BEKS 30: Best Gift

858 37 6
                                    

Kailee's POV

Lumipas ang maraming buwan at heto sasapit nanaman ang pasko. Busy ang lahat sa paghahanda para sa noche buena mamayang hating-gabi. Sa tingin ko ito na ang magiging pinakamasayang pasko sa buhay ko dahil buo ang pamilya ko at kasama pa ang taong mahal ko.

Yes you heard it right! Official ko nang manliligaw si Evo, from the day na hinalikan niya ako he confessed me everything about his feelings so do I pero sinabi ko naman sa kanya na hindi dapat madaliin dahil mga bata pa kami. Almost 5-6months na niya akong nililigawan and this is the right time for me na sagutin siya.

Napansin ko na from the day we confessed each other feelings ay mas naging maganda ang samahan namin ni Evo, napakashowy niya sa akin to the point halos sobra na sa PDA ang ginagawa niya pero hindi nalang ako nagiinarte baka magtampo pa.

"Ang lalim naman yata ng iniisip mo love?" Napalingon ako kay Evo at nginitian siya. "Hindi naman masyado love, masaya lang ako ngayon." sagot ko dito.

"Ako din love eh, lalo na't kasama kita ngayong pasko at sa mga susunod pa." Masaya nitong turan sa akin. Hindi ko mapigilang hindi kiligin sa mga banat nito kaya kapag ganoon ay natatahimik nalang ako bigla.

Inilibot ko ang aking paningin, busy sila mama at papa sa pagluluto at sa gawain sa kusina, sila Kyla naman ay busy sa pag-aayos ng mga disenyo mapa-dining or kahit dito sa living room, si baby Khyrone naman ay nilalaro nila Kuya Yuno at kami naman ni Evo ay inaayos ang christmas tree pati nadin ang mga regalo sa ilalim nito. May exchange gift kasi kami mamaya.

"Alam mo love napansin ko, ikaw lang ang walang regalo sakin." Hindi na ako nagtaka sa sinabi niya dahil halata namang siya lang ang hindi ko binigyan ng materyal na regalo.

Kinurot ko ito sa pisngi. "May regalo ako sa'yo pero mamaya mo na iyon makikita kaya behave ka muna diyan okay?" Sabi ko dito sabay kindat.

Iniwan ko itong nagtataka at nagtungo na ako sa kwarto ko. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, ang blooming ko naman tignan ngayon dahil siguro masaya ako palagi at hindi naiistress. Napagpasiyahan kong maghalf-bath muna para mamaya fresh na'ko.

Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko na ang white denim short ko pati ang red and green shirt ko na parehas naming binili ni Evo kaya ibig sabihin ay couple shirt ang suot namin ngayon.

Paglabas ko palang ng kwarto ay dinig ko na ang lakas ng tugtugan na nanggagaling sa sala. Nagsasayawan na pala sila, ganoon ba ako katagal magayos?

Sinalubong ako ni Evo at tama nga na parehas kami ng suot ngunit mas malaki talaga siya kaysa sakin kaya parang babaeng-babae ang dating ko.

"Bagay pala sayo yang binili natin damit eh" papuri nito sa akin kaya pinuri ko din ito.

Maya-maya'y nagtipon-tipon na kami sa hapag upang pagsalu-saluhan ang handa namin ngayong pasko. Nagdasal muna kami bago kumain bilang pasasalamat sa grasya na nasa harapan namin.

"Oh, Evo, Yuno at Aira huwag kayong mahiya na kumain dahil marami tayong handa ngayon." Saad ni papa nang mapansin na medyo nahihiya sila samin.

Masaya kaming nagsalu-salo at napuno ng kwentuhan ang buong hapag dahil unti-unti nading nakapalagayan ng loob nila Kuya Yuno sila papa.

Pagkatapos kumain ay sinimulan na namin ang pagbibigayan ng mga regalo. Kaniya-kaniyang punit ng wrapper ang ganap namin dahil sa sobrang daming regalo.

"Love, regalo ko sa'yo" saad ni Evo sabay abot ng maliit na box. "Buksan mo muna love" sinunod ko naman ito at nagulat ako ng makita ko ang isang singsing na nasa kwintas. White-gold ito base sa mga features na nakikita ko. Hindi ko mapigilang hindi mapaluha ng makita ko na naka-engrave ang pangalan naming dalawa doon.

Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon