BEKS 29: Stolen Kiss

756 35 6
                                    

Evo's POV

Medyo maaga pa nang maalimpungatan ako. Nagulat ako ng mapansin kong si Kailee pala ang niyayakap ko ngayon. Ang buong akala ko ay panaginip lang ang lahat pero totoo pala. Narinig niya kaya yung sinabi ko, sana nama'y hindi

Hindi nako nilalagnat dahil magaling ang nurse kong mag-alaga sa akin, oras na para ako naman ang bumawi sa paglalaan niya ng oras para sa akin.
Dahan-dahan akong bumangon upang hindi ko siya magising. Binabalak kong surpresahin siya ng masarap na breakfast. Marahan ko siyang hinalikan sa pisngi at napangiti nalang ako dahil sa sobrang lalim ng tulog niya ay naghihilik pa siya.

Ang cute niya tignan, naglawa pa siya sa unan ko marahil napahod siya sa pag-aalaga sa akin. Hindi ko maiwasang kiligin sa pagiging caring niya sa akin.

Nakakabakla pero oo gusto ko na siya, hindi pumasok sa isip ko na dapat babae ang mahalin ko dahil wala yun sa kasarian kung hindi kung sino siya bilang tao.

Pagkababa ko ay napansin kong luminis ang paligid, siguro ay naglinis siya dito. Minsan lang kami makapaglinis sa bahay dahil laging walang tao sa bahay pero organize naman ang mga gamit namin.

Naisipan kong gumawa ng chaofan, magprito ng dumplings at omelette. Sakto lang kasi marami namang laman ang ref namin. Ganadong-ganado akong magluto dahil sa tuwing naiisip ko ang cute na si Kailee ay napapangiti nalang ako bigla.

After 30 minutes ay natapos na din ako magluto kaya inayos ko na ang dining area. Nagtimpla nadin ako ng gatas para sa aming dalawa.

Gigisingin ko na sana si Kailee nang biglang may tumawag sa phone ko. Si Joana lang pala.

E: Hello? Bat napatawag ka?

J: Goodmorning Evo! Kakamustahin lang sana kita kasi hindi ka pumasok kahapon, may nangyari ba?

E: Ah eh wala naman nilagnat kasi ako kahapon kaya di na ako nakapasok

J: Ganun ba? Gusto mo puntahan kita sa bahay niyo at alagaan kita?

E: Nako! Hindi mo na kailangang gawin yan Joana kasi okay na ang pakiramdam ko ay pahinga nalang ang kulang kaya makakapasok naman na ako bukas.

J: Hmmm. Sige na nga di na kita pipilitin. Nga pala nasa akin yung payong mo ah.

E: Ay oo nga pala, nakalimutan ko yung payong ko kaya ako naulanan ng isang araw.

J: Hala sorry! Ako pala dahilan kung bakit ka nagkasakit, babawi ako pagpasok mo bukas.

E: Naku huwag na! Ito naman kaysa ikaw yung nagpaulan edi ikaw yung nagkasakit.

J: Basta I'll treat you tomorrow. I don't take no for an answer.

Napabuntong-hininga nalang ako

E: Okay sige. Kakain na'ko bye!

Pagbalik ko sa kwarto ay inaayos na ni Kailee yung higaan ko kaya agad ko siyang pinigilan.

Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon