Star Trail Twenty-One

120 6 2
                                    


Hapon na nang makarating sa La Union. Hindi naman kasi gano'n katagal ang biyahe ngunit madalas kaming tumitigl sa daan kapag nakakakita ng magandang view si Caelum. Looking at the photos that he took, masasabi ko na may potential siya na maging isang photographer kahit na mobile phone lang ang gamit niya. He sometimes insist on taking pictures of me pero kapag siya, ayaw niya magpakuha ng pictures niya.

Kanina kinalikot ko 'yong phone niya habang nasa C.R. siya, naglalabas ng sama ng loob, noong nag-stop over kami sa Agoo upang kumain ng tanghalian. Wala siyang kahit na anong picture sa phone niya maliban sa mga pictures na kinunan niya sa mga lugar na napuntahan niya. Wala rin siyang selfie o 'di kaya mga pictures ng kakilala niya. Wala rin siyang kahit na anong contacts sa phone niya maliban sa number ko, pati sa social media wala. Wala siyang friends sa Facebook at wala rin itong kahit na anong posts pero nakalagay na 2018 pa nagawa 'yong account niya.

Medyo mas naging weirdo at misteryoso siya sa paningin ko considering the fact na pabago-bago rin ang attitude na ipinapakita niya sa akin. Pero parang mas lalo akong naging interesado sa kanya.

I'm not Sherlock Holmes but I want to dive deep into his secrets. Eme.

Nag-check in kami ni Caelum sa Tribo Guesthouse sa may Rivera Street, dito sa San Fernando. Noong una ayaw niya na magkasama kami sa isang kwarto at gusto niya na lang matulog doon sa sasakyan dahil may free parking naman kaso two beds naman kaya pumayag na rin siya. It feels so weird to sleep with a stranger in the same room pero... hindi na rin naman stranger ang tingin ko kay Caelum.

Well, friends naman na siguro kami.

May dinalang pagkain dito 'yong room service tapos may kasama pang fee toiletries. 2 days and 1 night kami mag-stay dito sa guesthouse sabi ni Caelum. Iniwan niya na 'yong mga gamit niya sa sasakyan at nagdala lang siya ng damit na susuotin niya para bukas. Nakahiga siya ngayon sa higaan niya habang may pinapanood na kung ano sa kanyang cellphone habang nakasuot ng earphones habang ako naman ay nakasalmpak sa sahig habang nakaharap doon sa T.V.

Ang awkward. I want to talk to him pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan.

"Caelum, tara akyat tayo sa rooftop." sabi ko matapos kong tanggalin 'yong earphone na nakasuot sa kanan niyang tainga. "Pahangin muna tayo." tumingin lang siya sa akin bago siya bumangon.

Nasa third floor 'yong kwarto namin at malapit pa doon sa hagdan patungong roof top. Pag dating namin, walang tao sa roof top pero nakabukas 'yong mga ilaw na kulay yellow. May mga upuan dito at lamesa tapos sa isang gilid may barbeque grill pa. Ang ganda ng tanawin dito. Sa bandang kaliwa matatanaw 'yong dagat habang sa kanan naman ay makikita 'yong mga gusali sa siyudad. Umupo si Caelum doon sa edge ng rooftop habang ako naman ay nagbitbit ng upuan sa may tabi niya.

"Hoy, bumaba ka nga diyan baka mahulog ka pa." saway ko sa kanya.

"Okay lang 'yon." tumawa siya at pagkatapos ay humarap doon sa direksyon ng dagat habang nakatingala sa kalangitan.

"You love looking at the stars ano?" sabi ko at napatingin din ako sa langit. Hindi maulap ngayon at hindi rin gano'n kaliwanag ang buwan kaya naman maraming bituwin ang nakikita sa langit.

"You can say that I am an astrophile and that's why I purse astrophotography kahit na phone lang ang gamit ko." sabi niya at naalala ko 'yong pagkakataon na tinuruan niya ako mag-astrophotography doon sa Sitio Alingwanan.

"Maganda naman ang mga kuha mo ah? Pwede ka na nga maging photographer kung may camera kang gamit." papuri ko sa kanya at hindi na siya umimik. Tahimik lang siyang nakatingin sa mga stars. Yes, his name is one of the 88 modern constellations nga pala.

Along With The Star TrailsWhere stories live. Discover now