BEKS 33: Vacay

428 17 3
                                    

Kailee's POV

"Kai wag mo kalimutan dalhin yung sunblock mo ah!" Sigaw ni Kyla galing sa sala. Kababae kasing tao kulang sa gamit na pampa-fresh. Mag-oouting kasi kami ngayon kasama ang family ni Evo dahil gusto nilang makipagbonding at mas makilala kami. Hindi naman kami tutol since gusto din naming magbakasyon noh!

Napapitlag ako ng may biglang yumakap sa'kin. Si Evo lang pala. "Love wag mo dalhin buong bahay niyo kasi isang buong gabi lang tayo don." Maleta kasi dala ko, syempre kailangan ko ng pang-ootd dahil balak kong magphotoshoot doon.

"Hindi naman love, sakto lang 'to para sa isang araw, yung iba dyan pang ootd lang. Ikaw ba ayos na gamit mo?" tumango naman siya bilang tugon. Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na'ko. Naka-aayos na din pala sila pero si mama busy pa sa kusina dahil gusto daw niya maghanda ng snacks sa biyahe.

Napagpasiyahan naming magrent nalang ng isang van para sa aming lahat. Papa ni Evo ang nagmamaneho ng sasakyan at sa tabi nito ang mama niya at kami namang dalawa sa tas the rest ay nandun na sa likod namin.

Sa Calatagan, Batangas kami pupunta dahil malinis at malinaw talaga ang dagat nila doon. Habang nasa biyahe kami ay may kaniya-kaniyang mundo sila pero ako ay inaantok pa dahil alas kwatro palang ng umaga nung umalis kami kaya napagpasiyahan kong matulog muna sa tabi ni Evo. Tahimik lang ang mokong dahil inaantok din pero nakikinig lang ng music para di mainip sa biyahe.

Nagising nalang ako ng may naramdaman akong kakaibang lamig. Pagdilat ko ng mata ay nasa sasakyan padin kami at bumibiyahe pero nakabukas na lahat ng bintana at ramdam mo talaga ang malamig na simoy ng hangin. Mag-aalasais na pala at nasa tagaytay na kami kaya pala malamig na kasi pataas na kami.

Tumigil kami saglit sa isang fastfood chain upang mag-agahan at sa taas nito ay kitang-kita mo ang taal volcano. Maganda din pala view mula dito kaya dinarayo ng mga turista ang spot na to. Maaga pa pero andami nang taong kumakain dito.

"Love kumain ka na muna para magising diwa mo, tulo laway ka pa naman kanina." Aniya sabay lapag ng pagkain namin. Nang-aasar pa ang tukmol na'to.

"Malamang masarap tulog ko, wag kang tatabi sakin kung ayaw mo akong natulo ang laway kaysa naman sa'yo na gising na pero tumutulo bigla ang laway, ewwww." Pang-aasar ko din dito kaya sinimangutan niya ako. Talo naman pala eh lumalaban pa.

3 burger at 2 malaking fries lang inorder ko tas iced coffee dahil ayokong magkanin dahil paniguradong marami din namang kakainin mamaya.

Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa van pero bumili muna kami ng taho dahil saktong pagkalabas namin ay may taho vendor. Nagtakam ako bigla kasi antagal ko nang di nakakakain non. Masarap pa naman kapag maraming arnibal kasi matamis.

Siyempre malaki yung binili ko. Isang tumbler na nga yun eh pero hati naman kami ni Evo dahil hindi ko din kayang ubusin yung ganoon kadami. Hindi nga ako nagsisi sa lasa dahil masarap talaga. Mas masarap kapag mukhang bago ulit sa panlasa pero nakakaumay kapag paulit-ulit nalang kinakain.

"Love pag nasira tiyan mo di ko na kasalanan ahhh, andami mo nang kinain pero di ka pa din ba nabubusog?" Nakapout niyang tanong sa'kin. Ang cute lang talaga nitong jowa ko kaya habang nakapout siya kiniss ko siya kaya nagulat siya pero agad na napangiti. Gustong-gusto niya kapag nasa mood ako kasi sobrang clingy ko sa kaniya pero pag badtrip ako asahan mo nang lalayo yan sakin kasi ayaw niyang mapagbuntungan ko ng inis.

Niyapos niya ako at siya naman ang humalik sa akin. Alam niyo yung feeling na lagi naman kaming nagkikiss pero parang first time lang ulit naming magkiss, ni hindi nawawala yung spark bagkus nagliliyab pa lalo ang pagmamahalan namin.

Hindi kami masyadong makapaglambingan kasi medyo naiilang ako kasi nakikita kong tinitignan kami ng mga parents namin. Hindi kasi ako sanay na tinitignan ng kahit na sino ultimo mga magulang at kaibigan ko. Nakakairita minsan lalo na pag mga plastik na tao ang makakatitigan ko.

Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon