Star Trail Two

297 11 15
                                    

Sabado na ng umaga at medyo napasarap ata ako sa pagtulog. Napatingin ako sa digital alarm clock na nakapatong sa maliit na desk sa tabi ng higaan ko at nakita ko na malapit na mag-alas onse. Kagabi pa ako kinakabahan na baka pagalitan ako nila mom and dad kapag nakita na nila ang grades ko pero apparently, hindi pa nila nakikita. Kung nakita nila 'yon baka hindi na ako nakatulog sa kakaiyak. Bigla akong nakaramdam ng lungkot, hindi ko alam kung bakit pero I've been feeling this way for the last 5 years na gumigising ako sa bahay na 'to.

Our house is gigantic pero tatlo lang kaming nakatira at hindi pa pamilya ang turingan namin sa isa't isa. Well, may mga house helpers naman kami dito and mas gusto ko pa nga silang makausap kaysa sa mga magulang ko. Palagi naman silang wala dito sa bahay so why bother? Pagbaba ko, may isang babae na kaagad na sumalubong sa akin. Sobrang excited siya na makita ako.

"Congrats sa'yo 'day! Ang bungga mo naman 'uy, with honors ka raw?" masayang sabi nito with her strange accent. Hindi ko alam kung pang-bisaya or pang-ilokano or ewan. 5 years na kami dito sa Pangasinan pero hindi pa rin ako nakakapag-adapt sa kultura at mga nakagawian nila.

"Salamat Jillian. Buti ka pa binati ako samantalang 'yong mga magulang ko papagalitan na naman ako mamaya kapag nakita nila report card ko." Sabi ko at pagkatapos ay sabay kaming naglakad patungo sa dining area ng aming bahay.

May dalawang palapag itong bahay namin, maraming kwarto, may swimming pool at may garden pero sa kwarto lang naman ako naglalagi, lalo na kapag nandito mga magulang ko. Sa totoo lang, kung maari, ayaw ko na silang makita. Kahit kailan, hindi ko pa nararamdaman na naging magulang sila sa akin.

Simula pagkabata, lumaki ako sa pag-aalaga ng ng nanay ni Jillian. Medyo mahabang kwento pero sa Nueva Ecija ako ipinanganak at may bahay kami doon and due to some unfortunate circumstances, bumalik kami dito sa Dagupan, ang hometown ni dad.

"'Day, bakit naman magalit sila ser eh ang galing mo naman?" tanong ni Jill, eksaktong pagpasok namin sa dining area. Umupo na ako sa upuan, maraming pagkain na nakahain sa lamesa. Si Jillian ay nagtungo sa kusina para kumuha ng plato at baso.

"Simula dati pa lang, kahit na mataas grades ko, kahit na with honors ako, hindi pa rin 'yon tumatapat sa kagustuhan nila. Kasi nga 'di ba gusto nila, ako maging pinakamagaling sa school namin." paglalahad ko, "Girl, you know naman that I can't do that. Hindi ako gano'n katalino para ibigay ang gusto nila." dagdag ko at pagkatapos ay inilapag niya ang plato, kutsara, tinidor sa harapan ko.

"Basta 'day ako, nandito lang ako para sa'yo. Nakaka-proud ka kaya 'uy." sabi pa nito habang nakangiti, "Kumain ka na, gusto mo ba ng gatas, hot choco, or kape?" dagdag pa nito at napa-iling ako.

"Hay nako Jillian, 'di ba sabi ko na sa'yo 'wag mo akong pinagsisilbihan. Kaibigan kita, hindi kita katulong." sabi ko at mas lalo pa itong napangiti. She's so sweet and sincere and I don't care kung house helper namin siya because I consider her as a friend.

"Mary, 'yon naman trabaho ko kaya nandito ako. Amo kita kaya dapat lang na sundin ko mga utos mo." sabi nito, napabuntong-hininga ako.

Naninilbihan sila dito sa bahay bilang kabayaran sa pagpapaaral sa kanya ng mga magulang ko. Hindi rin kasi sapat ang kinikita ng mama niya para masuportahan silang magkakapatid. Noong una, Jillian wanted to stop going to school para lang magtrabaho but my parents came into this resolution.

"Katulad nga ng sabi mo, kailangan mong sundin ang mga utos ko. Kaya inuutusan kita na 'wag ako pagsilbihan at samahan mo akong kumain. Marami tayong pag-chichismisan." sabi ko at pagkatapos no'n umupo na siya sa upuan sa tapat ko at sinabayan niya ako sa pagkain ng agahan. Siya lagi kong kasabay kumain, kasama sa kwentuhan, mga kalokohan, at tinutulungan niya ako paminsan-minsan para tumakas sa bahay.

Along With The Star TrailsWhere stories live. Discover now