BEKS 21: Totally Confused

806 39 0
                                    

Kailee's POV

"Nagseselos kasi ako"

Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni Evo pero agad akong bumalik sa wisyo para di niya mapansin na medyo kinilig ako sa sinabi niya. Eto nanaman tayo mga bakla, aasa nanaman sa onting pakita ng kabutihan at kasweetan ng isang lalaki.

"B-bakit ka naman nagseselos? Eh wala ka namang dapat pagselosan" di tuloy ako makatingin ng diretso sa kanya.

"Okay lang sakin kung may boyfriend ka na basta sana ipakilala mo lang sakin, masaya nako dun bilang bestfriend mo." Gusto kong matawa sa sinabi niya. All through out naniniwala parin siyang may jowa na ako? Yun lang pala yung ikinakaputok ng butchi niya, grabe na to nakakaloka na to.

"Ansarap mong batuk-batukan! Sabi ng wala nga akong jowa, sana meron nga eh para naman kahit papaano maramdaman ko kung paano mahalin, pahalagahan at arugain kahit na alam kong mahirap mangyari yun lalo na bakla ako." Wala na nasira na yung mood ko, nalulungkot talaga ako kapag ganto na ang usapan. Sana naman mapansin mo ako Evo kahit na minsan lang ipadama mo sakin yung pagmamahal na kaya mong ipadama sa isang tunay na babae.

"Weh? Sa cute mong yan, maraming magkakagusto sayo kahit na sinong lalaki." Medyo umaliwalas na ang mukha niya pero nangaalaska nanaman siya.

"Kahit na ikaw? Magkakagusto ka sakin?" Nagulat siya sa tinanong ko. Bahagya siyang namutla na para bang di alam kung ano ang gagawin niya.

"Ah-eh syempre magbestfriend tayo diba? Dapat walang talo-talo" hays, wala na talagang pag-asa na maging kami. Bigla akong pinanghinaan ng loob sa sinabi niya. Sana pala di ko nalang yun tinanong.

"Oh bat parang malungkot ka?" Napatitig ako sa kanya pero agad din akong umiwas ng tingin, para kasing matutunaw ako.

"Baliw hindi, kung ano-anong napapansin mo. Tulungan na natin sila dun para matapos na tong research na 'to." Dumiretso na agad ako sa sala kung nasaan ang mga kaibigan namin. Hindi ko na pinakinggan kung ano pa yung sasabihin niya baka lalo lang akong masaktan.

Pagkaraan ng 2 oras ay natapos narin namin ang buong research namin. Matagal pa naman yung defense namin pero ginawa na namin agad para wala nang aalalahanin pa tsaka advance kasi kami mag-isip, mahirap nang magahol noh!

Naggagayak na kami pauwi nang biglang nagsalita si Evo kaya napatingin kami sa kanya. Hindi sinasadyang nagtagpo ang aming mga mata ngunit binaling ko agad sa iba ang tingin ko.

"Guys dito nalang kayo magdinner since past 7 narin naman na, okay lang ba?"

"Ayos yan Evo, sige luto ka na, sarapan mo pa ah... malay mo magayuma mo si Kailee" tawang-tawa si Michaela habang nagsasalita. Andaming alam, namula tuloy ako bigla.

"Sige" maikling sagot ni Evo. Bigla nalang tumili si Michaela na parang kinikilig.

"Bat ka naman tumili Michaela?" Tanong ni Angelo. "Wala namang nakakakilig dun ah" dugtong pa nito.

"Sabi kasi ni Evo 'sige' sasarapan niya yung luto niya para magayuma niya si Kailee" kilig na kilig na turan ni Michaela. Napairap nalang ako sa kabaliwan ng babaeng to.

"Sige manood nalang muna kayo dyan, gutom at pagod lang yan Michaela" agad na dumiretsong kusina si Evo, ni di man lang ako sinulyapan, kainis.

Abala kami sa panonood ng tv nang biglang may lumagabog sa kusina. Pinuntahan ko agad si Evo doon, nagbagsakan pala yung malalaki nilang kaldero at mukhang namimilipit siya sa sakit.

"Anong nangyari sayo? Naipit ka ba? Nabagsakan ka ba?" Agad ko siya niyakap, di ko alam pero kusang gumalaw ang katawan ko, nagpapanic talaga ako kapag ganto.

"W-ala to, matibay mga buto ko" nakuha niya pang tumawa kahit na kitang-kita ko na yung bukol niya sa ulo. Napakalampa naman pala ng lalaking to.

"Ang sarap mong magluto pero anlampa mo naman pala, ako nalang ulit magluto dito, tulungan mo nalang ako sa pagtitimpla"

Kinuhaan ko muna siya ng cold compress para maiampat sa ulo niyang may bukol. Double kill na siya ngayong araw na to. Kanina nahiwa, ngayon naman nabagsakan.

Sisig at pork steak ang niluto ko. Hindi to sasarap kung hindi dahil sa sarap ng pagtitimpla ni Evo. Wala eh, may kung anong mahika yung style niya ng pagtitimpla sa putahe.

Pagkalabas namin sa kitchen ay nakaayos na sila sa lamesa at si Michaela ay napakalapad ng ngiti. Ano kayang iniisip ng babaeng to? Malisyoso pa naman to.

Habang kumakain kami biglang nagsalita si Michaela habang may laman pa ang bibig niya. "Masarap talaga to kasi nilagyan to ni Evo at Kailee ng pagmamahal, diba?" Halos masamid-samid na siya sa sinasabi niya.

Hinampas naman siya ni Nikko kaya natahimik na siya. Si Evo naman walang imik pero ako nahihiya na ako, baka kasi kung anong isipin ni Evo, baka layuan niya ako.

Pagkatapos naming magpahinga ng ilang minuto ay nagpaalam na kami kay Evo dahil medyo gabi narin, baka pagalitan kami ni papa.

"Hatid ko na kayo Kailee" saad ni Evo. Nagulat naman ako sa kanya akala ko si Kaicee yung katabi ko yun pala nasa kabila siya. Naglalakad na kami pauwi, sabay-sabay kaming umalis.

"Uy wag na, diyan lang naman bahay namin, sila Michaela nalang ihatid mo sa labasan, malayo-layo pa byahe nila, pero salamat parin" tinanggihan ko siya, pero sa loob-loob ko gusto kong magpahatid sa kanya.

"Sure ka ba? Sige, hatid ko muna sila, goodnight! See you tomorrow!" Sinundan niya na sila Michaela habang kami naman ni Kaicee ay lumiko na pauwi.

Nasa tapat na kami ng bahay nang biglang nagring ang phone ko. May nagtext pala.

"Goodnight and Sweetdreams. Salamat pala kanina at sorry na din sa inasal ko, di na yun mauulit, patawad :( baka galit ka ah? See you tomorrow, sunduin kita bukas"

-Evo❤

Kinilig ako sa tinext niya, as in gusto ko nang magtitili dito sa labas kaso baka pagalitan ako ni papa.

"Kanina ka pa kinikilig dyan, may balak ka pa bang pumasok? Kung wala sasaraduhan na kita" sinamaan ko lang ng tingin tong kakambal ko, masyadong KJ sa kaligayahan ko.

"Oo na, epal ka eh!"

Pagkapasok namin ng bahay ay nakasalubong namin si papa kaya agad akong humalik sa pisngi ng tatay ko.

"Oh anak mukhang masaya ka ngayon? Balita ko gumawa daw kayo ng research niyo kila Evo?" Tumango naman ako bilang tugon. "Natapos niyo na?" Tumango ako ulit bilang tugon.

"Anak inlove ka ata, mukha kang timang dyan" tawang-tawa si papa sakin. Napabusangot naman ako ng mukha, pati si Kaicee nangaalaska.

"Bahala nga kayo dyan, matutulog nako, goodnight family" umakyat nako agad sa kwarto ko dahil marami pang tanong sila papa kapag nagstay pako sa sala.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay agad akong humiga sa kama, ewan ko ba pero kahit pagod nako parang nabuhayan ako ulit pero maaga pa pasok bukas kaya itutulog ko na tong kahibangan na to.

Pinikit ko ang mata ko habang nakangiti, kilig na kilig ako kaso imposible namang may ibang dahilan to. Hays, wag ko na ngang bigyan ng malisya. Bahala na si lord sakin.

END OF CHAPTER 21

_________________________________________________

Author's Note:

Keep reading and voting!
More updates soon ❤

-Tanyah_Garey

Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon