Star Trail Eighteen

147 4 5
                                    

Mainit kaming tinanggap ng mga tao dito sa Sitio Alingwanan kagabi nang magpatawag ng pagtitipon si Manong Artemio upang ipakilala kami sa mga taong nakatira rito. Nagkaroon ng kasiyahan kagabi. Tumugtog kaming dalawa ni Caelum at kumanta. Habang nakikita ang masasayang mukha ng mga taga rito sa kabila ng kadiliman, napagtanto ko na maaring ito na ang tamang lugar upang magsimula ako ng panibagong buhay.

Pinag-iisipan ko tuloy ngayon kung sasama pa ba ako kay Caelum o magpapaiwan na lang dito. Nagdadalawang-isip ako dahil kay Caelum sa 'di malamang dahilan.

Kung dito ako mananatili sa Sito Alingwanan, magiging payapa at simple ang buhay ko. Magagawa kong tuparin ang pangarap ko na maging isang singer nang walang pumipigil sa akin. Kaya ko pa rin namang magpatuloy sa pag-aaral dahil marami pa naman 'yong pera sa bank account ko at isa pa hindi rin gano'n kalaki ang living expenses ko dahil simple lang naman ang pamumuhay dito.

"Sigurado ka na ba talaga na dito ka na titira sa lugar namin?" pagulat natanong ni Aling Delia na nakaupo sa isang maliit na upuan habang nagkukusot ng mga damit matapos kong sabihin sa kaniya na magpapaiwan ako sa lugar nila. Nginitian ko siya at saka tumango ako bilang tugon. "Paano 'yong mga magulang mo? Mga kaibigan mo? 'Yong mga mahal mo sa buhay?"

I hate my parents, I don't have any feeling of regret nang iwan ko sila pero sila Adelaine, Mariel, at Patrice? Nakokonsensya ako sa ginawa ko lalo na't hindi ako nakapag paalam nang maayos sa kanila. Para kay Henry naman, wala na akong nararamdaman sa kanya. Infatuation lang 'yong naramdaman ko habang kasama ko siya.

Napabuntong-hininga ako bago sumagot. "Mas mabuti na rin po na lumayo ako sa kanila. Problema lang naman dala ko sa mga kaibigan ko. Sa mga magulang ko naman... sawa na ako sa mga ginagawa nila sa akin. Pinipilit nila akong tahakin ang landas na hindi naman para sa akin."

"Mahirap talagang maging anak mayaman ano?" tanong niya sa akin habang pinapalo ng maliit na tabla 'yong puting damit. "Naranasan ko na rin 'yan." sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Nandito kami ngayon sa nag-iisang poso sa kanilang lugar. Ngayon siya nakatakdang maglaba dahil mayroong schedule ang paglalaba dito upang hindi pahirapan sa tubig. Ako ang nag-iigib habang si Dalia naman ay katulong ng kaniyang nanay sa paglalaba. Umaga pa lang. Hindi pa mataas ang sikat ng araw at tamang-tama lang na oras upang maglaba.

"Alam mo ba, anak ako ng dating mayor nitong Anda? Lima kaming magkakapatid, ako ang pangatlo at ang nag-iisang babae. Gusto ni itay na kumuha kami ng abogasya o 'di kaya ay pumasok sa politika. Hindi ko kinaya 'yon dahil hindi ako kasing talino ng inaasahan nila. Magaling ako sa mga gawaing bahay pero hindi ako magaling mag-isip." pagku-kwento niya. Napatigil siya nang hilahin niya 'yong isang palanggana upang itapat sa may bibig ng poso. "Laging binubugbog ni itay ang mga kapatid ko kapag hindi sumusunod sa kanya. 'Yong dalawang panganay, kumuha ng abogasya ngunit parehas nang patay. 'Yong isa nagpakamatay dahil sa depresyon, 'yong isa namatay dahil sa isang kaso ng malaking korporasyon. 'Yong dalawang kapatid ko na bunso, pumasok sa politika. 'Yong isa nakakulong, 'yong isa kapitan ng barangay."sabi niya at napatigil ako sa pag-iigib ng tubig. Naalala ko si Marco, namatay siya dahil sa pag-aaral.

Aksidente lang daw ang nangyari at sakin nila sinisisi 'yon pero hindi ba nila naisip na baka sinadya talaga ni Marco na magpakamatay?

"Sa totoo lang tumakas ako sa amin noong dalaga ako, sumama ako kay Artemio na isa sa mga nagdadala ng isda sa bahay namin noon. Mahabang kwento pero kuntento na ako sa buhay ko ngayon. Simple, masaya, at malaya." bakas ang tuwa sa mukha at boses niya.

Sang-ayon ako sa sinabi ni Aling Delia. Hindi ko kailangan ng marangyang pamumuhay kung hindi naman ako magiging masaya at malaya. Sa loob ng isang araw, kita ko ang saya at pagmamahalan sa loob ng kanilang pamilya. Hindi malaki ang kanilang bahay, walang magagarang damit, at hindi nakakakain ng masasarap na pagkain pero busog na busog sa pagmamahal ng isang tunay na pamilya.

Along With The Star TrailsWhere stories live. Discover now