BEKS 34: New Environment

229 12 0
                                    

Kailee's POV

"What the fuck?! Bumangon ka na dyan Evo, malalate na tayo!" Napraning talaga ako dahil 7:30am ang first class namin. 30 minutes nalang before first class at itong katabi ko ay tulog mantika padin.

Napabalikwas naman siya ng bangon dahil sa sigaw ko. Agad siyang pumunta sa banyo para maligo at ako nama'y nag-ayos kama namin at nagwalis saglit.

Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko ang kakambal kong naka-ayos na at kumakain ng breakfast. Halatang bagong ligo dahil basa ang buhok niya.

"Naghanda na akong breakfast niyo dahil ansarap ng tulog niyo." Aniya sabay tayo at pumunta sa lababo para maghugas ng pinagkainan. Ako nama'y naupo at naghain ng pagkain namin. Mabuti naman at hindi ako magagahol.

French toast ang breakfast namin tas nagtimpla ako ng milk para sa amin ni Evo. Nauna na akong kumain dahil maliligo ako agad pagkatapos niya.

It's our first day in college kaya I'm so excited. Medyo kabado din dahil wala pa kaming kakilala dito dahil ang tropa namin nag-enroll sa UST. Maganda doon pero mas pinili namin ang PUP since walang tuition fee, isinaalang-alang ko ang kalidad ng edukasyon na ibinibigay nila.

Kumuha kami ng unit na malapit sa university so bale walking distance lang namin ito kaya di na namin kailangan bumiyahe pa. Kumpleto ang gamit namin dito tas may dalawang bedrooms. Yung isa sa amin ni Evo at yung isa sa kakambal ko.

Nagtatampo pa sa amin si Kyla dahil siya nalang ang kasama nila mama dahil kami may unit na pero bawal pa siya dahil high school student pa lang siya. Bibisita naman kami sa kanila kapag free time or kapag hindi busy sa school.

After kong maligo ay saktong naka-ayos na ang dalawa kaya binilisan ko ding mag-ayos. Nagsuot lang ako ng black skinny jeans tas shirt and white wedge sneakers. Kinuha ko ang sling bag ko at inaya ko na sila para pumasok na.

5-10 minutes lang ang lalakarin para makapasok dahil nga sobrang lapit lang. Nasa iyo na yun kung babagalan mong maglakad pero sa sitwasyon namin malalate na kami.

Pinakita lang namin yung enrollment form namin para makapasok atsaka wala namang specific uniform sila unless nalang sa department na may uniform.

I am taking BS Economics. Hindi ko din to gusto pero no choice na kami ni Evo dahil naubos na ang slots for BS Accountancy. Ito nalang kinuha ko since business related naman siya at medyo may background na ako about this course.

"Halaaaa! Wala nang slot for Accountancy, paano yan?" Nanlumo ako nung makita ko ang nakapaskil sa pinturan ng department nila. Sayang lang ang pakikipag-unahan ko sa mga nagbabakasaling maka-abot sa course na ito pero wala na din pala.

Hinatak naman ako ni Evo pabalik sa bulletin board at may tinitignan na course. Hindi ko pa nakikita kung ano yung sinisipat niya ng bigla niya akong hilain pababa ng 2nd floor.

"Anong gagawin natin dito? Nagtatakang tanong ko. Sa lahat ng floor ito lang ang nakatiles na wing aside sa south wing.

"Mag-eenrol tayo dito." Tipid na sagot ni Evo at pumila. Hindi naman ganoon kahaba ang pila dito kaya feel ko hindi ganoon kabongga itong course na inooffer dito.

Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon