Star Trail: Twenty-Nine

144 6 5
                                    

Nagising ako sa loob ng isang tent kaagad akong bumangon nang makita kong wala si Caelum. Pumupungas-pungas pa ako sa aking mata at nang buksan ko ang zipper ng tent, nagulat ako nang bumungad sa akin ang isang malawak na lupain na puro bulaklak. Napanganga na lang ako sa sobrang mangha dahil kasabay nito ay ang makakapal na ulap sa bundok na natatanaw mula dito at ang gintong sinag ng araw. Para akong nasa langit.

Lumabas ako at nakita ko sa 'di kalayuan si Caelum. Nakasuot siya ng khaki na pullover, maong pants, sneaker at black na beanie. Kaagad akong tumakbo papunta sa kanya at nang makalapit ay yinakap ko siya patalikod. "Good morning."

"Good morning." bati niya habang nakangiti. Inakbayan niya ako at sabay naming pinagmasdan ang magandang tanawin.

"Nakikita mo 'yong bundok na 'yon?" tanong ni Caelum sa akin habang nakaturo ang kaliwang kamay niya doon sa bundok na nababalot ng ulap. "'Yon ang Mt. Pulag."

"Maganda raw diyan 'yong sea of clouds every morning sabi doon sa travel site na nabasa ko last week." sabi ko sa kanya. I even saw the video doon sa site nila and ang heavenly talaga ng view. Para kang umakyat talaga sa langit.

"Oo nga. Gusto kong mamatay doon sa sea of clouds na 'yon." nakangiting sabi ni Caelum habang nakatingin sa akin.

"Ayan ka na naman Caelum eh! Stop talking about death na nga." inis kong sabi sa kanya at pinitik ko ang ilong niya. Napa-aray naman siya. "Let's just have breakfast kasi kumukulo na tiyan ko."

"Tara." sabi niya habang naka akbay pa rin sa akin. "Maligo ka na rin amoy laway ka pa tapos may malaki ka pang muta." dagdag niya pang sabi habang tumatawa. Napaalis naman ako sa akbay niya upang tignan kung may muta ba ako o wala pero pagkapa ko, wala naman.

"Ang bwisit mo talaga gusto mo pitikin ko ulit ilong mo." pipitikin ko na sana siya nang makatakbo ito kaya hinabol ko naman siya. "Lagot ka sa akin kapag nahabol kita." pagbabanta ko sa kanya. Tumawa lang siya na parang isang batang nang-aasar nang makalayo na siya sa akin.

Nang matapos kaming kumain sa manor ng may-ari ng farm which is by the way, walang bayad, naligo na rin ako doon at naghanda para sa araw na ito. Suot ko ang olive-green trench coat na nabili ko sa may night market. Nalabahan ko naman na 'to noong nandoon kami sa bahay ni Mrs. Marites kaya ayos na suotin. May doble akong black shirt at naka-high waist na maong pants ako. Kailangan bongga pa rin ang OOTD para naman maganda ako sa mga pictures mamaya kahit na alam kong maganda naman ako talaga.

Paglabas ko sa manor, nakita ko si Caelum na nakaupo sa patio, kausap 'yong may-ari ng farm. Kaagad naman ako nitong binati nang makita ako.

"Good morning young lady! You must be his girlfriend?" maligayang pagbati ng babae na mukhang nasa mid-40's na at nakasuot ng semi-formal na damit. "So enjoy kayong dalawa dito sa farm and have a good day." dagdag pa nito at saka naglakad patungo sa kotseng naka-park sa 'di kalayuan.

"Girlfriend huh?" taas-kilay kong tanong sa kanya habang nakapamewang pa. "Akala ko ba hindi pa tayo official?"

"Edi let's make it official. Right now." sabi niya at pagkatapos ay lumuhod pa siya sa harapan ko. "Maria Isabella Hamor, will you be my girlfriend?" tanong nito at biglang huminto ang mundo ko. Ang mabilis na tibok ng puso ko lang ang naririnig ko at parang nagkakagulo na lahat ng mitochondria and the organelles of the cells sa buong katawan ko.

"Tang ina ka Caelum! Seryoso ka ba?" natatawa kong tanong pero deep inside, hindi ko talaga alam ang sasabihin ko sa gulat.

"Oo nga." nakangiting sabi nito. "Okay lang naman kung ayaw mo pero-" tatayo na sana ito nang bigla akong sumagot.

Along With The Star TrailsKde žijí příběhy. Začni objevovat