Nakatingin lang ako sa kaniya habang hinahayaan ang nag uunahan na pagtulo ng luha sa mata ko.

Gago! Ang sakit! Bakit ganito ka daya ang pagkakataon? Bakit kailangan maging ganito.

"Wag mo sisihin sarili mo, alam ko mahirap sa'yo yun pero naiintidihan kita. Masakit naman kasi na ipilit mo yung sarili mo sa tao. At alam ko na mahirap para sa'yo yun kasi na-pe-pressure ka pero kahit anong mangyari hindi kita sisihin. Thankful ako kasi dahil sa'yo natutunan niya magmahal at natuto siya maghintay. Naniniwala ako na may tamang panahon para sa lahat. For now just rest your self. Alam ko naman pagod ka physically and emotionally, paggising natin mamaya pupunta tayo sa Mall para makapag-shopping at makapag-relax. Tara na at matulog na tayo." Sabi nito saka ako hinila papasok sa kuwarto.

Pagkahiga ko ay pinikit ko ng mata ko at pinilit ang sarili na makatulog.

Paggising ko ay wala na sa tabi ko si Ate Klarissa.

"Good morning be," masayang bati sa akin ni Ate pagkabukas niya sa pinto.

"Good morning po," bati ko saka ako tumayo.

"Mag asikaso ka muna ng sarili mo be sa cr tapos kain na tayo at may pupuntahan tayo." Excited nitong sabi kaya tumango ako.

Aga aga ang hyper agad ni Ate Klarissa nakakahiya naman kung hindi ko sasabayan yung pagiging hyper niya baka isipin pa niya ang boring ko kasama.

Naghilamos lang ako at nag toothbrush pagkatapos ko ay dumeretsyo ako sa dining table nakita ko roon na nakalapag na yung kakainin namin na fried rice, corn beef and sunny side up egg.

"Luto mo ate?" Tanong ko.

"Nope," sabi nito habang nilalapag ang plato sa hapag kainan.

"Binili niyo po?" Tanong ko rito.

Kung titingnan mo siya parang niluto siya sa bahay. Atsaka may fried rice rin.

"Hinatid sa akin yan ni Klyde, kakaalis nga lang niya nung puntahan kita sa kuwarto." Sabi nito sa akin.

"Sayang at hindi kayo nagkita pero ayos lang kasi mukha naman na hindi ka pa ready. Naiintindihan ko yun." Sabi nito sa akin saka siya umupo sa harapan ko.

"Kumain na nga tayo," sabi nito kaya naman kumuha ako ng makakain ko.

"Ate, ayos lang po ba if magtanong ako sa inyo regarding kay Klyde." Nahihiya kung sabi.

"What about him? Sure no problem." Sabi nito sa akin.

"Alam niyo po ba yung about sa kanila ni Arian?"

"Yep, I met her na rin dati. Sinasama kasi siya sa bahay ni Klyde kaya nakakausap ko pero hindi kami gano'n ka close pero ayos lang naman kami as in okay lang talaga. Atsaka ex rin siya ni Klyde." Sabi nito sa akin.

"Sa tingin niyo po ba nung panahon na sila ni Arian mahal niya po ba si Arian? I mean minahal po ba talaga niya 'to ayon po kasi sa sinabi niyo ay ako ang first love niya." Sabi ko.

"Ay hindi mo pala alam what happen 5 years ago. Arian and Klyde decide to go on the pretending stage. Which is pretending na sila pero hindi talaga. Ginawa nila yun kasi nagbabakasakali sila na baka mag-work at ma-fall sila sa isa't isa kaso ang nangyari lalong nagkagulo nung umalis ka. Alam ko naman na hindi sila pero hindi ko na lang pinaalam kay Mama kaya hinayaan ko na lang. Basta ang gulo ng pangyayari ewan ko ba sa mga yun pinipilit pa yung bagay na alam naman nila malabo. Edi ang ending nasaktan si Arian kasi siya lang yung na-fall kaso katulad nung ginawa mo na-friend zone si Arian nung nag-confess siya kay Klyde kasi loyal talaga sa iyo si Klyde. Ewan ko ba kay Klyde bakit ayaw sa iba basta para sa kaniya nag iisa ka lang sa puso niya. Marami man ang dumating pero ikaw pa rin ang destinasyon." Sabi nito habang napapailing.

Napabuntong hininga lang ako habang nakangiti sa kaniya.

"Everything will be okay soon, just learn to wait on the process." Sabi ko na tinanguan lang nito.

Nagpunta kami sa boutique ng damit since gusto raw ako ilibre ng damit ni Ate Klarissa.

"Nakakahiya naman po Ate, may mga damit po ako na dala na puwede ko naman gamitin okay na po yun." Sabi ko sa kaniya.

Masyadong mahal yung pinipili niya grabe hindi ko kinakaya.

"Hindi sa iniinsulto kita or what be, gusto ko lang bilhan ka nito. Gusto ko makita isuot mo 'tong mga 'to. Pangarap ko kasi dati maging engineering or architect kaso nagbago desisyon ko kaya nagjowa na lang ako ng engineering. Don't take it seriously." Sabi nito sa akin.

Ang dami niya pinili, pinipigilan ko na nga siya kaso ayaw niya magpapigil kaya wala na akong nagawa kung hindi kuhanin ang mga 'to.

"Go to the fitting room," sabi nito habang tinutulak ako kaya naman naglakad na ako papasok.

Sinunod ko yung sinasabi niya na partner daw. Lumabas ako pagkatapos magbihis tapos ipapakita sa kaniya.

Wala siyang bukang bibig kung hindi ang ganda ko at bagay talaga siya sa akin. Tila gusto ko na lang talaga purihin sarili ko dahil sa sinabi niya.

Kalma self, wag mo hahayaan lumaki ulo mo.

"Settle na tayo sa damit, let's go sa sandal. Need kita pagandahin ng sa gano'n mas gumada atsaka girl haharap ka sa mga tao kaya need na presentable ka. Sobrang simple mo kasi minsan nood ka ng make up tutorial para magkaroon ka ng idea." Sabi nito sa akin.

"Noted po!" Nakangiti kung sabi.

Nagpaalam lang kami sa cashier saka kami naglakad palabas ng boutique.

"Site po ang pupuntahan ko kaya no need na po ang heels." Sabi ko rito.

"You have to look perfect be," sabi nito sa akin.

"Ate ask ko lang po kung anong name ng fiance mo?"

May nabanggit kasi sa akin si Ralph last time na yung kuya niya ay engage raw at ang name ay Klarissa, gusto ko lang masiguro if iisang tao o nagkataon lang.

"Roman ang name ng fiance ko. At alam ko na kung anong nasa isip mo. Yep, he's the brother of Ralph na ex mo." Sabi lang nito.

Tumango lang ako sa kaniya.

"Bakit mo naitanong ang tungkol doon?" Tanong nito sa akin.

"Wala lang po, just a curious thing lang po." Sabi ko rito.

"What happen nga pala roon sa relationship mo with Ralph?"

"Nagkalabuan lang po," sabi ko rito.

Ayoko na magpaliwanag since tapos na yun. Atsaka isa pa hindi ko na siya kailangan pa siraan pa sa ibang tao. Nanahimik na yung tao eh sisiraan ko pa. We both happy na rin sa buhay namin na wala ang isa't isa, siguro nasanay ako sa presence niya nung ilang weeks na nag break na kami pero onti onti rin ako nasanay na wala siya sa tabi ko. I think, we both deserve someones better at siguro hindi kami compatible sa isa't isa.

Nagulat ako ng bigla tumigil si Ate Klarissa sa paglalakad kaya natigil din ako. May tinitingnan siya kaya naman naman tiningnan ko rin 'to at gano'n na lang ang gulat ko sa mukha ko.

Si Klyde may hinalikan na babae at ang mas nakakagulat ay si Arian 'to.

Gago! Bakit ako naiiyak?

"Bakit ko ito kailangan maramdaman kung friends lang naman kami?" Bulong ko sa sarili ko.

𝗧𝗛𝗘 𝗨𝗡𝗘𝗫𝗣𝗘𝗖𝗧𝗘𝗗 𝗟𝗢𝗩𝗘 (𝗠𝗢𝗡𝗧𝗜𝗩𝗜𝗟𝗟𝗔 𝗦𝗘𝗥𝗜𝗘𝗦 #1)✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon