Star Trail: Thirty

179 9 12
                                    

Nang magising ako, bumungad sa akin ang isang puting kisame na may nakakasilaw na ilaw. Dahan-dahan akong bumangon at naramdaman ko ang sakit sa aking kalamnan. Teka, ano ba ang nangyari? May humabol nga pala sa amin ni Caelum at matapos no'n, nabaril ako. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, nasa loob ako ng isang private room sa ospital at walang kahit na sino rito.

Dahan-dahang bumukas ang pinto ng kwarto at nagulat ako nang makita kong- "Maria, thank God you're awake."

"H-Henry?!" gulat kong tanong nang makita ko siyang pumasok dito sa kwarto. Hindi kaya namamalik-mata lang ako?

"Yes, I'm here. Tawagin ko lang ang nurse." kalmado nitong sabi sa kabila ng sitwasyon.

N-nasaan si Caelum?

Hindi maari. Baka nahuli na siya ng mga tauhan ng tito niya. Baka ngayon ay binubugbog na siya ng mga tauhan ng tito niya. Kahit na masakit ang aking tiyan, dali-dali akong bumangon mula sa pagkakahiga. Kaagad namang lumapit si Henry upang pigilan ako. "Maria nahihibang ka na ba? Hindi pa magaling ang sugat mo! Ano bang ginagawa mo?"

"Henry nasaan si Caelum? Idala mo ako sa kanya!" sabi ko habang pilit na umaalis mula sa pagkakahawak niya. "Nasaan si Caelum? Kailangan niya ng tulong ko. K-kailangan niya- Baka nahuli na siya ng mga tauhan ng tito niya! Henry idala mo ako kay Caelum." hindi ko mapigilang umiyak. Halo-halong emosyon ang dumadaloy ngayon sa sistema ko ngunit mas nananaig ang takot dahil alam kong may mga taong gustong pumatay kay Caelum.

"Maria!" malakas na sigaw ni Henry. Mas hinigpitan niya ang paghawak sa akin. "Ano ba! Iniwan ka na nung gagong lalaking 'yon!" galit na galit na sabi niya habang magkatapat pa ang mukha namin.

"Mas gago ka! Tang ina mo idala mo ako sa kanya!" sigaw ko pabalik at itinulak ko siya ng buong lakas upang makawala sa pagkakahawak niya.

Habang iniisip ko ang mga masasamang bagay na maaaring mangyari kay Caelum, hindi ko maiwasang maiyak. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at hindi na ako makapag-isip nang maayos. Ang mahalaga sa akin ngayon ay mahanap siya at masiguradong ligtas siya mula doon sa mga taong naghahanap sa kanya. Nasa pintuan na ako nang muli akong mahuli ni Henry.

"Maria tinawagan niya ako at pinapunta dito sa ospital at pagdating ko wala na siya. Wala siyang iniwan na kahit na ano." sabi niya sa akin at may ipinakita pa ang text sa kanya ni ng isang numero bilang patunay. Kinuha ko ang kaniyang cellphone at saka ito binasa.

Henry hindi ko alam kung ito pa ang number mo pero ito ang nakalagay sa cellphone ni Maria. Pumunta ka rito sa district hospital ng Atok. Nabaril si Maria. Patawad, hindi ko siya na-proteksyonan.

"Isa siyang duwag! Iniwan ka niya matapos ang nangyari sa'yo. Matapos kang mabaril nang dahil sa kanya!" sabi sa akin ni Henry na mas lalo kong ikinagalit. Ibinato ko nang malakas 'yong cellphone niya sa pader at nagulat naman siya sa ginawa ko at dali-dali niya itong kinuha.

"Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan niya kaya wala kang karapatang sabihin 'yan!" galit na galit kong sabi sa kanya at tuluyan na akong lumabas sa kwarto.

"Maria! Gumising ka na nga sa kahibangan mo! Ano ba talaga ang problema mo?" sigaw nito at napatingin sa aming dalawa ang mga tao sa pasilyo.

Hindi ko na siya nilingon bagkus, nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang sa makaramdam ako ng matinding sakit sa aking tiyan. Paghawak ko, mayroon akong nakitang dugo sa mga kamay ko.

"Maria, dumudugo ang sugat mo." rinig kong sabi ni Henry pero hindi ko 'yon pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang sa may mga nurse na tumakbo upang kuhanin ako.

Along With The Star TrailsWhere stories live. Discover now