BEKS 27: Lihim na Pagtingin

1K 50 7
                                    

Evo's POV

Paglabas namin school ay siya ding pagbuhos ng malakas ng ulan. Mabuti nalangat may dala akong payong. Balak kong ihatid si Kailee pauwi dahil narin pinangako ko ito sa kaniya.

Nakita ko naman si Joana na nangangamba dahil wala siyang dalang payong kaya ako na ang nagmagandang loob sa kaniya na ipahiram ang payong ko.

"Salamat Evo, nag-abala ka pang payungan ako. Huwag mo na ako ihatid sa amin nakakahiya." nasobrahan ata itong si Joana. Napailing nalang ako at sinabinh hindi sa kaniya sasabay dahil kay Kailee ako sasabay.

Paglingon ko sa kaniya ay medyo may kalayuan na si Kailee mula sa akin kaya agad ko itong hinabol. Medyo nabasa nako ng ulan pero hindi ko na yun ininda masabayan ko lang siya.

"Hoy ano b-" hindi ko na natapos ang sasabihin niya dahil nagulat siya ng ako pala ang umagaw ng payong niya.

"Oh bakit parang nakakita ka ng multo? Ambilis mo naman maglakad buti nalang nahabol pa kita." saad ko dito. Tinignan niya ang katawan ko't halatang naawa siya sa lagay ko.

"Oh edi dapat doon ka na kay Joana sumabay kasi diba siya naman pinayungan mo?" pagtataray nito ngunit napabuntong-hininga na lamang ako.

"Hindi pwede diba nangako ako na hatid-sundo kita? Kaya ako na magpapayong sa'yo at ihahatid na kita sa bahay. Masyado naman palang seloso ang baby ko." panunukso ko dito at kitang-kita ko kung paano mamula ang kaniyang mukha sa kilig.

Buong byahe namin ay tahimik kaming dalawa. Nahihiya siguro 'to sa akin. Inisip ko nalang na baka wala ito sa mood o kaya naman nagtatampo pa din.

Pagkadating sa kanila ay dali-dali itong umakyat sa kwarto niya upang kumuha ng damit ko ngunit ako'y nagpa-iwan sa baba sa kadahilanang gusto ko din makausap ang nanay niya.

"Oh Evo, basang-basa ka naman. Wala ka bang payong?" pag-aalala ng mama niya sa akin. Umiling naman ako bilang tugon.

"Meron po pero nakisabay nako kay Kailee kasi pinahiram ko sa kaklase ko yung payong ko." pagpapaliwanag ko.

"Ah ganun ba. Oh heto pinaghainan ko na kayonh dalawa ng pagkain. Kumain muna kayo." Aktong aalis na sa dining area ang mama nito ng pigilan ko ito.

"Tita! Gusto ko po sana kayo makausap" saad ko.

"Tungkol saan?" sagot nito.

"Tungkol po kay Kailee. Nasabi ko na din po ito kay Tito at gusto ko ding sabihin ito sa inyo. Noong mga nagdaang linggo at buwan ay lubos po akong naguluhan kung ano ba talaga 'tong nararamdaman ko para kay Kailee kaya nagnilay-nilay ako upang matiyak kung bakit ko siya laging gusto makita't makasama, madalas din akong magselos pag may kausap siyang ibang lalaki, gusto ko ako lang nakakapagpangiti sa kaniya. Pero po natatakot ako na baka hindi pa siya handa. Kaya ko po ito sinasabi sa inyo dahil malinis po ang intensyon ko sa anak ninyo at ipapakita ko po sa inyo kung gaano ko po siya ka mahal. Hindi sa kung ano ang kasarian niya kung hindi sa kung ano siya bilang tao." Mahabang pagpapaliwanag ko.

Ang buong akala ko'y mawiwindang o hindi kaya'y magugulat ang mama niya pero ngumiti ito sa akin at sinabing tanggap niya kung maging kami ni Kailee.

"Basta Evo, ipangako mo lang sa akin na hindi mo siya sasaktan sa kahit anong aspeto dahil ayokong nakikitang umiiyak ang anak ko. Mahirap ang pinagdadaanan niya dahil nasa third gender siya. Nandoon na yung trust issues niya dahil baka huwad lang ipinapakita ng iba sa kaniya. Pero sa tingin ko ay magaan ang loob sa iyo ni Kailee. Masungit lang talaga siya maging swert sa iyo. Ayun lang ang napansin ko. Huwag mo na akong tawaging tita, mama na rin, halos araw-araw ka ding nasa bahay eh." Naiintindihan ko naman ang sinabi ni mama dahil lahat ng ina ay ayaw na makita ang kanilang mga anak na nasasaktan.

Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon