BEKS 31: Seize the Moment

515 20 1
                                    

Evo's POV

Nagising ako dahil sa init na nararamdaman ng aking katawan. Hindi tawag ng laman bagkus literal na mainit. Pagdilat ko ng aking mata ay bumungad sa'kin ang bukas na bukas na bintana ng kwarto ni Kailee.

Napansin kong wala na ito sa aking tabi kaya naisip ko na bumaba na ito. Medyo masakit padin kasi ang ulo ko dala na rin siguro ng sobrang pag-inom ko kagabi kasama ang pamilya ng aking minamahal.

Minabuti kong ayusin ang kama at paligid nito para naman matuwa sakin si Kai kahit papaano. Napatingin ako sa desk kung saan nandoon ang isang picture frame.

Larawan namin ang nandito, hindi pa kami close dito pero ito yung time na nagiging mas close na kami sa isa't isa. Hindi ko mapigilang mapangiti habang tinitignan ko ang larawan naming dalawa. Hindi ko lubos maisip na sa kabila ng marami naming pinagdaanan magiging kami din pala.

Hindi ko sasayangin ang pagkakataon na ito upang ipadama sa kaniya na mahal na mahal ko talaga siya at handa akong gawin ang lahat mapanatili ko lang tamis ng aming pagmamahalan.

Nagtoothbrush muna ako bago bumaba at sakto namang pagbaba ko ay napansin ko agad si Kailee na nag-aayos ng hapag-kainan.

"Goodmorning love! I'm sorry if nalate akong nagising" agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Ewan ko ba miss ko agad eh.

"Evo, saglit lang mamaya mo na ako lambingin kakain muna tayo." Pumiglas siya sa akin at muling naging busy sa kusina.

Madaming siyang niluto ngayon, I guess tulog pa yung iba pero medyo tanghali kasi tirik na yung araw eh.

"Love uminom ka munang kape para mawala yung hangover mo." Agad naman akong humigop ng kape. Ang sarap grabe, magaling palang magtimpla 'tong nobyo ko.

"Love?" Pagtawag ko ng pansin dito.

"Oh?" Umupo na siya sa tabi ko at nagsimulang maghain ng almusal.

"I love you love." Diretsang sabi ko dito. Kitang-kita ko kung gaano kapula ang mukha niya ngayon. Marahil kinikilig nanaman ito sa akin.

"Ang aga-aga pa Evo ah! I love you too" aniya sabay halik sa labi ko. Smack lang yun pero grabe yung tama niya sa akin.

"Alam mo love walang specific na oras o panahon para sabihin at iparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal. Tandaan mo na araw-araw kong ipaparamdam sa'yo na mahal na mahal kita at kahit ano mang mangyari ay ikaw lang laman ng puso't isipan ko. " Natameme nanaman siya kaya ako naman ang humalik sa kaniya. Para siyang inosenteng bata na ewan. Ang cute lang tignan.

"Kumain na nga tayo, magdadrama ka nanaman eh" natawa nalang ako sa sinabi niya pero alam ko sa kaloob-looban niya ay kinikilig na 'to.

"Nga pala, di mo ba tatawagin sila papa?" Tanong ko dito. Lagi kasi silang sabay-sabay kumain kaya nasanay ako na ganoon ang ayos nila.

"Hindi na love, mga pagod pa yon at lasing alam mo naman diba kagabi? Halos ayaw niyo pang tumigil" napakamot naman ako ng batok sa sinabi niya. Mukhang masesermunan pa ako eh.

Habang kumakain kami ay hindi maiwasan na magharutan kami, nandoon yung magsusubuan kami ng pagkain, nanakawan ko siya ng halik tas siya naman itong maiirita. Ansarap lang sa pakiramdam dahil sobrang saya ko na siya ang mahal ko.

Patapos na kaming kumain ng biglang bumungad samin sila papa. "Kaya pala naunang kumain kasi nagdadate sila. Kayo talagang mga bata kayo." Nahiya naman si Kailee sa pambubuska ng ama niya kaya natawa ako sa reaksyon niya. Nahuli lang naman kami na nagsusubuan ng hotdog.

"Katatapos lang namin pa, kain na kayo naghanda si Kai ng agahan." Inayos ko yung mga kubyertos at pagkain para sa kanila. Syempre dapat mabait tayo at nakakahiya naman kung di ako makikisama e mabait naman silang lahat.

"Himala anak ang sipag mo na ngayon, maganda pala epekto sayo ni Evo eh." Inasar nanaman ni papa si Kai kaya mas lalo itong namula sa hiya.

"Hay nako pa, masipag nako dati pa noh! Kahit wala pa itong kumag na'to." Kinurot niya muna ako bago tumayo. Sinundan ko naman ito pabalik sa kwarto niya.

"Oh ba't sumunod ka naman dito?" Paninita niya sa akin. Tinabihan ko siya sa kama at niyakap ng mahigpit. "Eh bakit ba? Syempre mahal kita kaya gan'to ako kasweet sa'yo." Namula nanaman siya, ang cute lang tignan.

"Alam mo lagi mo nalang akong pinakikilig nakakainis ka!" Ninakawan ko naman siya ng halik dahilan para matihimik siya. "Hindi ako magsasawang iparamdam sayo kung gaano ako kaswerte na ikaw ang taong mahal ko." Totoo naman kasi, ngayong official na kami ay mas lalo ko pa siyang mamahalin.

"Marami pa tayong haharaping mga pagsubok kaya sana di ka bumitiw sa ating dalawa." Seryosong sabi niya kaya muli ko siyang hinalikan pero tinapik naman niya yung bibig ko. "Kanina ka pa nakaw ng nakaw ng halik ah!" Natawa naman ako sa kaniya, akala mo ayaw pero kinikilig naman.

"Edi nakawan mo din ako ng halik para patas tayo." Saad ko sabay halik muli sa kaniya lumabas na agad ako ng kwarto kasi alam kong mapipikon na siya sa akin. Di nga ako nagkamali kasi bago ako makalabas ay nabato niya pa ako ng unan.

Since holiday naman at wala namang gagawin at stress sa school ay napagpasiyahan naming maglaro ng basketball nila KC at papa. Tirik na yung araw pero hindi naman kami nabibilad dahil hindi nasisinagan ng araw yung part na pinaglalaruan namin.

Napansin ko ang presensya ni Kailee kaya natigilan kami sa paglalaro at agad ko siya pinuntahan. Yayakapin ko na sana siya pero pinigilan niya ako.

"Hep hep! Mamaya mo ako yakapin kasi basang-basa ka ng pawis." Inabutan niya ako ng towel at extra shirt. "Magpunas ka muna at magpalit, baka magkasakit ka pa." Kinilig naman ako don, parang asawa lang ako eh.

"Okay love" dali-dali akong nag-ayos at nagpalit ng damit, gusto ko fresh padin ako tignan kahit pawisan ako kanina. Pagbaba ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa bench at nagbubuting-ting sa phone niya.

"Hello love" bati ko dito ngunit di man lang niya ako tinapunan ng tingin dahil busy siya sa paglalaro. Kaya naman pala kasi busy sa ml.

"Kumain ka na muna, hinanda ko yan para sayo, wait lang naglalaro ako." Para sa akin pala 'tong sandwich at juice na'to. Habang kinakain ko ito ay di ko maiwasang titigan ang mahal ko. Nakaisip ako ng kalokohan kasi sobrang seryoso siya sa paglalaro niya.

Kinuha ko ang phone ko at idinial ang number niya. Inaantay ko ang reaksyon niya ay di nga ako nagkamali.

"P*tang*na naman Evo eh! Naglalaro ako, wala na namatay tuloy ako! Killing spree pa naman ako." Sigaw nito sa akin. Lumapit naman ako agad sa kaniya at niyakap siya. "Umalis ka diyan Evo di ako natutuwa ah!" Inis nitong sabi. Patay napikon ko ata to.

"Sorry na love, di ko na uulitin, gusto ko kasing masulit yung oras natin lalo na pag kasama kita eh" Naglungkot-lungkutan ako para kunyari nakakaawa.

"Bwiset ka! Isang game lang naman ako eh pag ito natalo kukutusan kita." Natawa nalang ako sa inis niyang reaksyon. "Tawa-tawa ka diyan sipain kita e"

"Joke lang ito naman sige laro ka lang basta yayakap lang ako dito sa likod mo." Naging ganoon na nga ang set up namin. Busy siya sa paglalaro habang ako naman ay nakayakap sa kaniya habang pinapanood siyang maglaro.

"Tapos na'ko love, pasalamat ka nanalo dahil kung hindi mababadtrip talaga ako sayo." Hindi ko parin inaalis ung mga kamay ko sa beywang niya. Ang sarap sa pakiramdam e, parang ayoko nang umalis sa tabi niya.

Akmang pipiglas siya sa yakap ko ng pigilan ko siya. "Maglaro ka pa, gusto lang kitang mayakap ngayon." Alam kong namumula nanaman siya halata sa tenga niya eh.

Wala kaming ginawa kung hindi maglambingan lang maghapon at panigurado ganito kami sa buong bakasyon.

Hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya habang kasama ko ang taong pinakamamahal ko, kaya hindi ko sasayangin yung mga oras at panahon na magkasama kami, pupunuin ko nang masasaya at puno ng pagmamahal ang aming love story. Alam kong di maiiwasan ang tampuhan pero alam ko ding kaya namin iyong lagpasan.



END OF CHAPTER 31

___________________________________________________

Author's Note:
Pasensya na talaga for the very slow update. May problema din kasi si otor sa lablayp eh. Pero still i uupdate ko padin ang story lalo na't malapit nang matapos itong book 1.

Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon