray si Seola kasi para siyang galit sa mundo pero ganoon pala talaga siya, tas muslim din pala siya.

Nagkapalagayan kami agad ng loob kasi mababait din naman sila at malalakas din ang tama. Si Lane at Jenelle puro kalokohan yung kinukwento kaya tawang-tawa kami sa kanila.

Natapos ang buong araw ng klase ay wala man lang ni isang professor na pumasok dahil maaga pa naman ay napagpasiyahan naming gumala sa pinakamalapit na mall.

Sakto namang paglabas namin ng room ay nandoon na sa labas si Evo. Parehas kaming napangiti ng masilayan namin ang isa't isa.

"May pumasok kayo na prof?" Bungad ko sa kaniya. Agad naman itong umiling kaya natawa ako bahagya. Tinatamad pa ata mga prof pumasok.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon