Star Trail Thirteen

142 8 5
                                    

Hindi kami nag-uusap noong lalaki habang nasa biyahe. Hindi ko alam kung nasaan na kami ngayon pero ayon sa mga signage na nakikita ko sa daan, patungong Alaminos ang daan na tinatahak namin. Medyo naiilang ako kapag naaalala ko 'yong nangyari sa C.R. ng Jollibee. Kapag napapatingin ako sa kanya, naaalala ko 'yong pangyayari na 'yon. Tahimik lang siya at nakatuon lang ang tingin niya sa daan. Kahit na isang beses, hindi pa niya ako nililingon.

To be honest, akala ko bulok na 'tong Volkswagen van na 'to pero parang bago lang siya. May aircon ito, malinis, maayos 'yong hitsura ng mga ilaw at maganda rin ang mga upuan. Napatingin ako sa likod. May extra pang upuan doon pero puno 'yon ng gamit na kung ano-ano. Sa tingin ko, pinasadya talaga nilang ipaayos 'to.

Sumama tuloy loob ko nang sipain ko 'to. Ito rin pala ang makakapagligtas sa akin.

"Saan ka ba pupunta?" tanong ko doon sa lalaki, trying to break the awkward silence between us.

"Alaminos." matipid na sagot.

Ok.

"Anong gagawin mo doon?" tanong ko pa at hindi ito sumagot. Hala galit ata siya sa akin o kaya naiinis.

Tss. Ako dapat ang magalit dahil nalanghap ko 'yong sama ng loob na tinatago niya.

"Ang ganda naman nitong sasakyan mo." sabi ko habang iniikot 'yong tingin sa loob ng van. Luma na siguro 'tong Volkswagen van na 'to, pina-costumize lang. "Buti na lang talaga at sinakay mo ako. Baka kasi mahuli ako ng mga mokong na 'yon." sabi ko pa at napansin ko na wala itong imik. "Tss. Suplado, kabaho-baho naman ng tae." pabulong kong sabi.

"Gusto mong ibalik kita sa Lingayen?" suplado nitong tanong at biglang huminto 'yong sasakyan sa daan.

"Joke lang." sabi ko at muling umandar 'yong sasakyan.

Napatingin ako sa labas. Medyo makulimlim na at sa 'di kalayuan ay may makakapal at maitim na ulap na paparating. Sa tingin ko tuloy uulan mamaya.

"Bakit ba kasi doon ka pa naglabas ng sama ng loob sa C.R. ng mga babae? Akala ko tuloy manyak ka o..." hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang tumingin ito nang masama sa akin.

"Ang daldal mo." masungit na sabi nito bago muling ibaling 'yong kaniyang tingin sa daan.

"Sorry po." sabi ko naman.

Hinihintay ako nito na tanungin kung saan ako baba pero sa totoo lang hanggang ngayon hindi ko pa rin alam. Wala pa rin akong maayos na plano basta ang mahalaga, hindi na ako bumalik sa bahay na 'yon. Lumipas pa ang ilang minuto, tahimik lang sa loob ng sasakyan. Nakadungaw lang ako sa labas dahil wala naman akong magawa sa cellphone ko. Wala itong laro, walang sim para makapanood man lang ng Youtube o Netflix o 'di kaya ay makinig sa Spotify. Binuksan ko na lang 'yong photos ng cellphone ko at pinagmasdan 'yong mga pictures namin.

Karamihan ng pictures namin nando'n sa cellphone ko na Samsung S10+ na kinumpiska nila mom and dad. 'Yong mga dito, puro lumang pictures at 'yong iba na nakuha ko kahapon sa group chat namin. Sa totoo lang, gusto ko nang kausapin ang mga kaibigan ko kaso bibigyan lang ako no'n ng dahilan upang bumalik sa Dagupan. Marami akong rason upang umalis sa aming bahay, upang maglayas. Kaunti lang ang dahilan ko para bumalik.

Biglang tumunog ang tiyan ko.

Naalala ko hindi pa nga pala ako nagtatanghalian. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung may pagkain ba siyang nakatabi dito o 'di kaya ay magpahinto saglit sa isang karinderya kapag may madadaanan kami kaso nahihiya ako. Una, hindi kami magkakilala. Pangalawa, may nakakahiyang nangyari sa pagitan naming dalawa which is kasalanan naman niya. Pangatlo, alam kong naiilang siya sa akin kaya medyo masungit siya.

Along With The Star TrailsHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin