Star Trail Eight

147 4 11
                                    

"Hayes ilang taon ka na?" tanong ni Patrice sa kapatid ni Henry na katapat niya sa pagkain.

"Why?" tanong naman ni Hayes at halatang wala itong interes na sagutin ang mga tanong na kanina pa nila binabato.

"Suplado tss." sabi naman nitong si Adelaine at napa-irap pa ito.

Dito kami dumiretso sa isang seafood restaurant upang samahan nila ako na i-celebrate ang aming recognition. Nakakahiya nga dahil inuna pa nila akong samahan kaysa sa mga pamilya nila. Sabi nila, nagpaalam naman daw sila at pumayag ang mga ito basta, makauwi sila bago mag-dinner. Pasado ala-una na nang matapos ang recognition namin. Sasabay na sana ako kina Jillian pauwi ngunit hinarang naman ako nitong apat at pagkatapos ay sinabi na surprise celebration daw para sa akin. Ewan ko ba, basta they are the best people I ever met.

Hinihintay pa namin ang mga inorder naming pagkain pero nauna nang dumating ang soup at drinks namin. Wala si Henry dito, lumabas muna siya upang kuhanin 'yong phone niya na naiwang naka-charge sa ginamit naming SUV na siya ang nag-drive.

"Ikaw ba ang girlfriend ng kuya ko?" Hayes asked all of a sudden with his "anak-mayaman na galing sa America" tone. Nabigla naman ako sa tanong niya habang itong mga kaibigan ko naman ay biglang nagtawanan.

"Oo, siya nga." sagot naman nitong si Adelaine.

"I'm not talking to you." Hayes replied and looked coldly at Ade. Napa-iling naman si Adelaine at nakita kong napabulong pa siya ng mga parang ritwal sa sobrang inis. Tinatawanan naman siya ni Patrice at Mariel.

"Ay hindi ako papayag na binabastos lang ako ng mas bata sa akin." sabi naman nitong si Patrice habang tinatawanan si Mariel.

"H-hindi, friends lang kami ng kuya mo." sagot ko.

"He must be really in love with you." sabi naman ni Hayes habang marahang iniikot ang hawak niyang baso. "Ikaw ang wallpaper ng phone niya and I also saw him printing some pictures of you and putting them in a photo frame in his room. He always smiles kapag nakikita ang pictures mo and I'm jealous because he spends more time and effort para sa'yo." nagulat ako. I never thought na gagawin niya 'yon. Itong mga kasama ko namang gaga ay kinilig sa sinabi ng bata.

"Na-kwento nga sa akin ng kuya mo na hindi kayo close." pag-iiba ko ng topic at pagkatapos ay sumipsip sa baso ng iced tea na hawak ko.

"Why? You brother looks good naman ah? Bakit hindi kayo close?" sunod-sunod na tanong ni Patrice. It look likes she's trying to be nice to Hayes dahil gwapo daw ito sabi niya.

Hayes rolled his eyes and heaved a heavy sigh. "Actually, sa states ako lumaki." Napatango naman si Patrice and she looks curious about his story, "It's a family matter, you don't have to know that unless magiging bahagi ka rin ng pamilya namin."

"He already told me that story." sabi ko at itong tatlong gaga kinilig na naman.

Narining ko naman na napabulong si Adelaine ng "Interview with bayaw."

"Then he must really love you talaga. As far as I know, kuya hates talking our family shits with other people pero nagawa niyang sabihin sa'yo." sabi nito at nagulat ako. Henry talks about his family to me casually lalo na noong nag-date kami sa Bunoan. Ang dami kong nalaman sa kanya dahil do'n.

"Oo nga eh, tapos itong kaibigan namin ayaw pa siyang sagutin. Pinapaasa niya." sabi naman nitong si Adelaine. Napatingin ko sa bata, naging seryoso bigla ang mukha niya.

Along With The Star TrailsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant