BEKS 26: Magandang Pagbabago

782 42 1
                                    

Kailee's POV

Nagising ako ng may ngiti sa aking labi. Speaking of labi naalala ko nanaman yung ginawang paghalik sa'kin ni Evo. Kahit na smack lang yun parang mababaliw ako sa ginawa niya. Hindi ko alam kung anong dapat isipin kong dahilan sa ginawa niya pero iniiwasan ko pa ding umasa dahil baka sa huli ako lang ang masaktan.

Napalingon ako sa phone ko kasi may notification. Saktong pagbukas ko ay bumungad and text sa'kin ni Evo.

"Goodmorning! Start your day with a smile. See you later, ingat sa pagbyahe ah" Agad na namula ang aking mukha sa kadahilanang kinilig ako sa kaniya. Ba't ka gan'to sakin Evo?

Matapos kong maligo at mag-ayos ay bumaba na ako para mag-almusal. Sakto namang pagbaba ko'y kumpleto na sila sa baba.

"Goodmorning anak, kumain ka na dito." Nginitian ko lang si mama bilang tugon at sabay upo sa tabi ni Kaicee.

Pagkatapos kumain ay agad kaming nag-ayos at nagtungo sa sasakyan ni papa. Ihahatid niya daw kasi kami since hindi naman daw siya busy ngayon kaya um-oo nalang kami.

Palabas na sana ako ng tawagin ni mama. "bakit ma?" tugon ko.

"Anak, nakita ko yung paghalik sa iyo ni Evo kagabi. Hindi sa pinakikialaman ko ang buhay pag-ibig mo pero gusto ko lang sabihin sa'yo na huwag ka masyadong ma-attached sa kaniya anak. Tandaan mo lalaki siya at bakla ka, ayoko lang dumating ang araw na uuwi ka dito sa bahay na umiiyak dahil sawi ka sa pag-ibig. Kung maging kayo man ni Evo, susuportahan ka namin ng papa mo dahil mahal na mahal ka namin."

Nagulat talaga ako sa maagang pangaral sa akin ni mama. Niyakap ko siya at sinabing "Huwag kang mag-alala ma, iingatan ko ang puso ko."

Pagkadating sa school ay agad na akong dumiretso sa room namin. Agad kong nakita ang buong tropa at siyempre si Evo. Nakingiti ito sa akin kaya hindi ko nadin mapigilang ngumiti.

"Wow! Ang ganda ng mood mo ngayon Kai ah?" paguusisa ni Michaela sa'kin. "Luma-lovelife ka na ata kasi blooming ka na din eh" dagdag pa nito.

Napa-ismid naman ako sa sinabi niya. Agad akong nagdahilan ng ibang rason pero halatang hindi sila kumbinsido sa aking sinabi.

Kasalukuyan kaming gumagawa ng seatwork at naatasan kaming gawin ito by group dahil roleplay ang gagawin namin. Kailangan namin gumawa ng short film about love or romance.

Napag-usapan namin na kinabukasan pagkatapos ng klase ay sisimulan na naming gumawa ng film. Pagkatapos mag-usap ay dumiretso na kami sa cafeteria dahil maaga na din kaming dinismiss ng teacher namin. Sakto lang din kasi medyo gutom na ako kahit ma madami nakong kinain kaninang almusal.

"Anong gusto mo?" napatigil ako sa pagtingin sa menu at nilingon ko ang aking katabi. Binigyan ko si Evo ng nagtatakang tingin.

"Ano nga gusto mo? My treat" Minsan nagtataka nako sa lalaking to eh, baka kasi in the end singilin ako nito kakalibre sakin.

"Huwag na, may pera naman akong pambili kaya ako na bibili ng sarili kong pagkain." sagot ko sa kaniya. Kita naman sa mukha niya ang pagkadismaya. Bahala ka diyan.

Tss. Kalalaking tao matampuhin...

Pagkabili ko ng pagkain ay agad akong bumalik sa pwesto naming dalawa. Ewan ko ba kung bakit nakabukod ang table naming dalawa sa tropa. Inabot ko sa kaniya ang binili kong sundae pero di niya man lang ako tinapunan ng tingin.

"Oy, galit ka ba? Wag ka na magtampo. Binilhan na kita ng ice cream." Tumigil ito sa pagkain at tinignan ako.

"Hindi ako galit, gusto lang talaga kitang ilibre, tapos tinanggihan mo ako" napabuntong-hininga pa siya. Naloka naman ako, medyo naging isip bata ang kumag ah.

"Osige na sorry na, kainin mo na yung sundae na binili ko para di naman sayang diba?" kinuha na niya ito at nilantakan. Gusto din naman pala andami pang drama.

"Thank you pala sa pa-ice cream ah" pasasalamat nito sabay kindat. Napaiwas ako ng tingin dahil ang cute niya nung kinindatan niya ako.

"Alam mo wala yun, ikaw nga ang laging nanlilibre sa'ting dalawa. Kung saan-saang mamahaling kainan tayo pumupunta tas sa lagi mong libre kaya hindi naman siguro masama na ilibre din kita, hindi man mahal pero bukal sa'king kalooban". Sinsero kong paliwanag sa kaniya. Nanatili lang siya nakatitig sa'kin bago muling ngumiti.

"Ang sweet mo naman. Masaya akong nililibre kita. Gustong-gusto kitang kasama sa bawat oras kung pwede lang eh, itatanan na kita." saad nito at akmang hahalikan niya ako pero agad ko siyang napigilan.

"Oh magnanakaw ka nanaman ng halik! It's big NO" pagdedepensa kongunit tinaasan niya lang ako ng kilay.

"Pupunasan ko sana yung dumi mo sa gilid ng labi mo kaso iba pala nasa isip mo. Ikaw ah!" panunukso nito sa'kin sabay taas-baba ng kaniyang kilay. Inirapan ko nalang siya at tinapos na namin ang aming pagkain.

Lumipas ang oras at ngayo'y uwian na. Saktong paglabas namin ay siya ding pagbuhos ng ulan kaya agad kong binuksannang aking payong upang di ako maulanan.

Sakto ding kasabay namin ang buong klase at dumaing si Joana na wala daw siyang nadalang payong.

Nagulat nalang ako ng payungan ito ni Evo. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla akong lumakad palayo sa kanila. Bigla nalang akong nawala sa mood pero mas nagulat ako nang biglang agawin sakin ang payong ko.

"Hoy ano b-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil si Evo pala ang umagaw ng payong ko.

"Oh bakit parang nakakita ka ng multo? Ambilis mo naman maglakad buti nalang nahabol pa kita." paliwanag nito ngunit nanatili akong matigas.

"Oh edi dapat doon ka na kay Joana sumabay kasi diba siya naman pinayungan mo?" pagtataray ko ngunit napabuntong-hininga na lamang ito at sinabing.

"Hindi pwede diba nangako ako na hatid-sundo kita? Kaya ako na magpapayong sa'yo at ihahatid na kita sa bahay. Masyado naman palang seloso ang baby ko." panunukso nito. Inismiran ko nalang siya. 

Nang dumating kami sa bahay ay agad akong nagtungo sa kwarto upang magpalit ngunit tumanggi si Evo na sumunod sa akin sa taas.

"Loko talaga 'tong lalaking 'to. Mabuti nalang mayroon siyang damit dito sa bahay. Anlakas pa naman ng ulan." Pagkababa ko ay naabutan kong nag-uusap si mama at si Evo pero nung makalapit na ako ay napansin kong nag-iba sila ng usapan.

"Oh anak and'yan ka na pala. Kumain na muna kayo ni Evo. Alam kong pagod kayo galing school" Inabot ko naman kay Evo yung damit at inutusan siyang magpalit muna. Pagkaalis niya ay tinawag ko si mama.
"Ma anong pinag-uusapan niyo ng kumag na 'yun?" pag-uusisa ko. "Wala naman anak kinikilala ko lang ng mas mabuti si Evo." tugon nito at hindi nalang ako nagtanong pa dahil halata namang hindi niya talaga sasabihin kung ano man yun.

Pagkatapos kumain ay gumayak nadin pauwi si Evo dahil tumila narin naman ang ulan. Hinatid ko siya sa may gate. "Mauna nako Kai, pahinga ka na muna dun. Usap nalang tayo mamaya." saad nito sabay halik sa aking noo.

Naiwan nanaman akong tulala sa ginawa niya. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Gusto ko talagang malaman kung bakit ganoon siya kasweet sa'kin. Natatakot talaga ako sa posibleng dahilan baka mamaya kasi masyado lang akong umaasa...

Hay...

END OF CHAPTER 26
______________________________________

Author's Note:
Kaabang-abang na ang mga susunod pang mga kabanata.

Medyo busy pa si author dahil may midterms kami ngayon. Hinabol ko lang na matapos 'tong update ko.

Salamat ❤


Ang Torpeng BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon