BEKS 1: Lastimosa

5K 149 22
                                    

Kailee's POV

Isa lang ang bagay na kinatatakutan ko sa buong buhay ko. Ang mareject ng mga taong malapit sa akin at lalo na ng taong mahal ko, nakakamatay yun at mas masakit pa sa bala ng baril.

Bago pa ako magsimulang magdrama'y magpapakilala muna ako. I'm Kailee Lastimosa, incoming gr. 11 student in Mozart Zamora National Highschool, 17 years of age and i'm SINGLE!

Tama kayo single pa ako. Alam mo kung bakit? Sino ba naman kasing magkakagusto sa katulad kong salot daw sa lipunan at hayok sa lalaki.

Pero hindi ako ganun, kung Love or Sex ang pagpipilian mas gugustuhin ko ang love kaysa sex dahil aanhin mo ang init ng pagtatalik ninyo kung mas malamig pa sa ilong ng pusa ang pagmamahal niya sa'yo diba?

Mahirap mamili ng Mr. Right sa panahong ito dahil bigla-bigla nalang sila sumusulpot. Akala mo mahal ka niya pero hindi naman pala pera lang mahal at parausan ka lang.

Sabi pa nga nila ang BAKLA daw ang mamamatay ng malungkot dahil wala naman daw nagmamahal sa kaparehas ng kasarian at kasalanan pa ito sa diyos. So, bakit kami nilikha ng diyos kung kasalanan lang kami diba? Like duh... tsaka hindi ko hahayaang mamamatay ako ng malungkot dapat laging masaya.

Sa panahon ngayon napakaraming manlolokong babae kaya mas maraming lalaki na pinipiling makipagrelasyon sa mga beki dahil mas magaling pa magalaga at magpasaya ang mga bakla sa babae.

Para sa kaalaman ng lahat hindi ako katulad ng mga baklang ladlad na nagcrocross dress at nagmamake up para lang mapansin ng mga lalaki. Natural beauty lang ang kailangan ko dahil maganda ako. Haha!

Bukod sa pagiging maganda ko, magaling din akong sumayaw pero hindi yung halos baliin yung katawan makasayaw lang. Maraming ganiyan yung mga bida-bida wala namang ibubuga sa klase.

Speaking of klase, bukas na ang start ng 1st day of class, transferee lang ako at wala pa akong kakilala kahit ni kapit bahay namin sa lugar na ito. Namiss ko tuloy ang mga bestfriend ko sa Manila.

Galing ako sa isang private school tapos nilipat ako dito sa Qc sa isa pang public school na  sana sa Montessori na lang natuwa pa ako. Pero walang palag ang lola niyo sa ninuno niya. Haha

Mababait kaya yung mga tao dun? May pogi kaya? Haha! Yan tayo eh pogi agad yung hinahanap haha!

I'm sure naman na marami akong magiging kaibigan doon lalo na't nasa section 1 ako. Intelligent naman ang mga estudyante sa star section pero minsan may iba nga lang na nahahalo na mabibilang mo sa limang daliri mo!

Ready na ako for tomorrow, actually kanina pa ako ayos ng ayos ng gamit ko at hindi talaga ako mapakali dahil naghahalo na ang excitement at kaba sa aking kalooban. Di ako sanay na ganito shems!


"Yung totoo? Gusto mo na bang pumasok ngayon? Excited masyado ah?" Speaking of the devil. He's Kaicee Lastimosa, twin brother ko at straight siya hindi bakla okay?

"Wala kang pakialam, gamit mo? Gusto mo bang ako pa magayos ng gamit mo tutal tamad ka!" Ani ko at ngumisi napakatamad kasi ng kumag na'to puro babae ang nasa isip buti nalang namamaintain niya yung high grades kahit na may lovelife. Pano kaya un?

Agad siyang umalis sa harapan ko at nagtungo sa kwarto niya. Huh! Talo nanaman siya sakin, hindi niya kakayanin ang kapangyarihan ng isang Sang'reng katulad ko.

Akala ko wala ng mangugulo sa akin pero akala ko lang talaga yun dahil nasa tapat ko na ang kapatid kong babaeng napakakulit!... She's Kyla Lastimosa, gr. 7 na siya this year kaya magkakasama kami sa iisang school, hayup diba? Magiging instant alalay ako nito!

"Kuya, Paplantsa naman ng uniform ko, please" aniya at nagpuppy eyes pa, yan tayo eh buset!

"Ikaw na magplantsa niyan, malaki ka na tsaka nireregla ka na day kaya dapat matuto kang gumawa ng mga gawain ng walang katulong!" Ani ko at pinandilatan siya ng mata. Alam kong nagulantang siya sa binanggit ng bibig ko pero tama yung mga sinabi at dapat niyang damhin iyon!

"Sus, pero kapag lalaki inaasikaso mo agad!" Aniya sabay belat sakin. Aba'y gago na bata paki-alamera ng lovelife minsan na nga lang ako maging masaya nakikialam pa.

"Huwag kang makialam sa lovelife ko, impakta ka! Magboyfriend ka kung gusto mo wag mo akong idamay" sigaw ko sa kaniya at binato siya ng uniform niya, loko talaga tong babaeng ito. Akala niya ah haha!

"Ano ba Kailee, ang ingay niyo magigising si baby Khyrone sa ginagawa niyo" sigaw ni mom sakin. Peste siya yung nanguna ako yung napagalitan, mahirap talagang maging panganay ikaw ang laging masisisi! Hustisya naman oh

"Sorry ma!!" Pagpapaumanhin at bumaling muli sa impakta kong kapatid. "Siraulo ka! Ako yung napapagalitan dahil sa kabaliwan mo peste ka!" Pasigaw kong bulong sa kaniya pero binelatan nalang niya ako. Buset! Nakakahighblood

Nangasar. Nangbelat. Tumakbo. Nadapa. Yan ang nangyari sa magaling kong kapatid. Akmang mahahablot ko na ang buhok niya pero nakatakbo siya pero sa kasamaang palad nadapa siya at una mukha. Laughtrip siya grabe!

Tawang-tawa ako sa reaksyon niya na akala mo nalugi ng sobra-sobra sa negosyo. Napakabilis talaga ng karma, akala mo ah

"Bleeh! Kinarma ka na agad? Kawawa naman!" Pangaasar ko sa kaniya sabay bitbit ng mga gamit ko at patakbong pumunta sa kwarto sabay lock ng pinto. Alam kong gagantihan ako ng impaktang to kaya kailangan kong maghanda.

*****

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako sa kabaliwan ko at madilim na ang paligid. Gabi na siguro kaya bumaba na ako agad.

Saktong pagkababa ko ay naghahain na si mama ng pagkain at mukhang ako nalang ang kulang sa hapag-kainan. Dumating na pala si papa.

"Kain na anak, sakto kakarating lang ng papa niyo" ani ni mama pagkadating ko sa dining hall.

"GoodEvening pa" ani ko habang nakayakap sa kaniya sabay halik sa pisngi. Daddy's Girl kasi ako kaya ganito ako ka-sweet sa kaniya.

"Ambango-bango talaga ng dalaga ko, amoy calachuchi" aniya sabay tawa ng malakas. Anlakas ng tama nito ah letse. Natawa naman silang lahat, mga baliw lang? Ano ako bulaklak ng patay?

"Tao ako pa, hindi bulaklak at lalong hindi ako mabaho like duh?!" Ani ko at inirapan ko lang sila at nagsimula na kaming kumain. Ansaya ng pamilya namin puro barahan at katarantaduhan pero mahal na mahal namin ang isa't isa. Hihi!

Pagkatapos namin kumain ay nagpahinga muna kami at isa-isa ng umakyat sa mga kwarto at natulog. Maaga pa kasi ang pasok bukas, bawal pa namang malate lalo na't first day of class bukas. Eggzoited na ako!!!

~~~

Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon