BEKS 32: Beginning of an END

718 22 5
                                    

Kailee's POV:

Sa loob ng 3 buwan ng pagiging magkasintahan namin Evo ay masasabi ko na masaya ang pagsasama namin kahit may kaunting tampuhan ay agad naman namin itong nasosolusyunan at napag-uusapan.

Speaking of Evo, kararating lang niya galing sa kanilang bahay dala ang mga gamit at susuotin niya for our graduation. Yes, gagraduate na kami ngayon kaya i'm so happy for this day lalo na't kasama ko ang pinakamamahal kong boyfriend.

"Love, you look gorgeous as always kaya mahal na mahal kita" aniya sabay nakaw ng halik sa akin. Walang mintis sa pagpapakilig sa akin itong bakulaw na ito.

"Puro ka pacute diyan! Magbihis ka na baka mahuli pa tayo sa graduation rights, mahalagang araw 'to for us." Mando ko dito. Nakaupo lang ako sa kama habang pinapanood ko siyang magbihis. Napansin naman niya akong nakatitig sa kanya kaya natigilan siya sa pagbubutones.

"Baka matunaw ako niyan love?" Aniya sabay smirk. Tse! Akala mo pogi pero sobrang pogi naman talaga. Oh diba ang harot ko din.

Tinulungan ko siyang isukbit ng maayos yung neck tie niya dahil itong mokong hindi pala marunong. Alam kong titig na titig siya habang inaayusan ko siya kaya tinitigan ko din siya sabay nakaw ng halik.

"Ikaw ah, natututo ka na ding magnakaw ng halik." Panunukso niya sa akin. Unfair naman kung siya lang diba? Landi ko din eh noh.

Pagkatapos naming mag-ayos ay bumaba na kami. Sakto namang pababa nadin sila mama at papa kasama ang mga kapatid ko. Lahat daw kasi sila pupunta para panuorin itong special event na'to.

"Nasaan ang Kuya mo Evo? Hindi ba siya sasabay sa atin?" Tanong ni papa habang inaayos ang kaniyang seatbelt.

"Doon na po didiretso si kuya kaya hindi na siya kailangan intayin." Sagot nito. "Kung ganoon tara na at para mauna kayo sa pila."

As expected, andaming tao pagdating namin. 9am kasi ang call time ng event so 8:30 palang nandito na kami para di magahol.

Agad kaming pumunta kung saan naroon ang aming mga kaklase namin. Nandoon na din pala ang tropa kaya sakto lang ang dating namin.

"Naku ampopogi niyo naman, bagay na bagay talaga kayo ni Evo." Panunukso ni Michaela sa'kin. Pinandilatan ko naman ito ng mata kunwari'y naiinis ako.

Kapansin-pansin ang pagentrada ni Joana sa harap namin. Sa sobrang ganda niya ay masasabi mong head-turner talaga siya. Alam kong isa yon sa mga nagustuhan sa kaniya ni Evo kaya alam kong medyo tagilid ako dun.

'Ano ba yan self, masyado ka nanamang negative at paranoid. Kung kailan special ang event nag-iisip ng mga bagay na nagpapalungkot sa'yo'

Oh diba kinakausap ako nang sarili ko, parang tanga lang. Bumalik ako sa wisyo nang itaas ni Evo ang baba ko, nagkatinginan kami.

"Love, Mahal na mahal kita at para sa akin ikaw ang pinakamaganda ngayon dito." Aniya sabay halik sa akin. Hindi ko maiwasang mamula. Mind reader ata itong lalaki na ito at nalalaman niya yung nasa isip at nararamdaman ko.

Maya-maya ay dumating na si Kuya Yuno kasama si ate Aira pero ang ipinagtaka ko ay may kasama pa itong babae at lalaki mukhang kamag-anak din nila ito.

Tinignan ko si Evo dahil mukhang nanigas siya sa kinatatayuan niya. Nagulat nalang din ako sa sinabi niya.













"Mom, Dad anong ginagawa niyo dito?"


















Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon